Economic sabotage, ituturing nang isang malaking krimen
Sinabi ni Camarines Sur Rep Diosdado Dato Arroyo na ang kasalukuyang umiiral na mga batas sa bansa hinggil dito ay hindi nagbibigay ng sapat na proteksiyon sa mga proprietary economic information.
Ayon kay Arroyo, ang kanyang panukala, ang HB06485, ay may layuning mahadlangan ang tinatawag na economic sabotage sa pamamagitan ng pagpapaibayo at tamang paggamit ng mga proprietary information ng bansa sa pamamagitan ng pagprotekta ng mga ito sa pagnanakaw, wrongful destruction at conversion nito ng ilang mga banyagang pamahalaan.
Importanteng umanong maproteksiyunan ang mga naturang impormasyon na minamay-ari ng pamahalaan laban sa mga tiwaling indibidwal na layun lamang na nakawin ang mga ito at gamitin sa masamang layunin lalu na ng mga foreign governments, ng kanilang mga ahente o corporate entities na siyang maging dahilan ng kalugihan sa pambansang ekonomiya na aabot sa milyun-milyong piso bawat taon.
Ang pagpapaibayo ng proprietary economic information, dagdag pa ni Arroyo, ay mahalaga at importanteng bahagi sa pagpapausbong ng negosyo at komersiyo ng bansa.
Ang kanyang panukala ay tataguriang “Economic Espionage and Protection of Proprietary Information Act of 2009” na siyang magmimintina ng confidentiality ng mga impormasyon na tinukoy bilang highly classified information para sa trade at business.