Monday, August 10, 2009

Mabilis na pag-release ng mga retirement benefits, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara de Representantes bago pa man mag-adjouorn ang 2nd regular session, ang panukalang mag-uutos sa lahat ng mga tanggagapng pamahalaan na seguraduhing i-release ang retirement benefits ng kanilang empleyado sa loob ng labinglimang araw matapos ang mga ito mag-retire.

Sinabi ni Paranaque Rep Roilo Golez na ang HB06096 ay mag-papataw ng kaparusahan sa sinumang mabigong ipatupad ang nasasaad sa panukala sa sandaling maging batas na ito.

Ayon kay Golez, ang pangulo o hepe ng tanggapang pamahalaan na bigong mag-comply sa mga pobisyon ng batas ay paparusahan ng anim na buwang suspensiyon na walang suweldo.

Idinagdag pa ni Gole na inatasan sa panukala ang hep eng tanggapan para ma seguro ang release ng lahat na mga retirement benefit at gratuities ng mga empleyado sa loob ng compulsory o optional retirement man sa loob g labinglimang araw.

Naniniwala si Golez na ang panukalang ito ang maging solusyon sa mga problemang pagkakaantala ng release nga mag benepisyo sa mga nagretirong empleyado ng pamahalaan sa kadalasang naging mga pagyayari.

Tinukoy ni Golez ang mga patakaran ng Government Service Insurance System o GSIS kung saan ang isang claimant ay maaari nang kumuha ng kanyang retirement benefits sa loob ng apat na araw.

Inaantabayanan na lamang ngayon ang pagkakapasa sa Senado ng naturang panukala bago ito lagdaan ng Pangulo upang maging ganap na batas.
Free Counters
Free Counters