RPPt Romualdez inilungsad Tulong Eskuwela Program
1.32M estudyante, magulang binigyan ng P5.28B cash aid
Inilungsad ang isang bagong social amelioration program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes ay namahagi ng P5.28 bilyong halaga ng financial assistance sa may 1.32 milyong senior high school student at kanilang magulang para mabawasan ang bigat ng gastos sa pag-aaral.
Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez ang Tulong Eskwela Program ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na gumawa ng pagbabago sa sektor ng edukasyon gamit ang teknolohiya at modernisasyon.
“Ang Tulong Eskwela ay ang ating tugon sa hamon ng ating mahal na Pangulo sa kanyang huling SONA. At ang ating senior high education system ay malaking bahagi ng repormang ating ipinapatupad sa sektor ng edukasyon,” ani Speaker Romualdez.
“Kadalasan ay kinakapos ang mga magulang sa pagtustos sa pagtatapos ng kanilang mga anak sa senior high school. At kapag hindi nagtapos, mahirap makakuha ng trabaho at mahirap magkaroon ng kontribusyon sa ating mga komunidad,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“This initiative is designed to alleviate the financial burdens that often hinder our senior high school students from realizing their full potential. By providing critical financial assistance to families across the nation, we are ensuring that education remains a reachable goal for every Filipino child, regardless of their economic background,” saad pa nito.
Ang programa ay sabay-sabay na inilungsad sa 220 lugar sa lahat ng probinsya ng bansa nitong Biyernes. Ang bawat lugar ay mayroong 3,000 magulang ng senior high school student na pinili bilang benepisyaryo ng Ayuda para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng DSWD, at dagdag na 3,000 benepisyaryo na tutulungan naman sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE.
“The integration of AKAP and TUPAD within the Tulong Eskwela Program not only provides immediate relief but also employment opportunities for the families of our students. This dual approach ensures that we are addressing both the short-term and long-term needs of our communities,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ang 660,000 magulang ay bibigyan ng tig-P3,000 mula sa AKAP at tig-P5,000 naman ang 660,000 benepisyaryo ng TUPAD o kabuuang P5.28 bilyong halaga ng financial assistance. Ang pamamahagi ng tulong ay isasagawa mula Agosto 30 hanggang 31.
Ayon kay Speaker Romualdez ang Tulong Eskwela Program ay nagsisilbi rin umanong paghimok at suporta na mamuhunan sa mga estudyanteng Pilipino upang maabot ng mga ito ang kanilang pangarap.
“Education is the cornerstone of progress, and it is through education that we can empower the next generation to lead our nation to greater heights. By enabling the youth to continue their education, we are investing in the development of a skilled, knowledgeable and potent workforce,” deklara ni Speaker Romualdez.
“Simula pa lamang ito ng isang programang balak nating gawing pangmatagalan. Sa mga magulang ng ating mga senior high students, nawa’y maitawid natin sa tagumpay ang ating mga minamahal na anak. Kasama nyo ang pamahalaan sa pag-abot ng tagumpay,” dagdag pa nito. (END)
————
RPPt Libanan kay Sen. Dela Rosa: Harapin ang katotohanan, aminin ang pagkakasangkot sa mga pagpaslang sa drug war
Hinamon ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ilantad ang katotohanan tungkol sa kanyang papel sa pagkamatay ng mahigit 27,000 Pilipino sa pagpapatupad ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyan diin pa ni Libanan, na kilalang tagapagtaguyod ng katarungan na naka-ugat sa moral at etikal na prinsipyo, ang kahalagahan ng pagiging tapat at magkaroon ng pananagutan sa mabigat na alegasyon ng extra judicial killings
Si Libanan ay isang dating seminarista mula sa Seminario de Hesus Nazareno, isang abogado, at dati ring naging chairperson ng House Committee on Justice.
“As it says in Proverbs 12:22, ‘The Lord detests lying lips, but he delights in people who are trustworthy,’” ani Libanan bilang paalala sa lahat ng mga lingkod-bayan na ang katotohanan ay pundasyon ng tiwala ng publiko at pagpapala ng Diyos.
“Senator Dela Rosa, ang hinihingi natin dito ay simple lang — maging tapat tayo sa taumbayan at sa Diyos. The truth has a way of coming out, no matter how much we try to hide it. It is better to face it now with honesty,” ayon pa kay Libanan.
Binibigyang-diin ng mambabatas na ang kahalagahan ng katapatan, hindi lamang sa mga lingkod-bayan, kundi sa lahat ng indibidwal na nagnanais na maglingkod nang may integridad.
Ipinahayag din ng kinatawan ng 4Ps party-list, ang kanyang pag-aalala sa mga matinding akusasyon laban kay Dela Rosa at sa Philippine National Police (PNP).
“Hindi natin maaaring kalimutan ang sinabi sa atin sa 1 John 1:8-9 (We cannot forget what is said in 1 John 1:8-9): ‘If we claim to be without sin, we deceive ourselves and the truth is not in us. If we confess our sins, He is faithful and just and will forgive us.’ Alam nating lahat na walang lihim na hindi nabubunyag (We all know that no secret can remain hidden forever)."
Pinuri naman ni Libanan ang mga matapang na inihayag ang katotohanan, katulad ni PNP Lt. Col. Jovie Espenido, sa kabila ng banta sa kanyang kaligtasan.
“Ang katapangan ni Colonel Espenido ay isang halimbawa ng tunay na pagmamahal sa bayan at sa katotohanan. Ang mga taong lumalaban para sa katotohanan ay nagpapakita ng tunay na pagmamalasakit sa kapwa (Espenido’s bravery is an example of one’s love for the truth and his country),” ayon pa kay Libanan, kasabay ng paghimok sa ibang mga saksi na lumantad na rin upang matiyak na makakamit ang katarungan para sa mga pamilya na nawalan ng mga mahal sa buhay sa panahon ng kampanya kontra ilegal na droga.
Sinabi pa ni Libanan na moral na obligasyon ng mga nasa kapangyarihan, tulad ng mga lingkod bayan na maging huwaran lalo na sa pagtanggap ng pagkakamali at pagpapakumbaba.
“As a former PNP chief, dapat ay si Senator Dela Rosa ang nagiging ehemplo ng katapatan at katarungan. Ngunit ngayon, mas mahalaga na siya’y maging ehemplo ng pagsisisi at pag-amin. Tanggapin natin na walang sinuman ang makakatakas sa hustisya ng Diyos at ng batas.”
Nais ding malaman ni Libanan kung paanong hinaharap ni Dela Rosa ang kanyang konsensya sa kanyang mga nagawa, at ang pag-aalala sa posibleng pangmatagalang epekto nito sa kanya, gayun na rin sa lipunan.
“The Lord has said that the sins of the parents will be visited upon their children to the third and fourth generation’ (Exodus 20:5). This is a reminder that our actions today affect not just us, but our descendants as well,” sabi pa ni Libanan.
Sinabi ni Libanan kay Dela Rosa na hindi pa huli ang lahat para humingi ng kapatawaran at gawin ang tamang hakbang sa pag-amin ng kanyang naging papel sa mga extrajudicial killings.
“Senator, it’s never too late to turn back to what is right. Hindi pa huli ang lahat para sa pag-amin at pagsisisi. The path to redemption is always open for those willing to walk it,” saad pa ni Libanan. (END)
————-
RPPt Imbestigasyon ng quad comm hindi nadidiktahan— Rep Dan Fernandez
Itinanggi ni House Committee on Public Order and Safety chairman at Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez na nadidiktahan ang quad committee ng Kamara de Representantes kaugnay ng imbestigasyon nito sa iligal na operasyon ng POGO, bentahan ng iligal na droga at mga kaso ng extrajudicial killings sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni Fernandez na hindi maaaring diktahan ng liderato ng Kamara de Representantes ang imbestigasyon ng mga komite nito.
Ayon kay Fernandez hindi rin si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang bumuo ng quad committee.
“So if they accuse the Speaker that we created this, or that happened because of the Speaker’s directive, that is so unfair,” ani Fernandez. “And I myself, I would not allow myself to be used for a political agenda. After all, I’m not running for any higher position. I mean for a national (post), and this would not affect us.”
Ang pahayag ni Fernandez ay tugon sa tanong kaugnay ng sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na mayroong mataas na opisyal na nagdidikta sa quad committee bilang bahagi umano ng plano na sirain ang anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon.
Si dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police ng ipatupad ang war on drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinunto ni Fernandez na mahigit 300 ang mga kongresista sa Kamara at mahirap umano na diktahan ang lahat ng ito.
Isa rin umanong kalokohan na suhulan ang mga tumetestigo sa pagdinig dahil maaaring lumabas ang mga ito sa telebisyon para sabihin na sila ay pinipilit na tumestigo.
“Especially if the evidence will be cooked by us just to cater to certain personalities like the Speaker, that’s hard. What if the people we talked to suddenly talk about that during the hearing? That will put us in a precarious position,” wika pa ng mambabatas.
Mahirap umano na diktahan ang isang resource person dahil maaaring bumaliktad ang mga ito.
Kuwento ni Fernandez nabuo ang quad committee dahil napansin nila nina Committee on Dangerous Drugs chair Robert Ace Barbers, Committee on Public Accounts chair Joseph Stephen Paduano, at Human Rights committee chair Bienvenido Abante na pare-pareho ang mga resource person na sangkot sa iniimbestigahan ng kani-kanilang komite.
Kinausap umano ng apat na chairperson si Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. kaugnay nito kaya siya ay nag-privilege speech at naghain ng resolusyon para ilatag at pagbotohan sa plenaryo ang panukala na buohin ang quad committee. (END)