-PAGLAGDA NI PRRD NG BATAS NA MAGTATAAS NG EDAD SA STATUTORY RAPE, PINASALAMATAN NG BUONG KAMARA
Nagpahayag ng lubos na pasasalamat ang buong liderato ng Kamara de Representantes, kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkaka-lagda at pagiging ganap na batas ng panukalang nagtataas ng edad ng sexual consent magmula 12 na gagawing 16 na.
Ang nilagdaang Republic Act (RA) No. 116481 ng Pangulo kahapon ay mag-amiyenda ng RA 3815 o ang Revised Penal Code o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Sinabi ng isang mambabatas magmula sa gitnang Bisaya na ang batas ay mag-tataas ng edad para tukuyin o idetermina ang statutory rape sa 16 anyos upang mabigyang proteksiyon ang mga kabataan laban sa sexual exploitation at pang-aabuso.
Ayon sa kanya, matagal-tagal na rin umanong ipinaglaban nila ang adbokasiyang ito at sila ay hindi nabigo sa kanilang pagsikap at sila ay nagtagumpay nang naipasa nila ang nabanggit na panukala noong nakaraang Disyembre sa Kamara.