Sunday, March 24, 2019

Death penalty hinging ibalik


Ipinanukala muli ni Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon na ibalik na ang parusang kamatayan para sa kasong drug trafficking kasabay ng pa­nawagan na i-upgrade na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang apela ni Biazon ay kasunod sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng PDEA sa isang mall at subdivision sa Muntinlupa kung saan nasabat ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 1.1 billion pesos.

Sinabi ng solon na nakakabahalang umuusbong na ang sirkulasyon ng ilegal na droga sa mga exclusive subdivision kaya dapat nang repasuhin ang kanilang security measures at makipagtulungan ang mga residente.

Iginiit ng kongresista na sa kabila ng agresibong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga ay nananatili ang problema dulot ng kawalan ng ngipin ng mga kasalukuyang batas.

2018 budget irerekomendang gayahin sa 2019


Inirikomenda ng namuno ng House committee on appropriations kay Pangulong Rodrigo Du­terte na i-reenact ang budget sa 2019 kung hindi talaga malulutas ang hidwaan sa dala­wang sangay ng kongreso.

Sinabi ni Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., na nangangarap siya na sumangayon ang Senado sa niratipikang budget para mapirmahan na.

Ayon kay Andaya, siya, si San Juan City Rep. Ronaldo Zamora at Albay Rep. Edcel Lagman ay may limang araw para kausapin ang mga sena­dor na tapusin na ang budget.

Sinabi niya na: “We are given five days and the Senate counterparts to resolve the impasse. Kung mag-fail, magpakatotoo na tayo, ako na mismo ang magrerekomenda na reenacted [budget] na tayo the whole year para umusad na ang mga proyekto.”

Idinagdag pa ni Andaya na dapat umanong samantalahin ng gobyermo ang magan­dang panahon para mai­patupad ang nga pro­yektong impraestruktura.

“This is the most opportune time para sa mga proyekto dahil tag-init,” ayon pa sa kanya.

Free Counters
Free Counters