Tuesday, May 02, 2017

Pagpasa ng anti-hospital deposit bill at national land use bill sa Kamara, ikinagagalak ng mambabatas

Ikinagagalak ng Akbayan ang pagpasa ng Anti-Hospital Deposit Bill sa Kamara, upang masigurong hindi na mapagkakaitan ng serbisyong medikal ang mga nasa emergency situation, kabilang na ang mga buntis na nag-lalabor. Mayaman man o mahirap, ang bawat tao ay may buhay na dapat sagipin.

Ikinagagalak din namin ang pagpasa ng National Land Use Bill, na maaaring magsilbing susi upang mapangasiwaan nang epektibo at patas ang lupa, na madalas pinag-aagawan dahil sa angking yaman nito.

Umaasa kaming maisasabatas ang mga panukalang ito: Isang batas para mangasiwa sa mga lupain at isa pang batas upang sagipin ang buhay ng mga naninirahan dito.
Free Counters
Free Counters