Tuesday, May 16, 2017

Alejano handa sa ethics complaint, posibleng dumulog sa ICC

Nakahanda si Magdalo Rep. Gary Alejano na maharap sa anumang ethics complaint kaugnay ng kanyang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"Kung talaga pong gusto nila akong kasuhan ng ethics complaint sa [House] ethics commitee, sa kanila na po iyan. Iyun talaga ang hazard ng pagtayo sa isang paniniwala o prinispyo," ani Alejano sa panayam ng DZMM, Martes.

Sa pagdinig nitong Lunes, nagbabala si House Majority Leader Rodolfo FariƱas na maaaring maharap sa kaso si Alejano dahil sa paggamit ng hearsay evidence kanyang reklamo laban sa Pangulo.

Ito rin ang dahilan ng House justice committee sa pagdeklara sa impeachment complaint bilang insufficient in substance.

Pinag-aaralan ng kampo ni Alejano kung dadalhin nila ang reklamo sa Internationa Criminal Court.
Free Counters
Free Counters