Space technology, palalakasin
Pinuri ni
Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and
Development Rowena Cristina Guevarra ang House sa napapanahong pagsusulong ng
mga panukala na naglalayong pagtuunan ng panahon ang pagpapaunlad ng teknolohiya
sa mas ligtas at malayang paggamit ng kalawakan.
Ipinagmamalaki
ni Guevarra ang DOST dahil ang kanilang tanggapan aniya ang may kakayahan o
technical know-how para sa space technology na isinusulong sa ilalim ng HB03637
na inihain nina Bohol Rep Erico Aristotle Aumentado at Zamboanga del Norte Rep
Seth Frederick Jalosjos; HB04275 nina Manila Reps John Marvin “Yul Servo” Nieto
at Edward Vera-Perez Maceda; HB04367 na inihain ni Albay Rep Joey Salceda; at
HB04623 ni Cagayan del Oror Rep Maximo Rodriguez Jr.
Sinabi ni
Guevarra na bagama’t ang Pilipinas ay isa sa limang bansa sa Southeast Asia na
walang space agency tulad ng Cambodia, Laos, Myanmar, at Brunei ay nagsasagawa
na sila ng mga pag-aaral at pagsasaliksik sa paggamit ng space technology tatlong
taon na ang nakakaraan nang kanilang inilunsad ang micro- satellite project sa
ilalim ng Diwata Program.
Ito ang
tugon niya kay Davao City Rep Alberto Ungab sa kanyang tanong kung may mga ginagawang
hakbang ang DOST para sa space development programs.
Sa
pagdinig ng House committees on government reorganization at ng science and
technology, inaprubahan nito ang pagbuo ng isang technical working group (TWG)
para pag-isahin ang mga panukalang may kinalaman sa proyekto.
Layunin
nitong isulong ang pagtatatag ng Philippine Space Development and Utilization Policy
at Philippine Space Agency (PSA) bilang tugon sa 10-point economic agenda ng administrasyong
Duterte hinggil sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya.
Sa ilalim
ng mga panukala, magsisilbing primary strategic roadmap para sa space
development ang Philippine Space Development and Utilization Policy para magkaroon
ang bansa ng pagkakataon maging space-capable at space-faring nation sa susunod
na dekada.
Habang
ang Philippine Space Agency (PSA) naman ang magiging central government agency
na tutugon sa pambansang isyu at mga gawaing may kinalaman sa space science at
technology applications.
Ayon naman
kay Pangasinan Rep Christopher “Toff” de Venecia, miyembro ng committee on
government reorganization, ito ang unang pagkakataon na may naghain ng ganitong
panukala sa Kongreso, na masasabing napapanahon dahil laging nahuhuli ang
Pilipinas sa Estados Unidos, Europa, at iba pang mauunlad na bansa na
naghahangad din na makagamit ng kalawakan.
Iminungkahi
naman ni Sorsogon RepEvelina Escudero ang pagrebisa sa pondong ilalaan sa
proyekto para matiyak na maayos itong maipapatupad kapag naging ganap na batas
na ang naturang programa.
<< Home