Hazard Pay sa mga RTC Judge, ililibre sa buwis
Pinuri
at pinasalamatan ng Pangulo ng Judges Association of the Philippines na si Georgina
Hidalgo ang pagkaka-apruba sa Mababang Kapulungan ng House Bills 1551 at 3767
na iniakda nina Quezon City Reps Winnie Castelo at Compostela Valley Rep Ruwel
Peter Gonzaga na naglalayong pagkalooban ng exemption sa buwis ang hazard pay
ng mga huwes sa Regional Trial Courts na katumbas ng 25 porsiyento ng kanilang
buwanang sahod.
Sinabi naman ni
Veloso na dapat tiyakin ng pamahalaan ang 25 porsiyentong tax-free sa hazard
pay ng mga hukom dahil hindi nababawasan ang panganib sa buhay ng ating mga
huwes pero ang bulsa ng gobyerno ay nadadagdagan dahil sa kita sa buwis.
Ang
naturang panukala ay ipinasa ng subcommittee sa pamumuno ni Leyte Rep Vicente Veloso,
chairman ng subcommittee on judicial reforms ng House justice committee, na
mag-aamyenda sa kasalukuyang 20 porsiyentong exemption na iginagawad sa hazard
pay at gagawin itong 25 porsiyento.
Sa
paliwanag ni Castelo, batay sa datos mula 1999 hanggang 2012 ay tinatayang may
22 o dalawa taun-taon ang huwes na napapatay o pinaslang dahil sa pagtupad nila
sa kanilang sinumpaang tungkulin na magkaloob ng katarungan sa mga biktima ng karahasan
at iba’t ibang krimen.
Aniya,
kung magpapatuloy umano ang ganitong pangyayari, lalong magkakaroon ng masamang
epekto sa ating mga hukuman at malalagay sa panganib ang criminal justice
system ng bansa.
Kailangang
tumbasan ang delikadong tungkulin ng mga huwes gaya ng tax exemption sa hazard
pay upang mahimok sa halip na panghinaan ng loob na gampanan ng patas ang
kanilang resposibilidad sa pagkakaloob ng katarungan sa mga dumudulog sa
hukuman.
Ayon
naman kay Gonzaga ang garantiya at sapat na sahod at pagkakaloob ng hazard pay sa
mga RTC judges ay isang maliit na panukala lamang subali’t mapoprotektahan nito
ang personal na kalayaan ng mga hukom at kikilalanin ang kanilang malaking ambag
sa bansa.
Ibinahagi
ni Gonzaga ang isang salaysay na nakasaad sa “Tribute to the Fallen: A Hazard
Pay by Hon. Angelo C. Perez of the RTC, Cabanatuan City, Branch 27, “ na ayon
sa kanya ay ipinakikita na ang miyembro ng hukuman ay potensyal na target, pag-atake
at sadyang pagpatay ng mga may galit, sama ng loob at paghihiganti ng mga
akusado laban sa mga huwes. “Ang panganib at tangka na kanilang buhay ay isang
malinaw na halimbawa para pagkalooban agad ng hazard pay ang mga miyembro ng
hukuman,” ani Gonzaga.
<< Home