Mga prepaid SIM card at social media accounts, kailangang i-rehistro
Sa
pagpupulong ng Technical Working Group (TWG) ng committee on Public Order and
Safety ng Kamara, sa pamumuno ni Manila Rep Manny Lopez, na tumatalakay ng mga
mapanghasik na mga bomb threat sa mga pampublikong lugar na patuloy na nananakot
at umi-estorbo sa mga pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
Sinabi ni
Lopez na marapat lamang umanong i-rehistro ang lahat na mga SIM card at mga
social media account ng mga gumagamit nito kung kaya’t naghain siya ng
panukalang naglalayong magbigay ng 30 araw upang iparehistro ang mga SIM card
at pagbibigay ng kaukulang parusa sa mga lalabag nito upang makapagpatuloy
gumamit sila ng mga account nila sa Facebook, Instagram, Twitter at sa mga
kagaya nitong social media.
Lahat ng
mga nabanggit na platform ay uutusang makapag-labas ng madaling mapuntahang
registration center upang ang lahat na mga Filipinong rehistradong gumagamit ng
mga ito ay makapag-bibigay ng impormasyon para ma-validate ang kanilang mga
account.
Ang mga
account user, batay sa panukala, ay kailangang magrehistro sa loob ng 30 araw para
hindi ma-deactivate ang kanilang mga account.
Ang panukala
ay inihain sa layuning magkaroon ng mabilis pagta-track down ang mga tiwaling indibidwaa
na gumagamit ng mga nabanggit na platform at mapatawan ng karampatang
kaparusahan sa kanilang paglabag sa batas.
<< Home