Decongestion sa Metro Manila, tutugunan ng Kamara
Kapag
hindi nagawan ng maayos na solusyon ng pamahalaan ang grabeng problema ng
trapiko, paglaki ng populasyon at ang nararanasang mga kalamidad tulad ng
mabilis na pagbaha dulot ng mga matitinding pag-ulan sa Metro Manila, ay mas
lalo pa itong lalala sa susunod na ilang taon at labis na makakaapekto ito sa
ekonomiya ng bansa.
Ilan sa kanyang
dahilan ang marami aniya sa mga opisina ng gobyerno ay nangungupahan lamang sa kasalukuyang
lugar na kanilang kinalalagyan kaya kung magkakaroon man ng lipatan ay
makakatipid ng malaking pondo ang pamahalaan sa pagbabayad sa upa at
magkakaroon pa sila ng pagkakataong magmay-ari ng lupang tatayuan ng kanilang
mga gusali.
Ang
ganitong pangitain ang nagbunsod sa House Committee on Housing and Urban Development
sa pamumuno ni Negros Occidental Rep Alfredo B. Benitez na itatag ang isang
technical working group (TWG) upang magsaliksik at pag-aralan ang panukala na
naglalayong magtatag ng Administrative Capital City Planning Commission (ACCPC)
kung saan pag-aaralan nito ang paglilipat ng kabisera at mga tanggapan ng
pamahalaan para ma-decongest ang Metro Manila.
Ayon
kay Benitez, iniakda niya ang panukalang HB00083 upang matugunan ang pagsikip
ng Metro Manila. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong
2010 ay maituturing na isa sa may pinakamalaking populasyon sa buong mundo ang
Metro Manila dahil umaabot na ang bilang nito sa 19 milyon.
Idinadag
pa ng mambabatas na sobra umano sa populasyon, masikip na trapiko at mataas na
pinsala ng mga kalamidad ang nagbunsod sa Metro Manila na maging isang ‘pariah’
sa mga lungsod sa mundo at kailangan na umano talagang pag-isipang mabuti na
makagawa ng isang plano na magde-decongest sa NCR.
Iminungkahi
naman ni Quezon City Rep Winston Castelo na pag-aralan ang matagumpay na
relokasyon na ginawa ng pamahalaan ng South Korea na naging dahilan para
lumuwag ang Seoul at nag-udyok ng paglago at kaunlaran ng kanilang ekonomiya.
Aniya, maaaring matutunan ng ating bansa ang karanasan ng Korea at makakatulong
ito para sa panukalang pagtatatag Administrative Capital City Planning
Commission sa paglalatag ng plano para ma-decongest ang Metro Manila.
Nagpahayag
ng pagsang-ayon si Atty. Jason Salalima ng Department of Transportation nang
tanungin ang mga ahensya ng gobyerno kung handa silang lumipat sa ibang lugar.
Katunayan ay may nauna na silang plano na magtayo ng kanilang tanggapan sa
Clark, Pampanga.
Ayon
namn kay Ako Bicol Partylist Rep Rodel Batocabe, isang makapangyarihang komisyon
ang dapat itatag na siyang magsusulong ng mga panukala na magbibigay ng ngipin
para sa isang master plan.
<< Home