Simpleng buwis sa auto, tinutulak
Sinimulan
na ng Kamara ang pagbalangkas ng mga panukala na nakatuon sa pagtataas ng
excise tax ng mga kotse na isa sa Comprehensive Tax Reform Package na
iminumungkahi ng Department of Finance (DOF).
Sa ilalim
ng HB04774 na iniakda ni Quirino Rep Dakila Carlo Cua, Chairman, Committee on
Ways and Means, at HB04688 na inihain naman ni committee vice chairman Albay Rep
Joey Salceda ay kanilang isinusulong ang “Tax Reform for Acceleration and
Inclusion” o TRAIN.
Sa
panukala ni Cua, magkakaroon ng pagtaas ang excise tax para sa automobiles ng
apat na porsyento mula sa dati nitong dalawang porsiyento lamnag kung mataas sa
P600,000 ang net manufacturer’s price/importer’s selling price.
Samantala,
sa ilalim ng panukala ni Salceda, tataas ng limang porsyento ang excise tax ng
mga kotse mula sa dati nitong dalawang porsyento kung mataas sa P600,000 ang
net manufacturer’s price/importer’s selling price.
Kung
P600,00 ang halaga nito hanggang P1.1 million, 20 porsyento ang tax rate sa
neto ng manufacturing/importation price.
Kung
mahigit P1.1 million hanggang P2.1 million, ay 40 porsyento ang ipapataw na tax
rate ng net manufacturing/importation price. At sa huli, kung P2.1 million ang
halaga nito ay 60 porsyento ang tax rate ng net manufacturing/importation
price.
Ayon kina
Cua at Salceda, layon ng kanilang panukala na lumikha ng mas simpleng sistema
sa buwis, patas, mas mahusay at mas mababang halaga na makapagtataguyod ng
pamumuhunan, trabaho at pagbawas sa kahirapan.
<< Home