Paglulusaw ng ERC, iminungkahi ni Speaker Alvarez
Dahil sa
kaliwa’t kanang katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na naiulat ay
isa pang tanggapan ang nais ipabuwag ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Lumabas sa imbestigasyon ang mga kahina-hinalang
kutsabahan at korupsyon sa ahensiya dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng
kuryente at sa kanyang suicide note, pinilit umano si Villa ng kanyang mga
superiors na aprubahan ang kontrata kahit hindi ito naaayon sa wastong
regulatory procedures, ayon kay Alvarez.
Ito ay
ang Energy Regulatory Commission (ERC) na aniya ay masyado nang kuwestiyonable
ang integridad dahil sa mga alegasyon ng korupsyon sa loob ng ahensiya.
Iminungkahi
ni Alvarez ang pagbuwag sa ERC sa ilalim ng panukalang HB05020 na kanyang
iniakda at naglalayong ipalit ang Board of Energy, isang ahensiya sa ilalim ng
Department of Energy (DOE) na pangangasiwaan ng Punong Ehekutibo.
Bubuuin
ito ng isang chairperson at dalawang miyembro na itatalaga ng Pangulo sa rekomendasyon
ng Energy Secretary.
Para
matiyak na walang conflict of interests, mahigpit na ipinagbabawal sa panukala
na ang chairperson at mga miyembro nito ang may kamag-anak hanggang 4th civil
degree, sa anumang kumpanya na may kaugnayan sa industriya ng enerhiya.
Ayon kay
Alvarez, ang ERC ang pangunahing ahensiya na pinagkakatiwalaan para pangasiwaan
ang industriya ng kuryente sa bansa subali’t ito ay nabahiran ng kontrobersiya
dahil sa katiwalian na ibinunyag ng dating ERC Director Francisco Jose Villa,
Jr. matapos na mag-iwan ito ng liham sa kanyang pagkamatay, hinggil sa iregular
at mga kwestyunableng transaksyon ng ERC.
Ito ang
nagbunsod sa lider ng Kamara para maghain ng HR00776 na naglalayong
imbestigahan ang nabunyag na korupsyon sa ERC batay sa mga isiniwalat ni Villa
sa kanyang liham. Nagsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation ang House
Committee on Energy sa utos ni Alvarez.
<< Home