FOI bill nakatakdang aprubahan ngayong taon
Maaaring
aprubahan ng Kamara de Representantes ngayong taon ang Freedom of Information
bill o kilala sa katawang FOI bill.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, uunahin muna daw nila ang death penalty bill pero hindi nangangahulugan na papabayaan ang FOI bill.
Ayon sa chairman ng komite na si ACT partylist Rep Antonio Tinio na wala siyang nakikitang problema sa pagpasa ng panukala dahil isa ito sa mga prayoridad ng Duterte government.
Sinabi ni Tinio na kulang ang kasalukuyang batas upang makuha ng publiko ang mga datos mula sa gobyerno.
Sinabi ni Tinio na ang palisiya hinggil sa full public disclosure ay hindi nabibigyan ng halaga sa kasalukuyang pinaiiral na mga batas at ang FOI bill na marahil ang tutugon sa puwang na ito.
Ang mga public interest documents ay dapat ding nakalagay sa website ng ahensya kasama na dito ang mga kontrata at kung saan ginagastos ang pondo nito.

Para
sa kanya, dire-diretso na iyan ang kanilang mga deliberasyon sa plenary at nasa
Rules Committee kung kailan nila i-schedule FOI bill, pero kailangan maging
transparent umano sila.
Titignan
daw niya dahil yung death penalty yung nakasalang at yun yung pinag-uusapan sa
plenary at hopefully kung kakayanin, bakit hindi daw naman nila ituloy ang
pagbalangkas ar sa tingin daw niya, maaaring pupuweda naman.
Inaprubahan
na ng House committee on public information ang consolidated version ng FOI
bill noong Miyerkules.
Ayon sa chairman ng komite na si ACT partylist Rep Antonio Tinio na wala siyang nakikitang problema sa pagpasa ng panukala dahil isa ito sa mga prayoridad ng Duterte government.
Sinabi ni Tinio na kulang ang kasalukuyang batas upang makuha ng publiko ang mga datos mula sa gobyerno.
Sinabi ni Tinio na ang palisiya hinggil sa full public disclosure ay hindi nabibigyan ng halaga sa kasalukuyang pinaiiral na mga batas at ang FOI bill na marahil ang tutugon sa puwang na ito.
Kasama
sa isinusulong na full public disclosure ang mga transaksyon ng gobyerno, statements
of assets, liabilities, and net worth ng mga opisyal.

<< Home