* Batas sa lupang pang-agrikultura, aamiyendahan
Ipinasa ng
House committee on natural resources ang mungkahing pagaanin ang pamamaraan sa
pagsasaayos ng public agricultural lands upang mapadali ang proseso ng pagbebenta
sa nagnanais makabili nito.
Inaprubahan
ng komite sa pamumuno ni Bayan Muna Partylist Rep Carlos Isagani T. Zarate ang
House Bill 691 na iniakda ni Camiguin Rep Xavier Jesus D. Romualdo, na
naglalayong amyendahan ang Section 24 of Commonwealth Act No. 141, o mas kilala bilang
"The Public Land Act."
Ayon kay
Romulado, kailangan repasuhin ang patakaran sa ilalim ng batas upang makatugon
sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon para lalong mapabuti ang pagsisilbi
ng gobyerno sa mamamayan.
Luma o
lipas na ang Commonwealth Act No 141 na ipinatupad noong 1936, partikular ang
nasa Section 24, na kailangan amiyendahan para i-update ang proseso ng
pagsasaayos sa pagbebenta ng public agricultural lands sa mga nagnanais makabili
nito. Sakaling maisabatas ang mungkahing pag-amiyenda, sinabi ni Romualdo na dalawang
magkasunod na Linggo ang paglalathala sa mga pahayagan ng notices of sale, sa
halip na anim na magkakasunod na Linggo, at ilalathala ito sa wikang Inggles sa
halip na EspaƱol o Filipino bukod pa sa mga kalatas na ipapaskil sa bulletin
board ng Central Office ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) at sa lugar na madaling makita sa mga gusali ng Kapitolyo o minusipyo
kung saan naroroon ang lupang ibinebenta. Layon ng panukala na mapapagaan at
mapapabuti nito ang sistema, pamamaraan at proseso ng gobyerno, dagdag pa ni
Romualdo, vice chairman ng mga
committee
on energy at trade and industry.
<< Home