Wednesday, November 16, 2016

* Pinasalamatan ni House Speaker Alvarez ang Colombian peace panel na nasa bansa ngayon

Pinasalamatan ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Luis Fernando Arias, isang miyembro ng Colombia peace panel, sa pagbahagi nito ng kanyang karanasan sa matagumpay na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Colombian government at ng mga rebelde ng kanilang bansa.

Si Arias, kasama ng kanyang fellow panel members na sina Gimena Sanchez Garzoli at Marino Cordoba, ay naging bahagi ng mga resource person sa isinagawang briefing para sa mga miyembro ng Kamara na pinamunuan ni South Cotabato Rep Nancy Catamco, isang briefing hinggil sa naging papel ng indigenous peoples sa kasalukuyang peace negotiations sa pagitan ng Philippine government at ng mga rebeldeng komunista.

Si Speaker Alvarez ay nangakong maprotektahan ang interes ng mga katutubong miyembro ng ating lipunan hindi lamang hinggil sa peace process kundi pati na rin ang pagpupursige ng isang federal form of government.

Tuesday, November 15, 2016

* Tuwirang pag-aruba ng 2K SSS pension, pinasalamatan

Nagpahayag ng pagsasalamat si Bayan Muna Rep Carlos Zarate sa House Committee on Government Enterprises and Privatization na pinamumunuan ni North Cotabato Rep Jesus Sacdalan, sa pag-apruba nito ng tuwiran na dalawang libong (P2,000) piso na karagdagang halaga sa matatanggap ng mga Social Security System (SSS) pensioner.

Sinabi ni Zarate na bagama't malugod nilang tinanggap ang naging aksiyon ng pamahalaan para sa mga pensiyonado sa pagdagdag ng pensiyon nila, sinalubong din nila ng malugod ang paghingi ng patawad na ginawa ni SSS Chair Amado Valdez dahil sa pagkabigo ng dating mga SSS administration na matugunan ang hiniling na karagdagang pensiyon para sa ating mga senior citizen.

Nagpasalamat din si Zarate kay Chair Valdez sa pagtanggap ng kahalagahan ng kanilang adbokasiya na madagdagan ng P2 libong ang SSS pensiyon sa lalung madaling panahon.

Thursday, November 10, 2016

* Pahayag ni Speaker Alvarez hinggil sa pagkakahalal ni Trump bilang bagong US President

Nagpahayag ng pagbati si House Speaker Pantaleon Alvarez kay Republican candidate Donald Trump sa pagkakahalal nito bilang bagong Pangulo ng Estados Unidos.

Sinabi ni Alvarez na umaasa siya sa ilalim ng isang Trump administration na ang matagal nang Philippine-American relations ay magpapatuloy na yumabong base sa mutual trust, mutual benefit, common understanding sa mga demokratikong prinsipyo at shared commitment sa kalayaan, equality, justice at kapayapaan.
Free Counters
Free Counters