Thursday, August 28, 2008

LABING PITO PANG CO-AUTHORS ANG LUMAGDA SA REPRO HEALTH BILL

IPINAHAYAG KAHAPON NI ALBAY REP EDCEL LAGMAN NA MATAPOS SIYANG BUMABA BILANG CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS NOONG NAKARAANG MIYERKULES, NAKAKALAP UMANO SIYA NG KARAGDAGANG LABINGPITO PANG MGA MIYEMBRO NG MABABANG KAPULUNGAN NA LUMAGDA BILANG CO-AUTHORS SA KANYANG INAKDANG REPRODUCTIVE HEALTH BILL.

NGUNIT MABILIS NAMANG SINABI NI LAGMAN NA ANG MGA BAGONG CO-AUTHORS AY HUMILING SA KANYA NA KUNG MAAARI AY HINDI MUNA MAIBUNYAG ANG KANILANG MGA PANGALAN UPANG HINDI NAMAN SILA UMANO GAGAMBALAIN NG MGA TAWAG AT BISITA GALING SA SIMBAHAN AT MGA LAY LEADERS.

AYON KAY LAMAN, NAGBIGAY KASEGUROHAN ANG MGA BAGONG LUMAGDA NA SILA AY TUNAY NA MANINDIGAN SA KANILANG ADVOCACY HINGGIL SA NATURANG PANUKALA AT HINDI SILA MAGWI-WITHDRAW SA KANILANG PAGKAKALAGDA.

KASALUKUYANG MAYROON NANG 86 NA CO-AUTHORS NA ANG NABANGGIT NA BILL AT NANINIWALA SI LAGMAN NA AABOT PA SA ISANG DAAN ANG NUMERO SA SUSUNOD NA LINGGO.

SEGURIDAD NG MGA PRODUKTONG PAGKAIN AT GAMOT, SISIYASATIN

IMINUNGKAHI NI NUEVA ECIJA REP EDUARDO NONATO JOSON NA IMBESTIGAHAN ANG PAGLAGANAP NGAYON SA LOKAL NA MERKADON NG SUBSTANDARD AT DI-LIGTAS NA MGA PRODUKTONG PAGKAIN, GAMOT AT MGA GAMIT NA BUNSOD NG PAGTAAS NG INFLATION RATE.

SINABI NI JOSON NA DAHIL SA PAGTAAS NG INFLATION RATE, ANG MGA PRODUCER AT MANUFACTURER AY KADALASANG NAGPAPATUPAD NA LAMANG NG MGA COST-CUTTING MEASURE SA KANILANG KUMPANTYA NA NAGRIRESULTA NG PAGBABA NG KALIDAD NG KANILANG MGA PRODUKTO.

AYON SA KANYA, ANG PAGDAMI NG MABABANG KALIDAD AT DI-LIGTAS NA MGA PRODUKTO SA PAMILIHAN LALU NA ANG MGA MARURUMI AT NAKALALASONG PAGKAIN, GAMOT AT MGA GAMIT AY NAGING BANTA SA KALIGTASAN AT BUHAY NG MGA MAMAMAYAN.

ANG SEGURADO AT MAGANDANG KALIDAD NG PAGKAIN, GAMOT AT MGA GAMIT PARA SA PROTEKSIYON AT KALUSUGAN NG MGA KONSIYUMER AY HAYAG NA NAKASAAD BILANG POLISIYA NG ESTADO, DAGDAG PA NG SOLON.

DAHIL DITO , MARAPAT LAMANG NA SIYASATIN ANG SEGURIDAD NG MGA PRODUKTO SA PAMILIHAN KUNG ITO AY SUMUSUNOD SA MGA HEALTH STANDARD AT MGA QUALITY MEASURE NG PAMAHALAAN.

P1.415 TRILYONG BADYET NG BANSA, ISINUMITE NA

ISINUMITE KAHAPON NI BUDGET SEC ROLANDO ANDAYA JR. KAY HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES ANG P1.415 TRILYON GENERAL APPROPRIATIONS ACT 2009 KUNG SAAN KASAMA ANG PANUKALANG NAGLALAYONG MAGKAROON NG 50 HANGGANG 80 PORSIYENTONG UMENTO SA SUWELDO NG MAY 1.141 MILYONG KAWANI NG PAMAHALAAN NA GAGASTUSAN NG P109 BILYON SIMULA SA 2009 HANGGANG 2012 SA PAMAMAGITAN NG PAGSUSULONG NG SALARY STANDARDIZATION LAW III.

SA ILALIM NG BADYET, MAKAKATANGGAP ANG DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) NG P167.9 BILYON NA MAS MALAKI NG P19.8 BILYON KUMPARA SA KASALUKUYANG PONDO PARA MAGAMIT SA RECRUITMENT NG 10,000 GURO AT 2,000 NON-TEACHING PERSONNEL, KONSTRUKSIYON NG 8,100 SILID-ARALAN, PAGGAWA NG 750 SCIENCE LABORATORIES, PAGBILI NG 35.8 MILYONG LIBRO AT 1.79 MILYONG UPUAN AT IBA PA.

SA INISYAL NA HALIMBAWANG IBINIGAY NI ANDAYA, SINABI NITONG MAGIGING P18,018 NA ANG STARTING SALARY NG MGA GURO AT NURSE KUNG MAIPATUTUPAD ANG PANUKALA MULA SA KASALUKUYANG P12,026 HABANG MAGIGING P27,198 ANG MEDICAL OFFICER AT LEGAL OFFICER MULA SA KASALUKUYANG P15,181.

Wednesday, August 27, 2008

IMBESTIGASYON HINGGIL SA MGA RACKET SA LTO, TULOY PA RIN

SINABI NI HOUSE SPEAKER PROPERO NOGRALES NA ANG GINAWANG PAGTANGGI NI LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) CHIEF ALBERTO SUANSING NA HINDI SIYA NAGBIGAY NG PAHAYAG NA ANG MGA KONGRESISTA AY NAGBEBENTA NG NUMERO OSTONG PLATES AT PINI-PRESSURE SIYA NA IREHISTRO ANG MGA SMUGGLED LUXURY CARS AT SPORTS UTILITY VEHICLES AY HINDI LAMANG NAGRESULTANG ANG MGA MEDIA MEN AY NAGMUMUKHANG MGA SINUNGALING KUNDI ITO PA NGA AY NAKAPAGPAPATIBAY NA ANG KANYANG KAKAYAHANG MAMUNO SA NABANGGIT NA AHENSIYA AY HINDI NARARAPAT.

ANG NASABING PAHAYAG NI NOGRALES AY BUNSOD NA RIN SA NAGING STATEMENT NI SUANSING SA ISANG RADIO INTERVIEW NG KANYANG INAKUSAHAN ANG MGA KONGRESISTA NG MISCONDUCT DAHIL SA PAGGAMIT NG NUMERO OTSONG PLATES.

SA NATURANG INTERVIEW, ITINANGGI RIN NI SUANSING NA INAKUSAHAN NIYA ANG MGA KONGRESISTANG NAGTANGKANG I-PRESSURE SIYA NA IREHISTRO ANG MGA PUSLIT NA MGA SASKYAN.

ANG IBIG SABIHIN BA NI SUANSING NA ANG MGA MEDIA MEN AY MGA SINUNGALING NANG SIYA AY KINUNAN NG PAHAYAG, PAGTATANONG NG SPEAKER, AT KOMBENSIDO SI NOGRALES NA PAGTANGGI NI SUANSING AY DAHILAN LAMANG DAHIL HINDI NYA MAPAPATUNAYAN ANG KANYANG MGA SINABI.

DAHIL DITO, NANINDIGAN SI NOGRALES NA IPAGPAPATULOY PA RIN NILA ANG KANILANG ISASAGAWANG PAGSISIYASAT HINGGI SA MGA ALEGASYON NA MAY MGA ILLEGAL RACKET SA LOOB NG LTO.

Tuesday, August 26, 2008

LAGMAN, NAGBITIW BILANG CHAIRMAN NG COMMITTEE ON APPROPRIOATIONS

NAGBITIW NA SA TUNGKULIN BILANG CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS SI ALBAY REP EDCEL LAGMAN.

ITO AY BILANG PAGSUNOD SA NAGING KASUNDUAN SA PAGITAN NIYA AT NI QUIRINO REP JUNIE CUA NG TERM-SHARING.

SA KANYANG PRIVILEGE SPEECH, SINABI NI LAGMAN NA DALAWANG MAHAHALAGANG RASON KUNG BAKIT SIYA AY BUMABA SA MAKAPANGYARIHANG POSISYON NG CHAIRMAN NG NABANGGIT NA COMMITTEE.

ITO UMANO AY ANG KANYANG PAGSUNOD SA NAGING KASUNDUAN AT UPANG SIYA AY MAKAPAG-LAAN NG SAPAT NA PANAHON NA MAKAPAG-SAGAWA NG KANYANG LAYUNING MAAMIYENDAHAN ANG KASALUKUYANG COMPREHENSIVE AGRARIAN REPFORM LAW AT ANG KANYANG SINUSULONG NA REPRODUCTIVE HEALTH BILL.

AGAD NAMANG TINANGGAP NG KAMARA DE REPRESENTANTES ANG RESIGNATION NI LAGMAN AT HINIRANG SI CUA BILANG KAPALIT NA CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS AT HINALILIHAN NAMAN NI LAGMAN SI CUA BILANG SENIOR VICE CHAIRMAN NG NATURANG COMMITTEE.

AGRICULTURAL DEVELOPMENT WORKERS, IPAGPAPAIBAYO

PARA MAPAIGTING ANG PAG-UNLAD AT MODERNISASYON NG SEKTOR NG AGRIKULTURA SA BANSA, NAGHAIN SI PANGASINAN REP MA. RACHEL ARENAS NG PANUKALA NA NAGLALAYONG PAG-IBAYUHIN ANG KAALAMAN NG FISHERIES AT AGRICULTURAL DEVELOPMENT WORKER AT GAWIN SILANG MGA EKSPERTO SA PAGTULONG SA MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA.

NAKASAAD SA HB04584 NA GAWING POLISIYA NG ESTADO NA PAG-IBAYUHIN ANG PANG-EKONOMIKO AT SOCIAL WELL-BEING, WORKING CONDITION AT EMPLOYMENT STATUS NG MGA AGRICULTURAL DEVELOPMENT WORKERS.

SINABI NI ARENAS NA MARAPAT LAMANG NA EPEKTIBONG TUMUTUGON SA PAGBIBIGAY NG KARAMPATANG SERBISYO ANG MGA AGRICULTURAL DEVELOPMENT WORKERS PARA SA KAUNLARAN NG KANAYUNAN.

AYON SA KNYA, ANG ATING BANSA AY BINIYAYAAN NG MAYAMANG FIASHING GROUNDS AT MALAWAK NA MGA ARABLE LANDS KUNG KAYAT KARAMIHAN SA MGA MAMAMAYAN AY NAKASALALAY SA INDUSTRIYA NG PANGINGISDA AT PAGSASAKA.

Friday, August 22, 2008

PAGSASANAY PARA SA OLYMPIADA, DAPAT BAGUHIN

IMINUNGKAHI NI AN WARAY PARTY LIST REP FLORENCIO BEM NOEL SA PAMAHALAAN NA PAG-ARALAN KUNG DAPAT PA BANG MAGPADALA NG DELEGASYON SA SUSUSNOD NA OLYMPIC GAMES NA GAGANAPIN SA LONDON SA TAONG 2012.

ITO AY BUNSOD NA RIN SA NAPAKASAMANG KARANASAN NG MGA FILIPINONG ATLETANG DUMALO SA 29TH BEIJING OLYMPICS NITONG MGA NAKARAANG ARAW.

SINABI NI NOEL NA DAPAT NANG MAGPASYA ANG BANSA NA GUMAWA NG DRASTIKONG HAKBANG PARA REPORMAHIN ANG SEKTOR NG PALAKASAN MATAPOS ANG MALAMYANG PERFORMANCE NG MGA FILIPINONG ATLETA SA TATLONG MAGKASUNOD NA OLYMPICS.

AYON SA KANYA, PANAHON NA UMANONG TAYO AY MAGPASYA KUNG TAYO BA TALAGA AY LALAHOK SA MGA GANITONG PALIGSAHAN NA PALAGI NAMANG KULILAT SA LAHAT NG MGA EVENT.

IPINALIWANAG NIYA NA TIYAKIN MUNA NG PAMAHALAAN ANG KAHANDAAN NG DELEGASYON SA MGA GANITONG INTERNASYUNAL NA KOMPETISYON BAGO MAGPASYA ITO NA SUMABAK SA GANITONG MGA PALIGSAHAN.

MAGAGAWA UMANO ITO KUNG BAGUHIN ANG SISTEMA NG PAGLINANG SA KAKAYAHAN NG MGA ATLETA KUNG SAAN MAGSISIMULA ANG PAGSASANAY SA MURANG TAONG GULANG PA LAMANG ANG MGA ITO.
Free Counters
Free Counters