Thursday, April 08, 2021

PAMAMAHAGI NG AYUDA SA MGA APEKTADONG PAMILYA NGAYONG ECQ PINABIBILISAN

 Nanawagan si ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa lahat ng mga  local government officials sa NCR Plus na agad ilabas ang tulong para sa mga mamamayang apektado ng pinalawig pang ECQ. 


Ayon kayTaduran, karamihan  sa mga nasa NCR Plus ay arawan ang kita at hindi  makakain kung hindi kakayod araw araw. 


Aniya,hindi pa  kasama dito ang gastusin nila bawat buwan tulad ng pambayad sa kuryente at ilaw. 


Kaugnay nito ay iminungkahi rin ni Taduran at mga kasamahan nitong kongresista  na magdagdag ng health kit sa pagkaing ipapamahagi ng pamahalaan upang matiyak na may dagdag proteksyon ang mga mamamayan kontra COVID 19. 


Kabilang sa mga ipinasasama ng mambabatas sa ipamimigay na health kit ang face mask, face shield, sanitizer, bitamina at suplemento.

Free Counters
Free Counters