-PAGDINIG HINGGIL SA REGULASYON NG FDA SA INIEKSPERIMENTONG GAMOT SA COVID-19, IDARAOS
Pinahintulutan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Committee on Health na magdaos ng pagsisiyasat, in aid of legislation, sa pasya ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagbabawal nito ng paggamit ng gamot na anti-parasitic na tinawag na Ivermectin, para sa paghadlang at lunas sa impeksyong sanhi ng COVID-19.
Itinakda ni Quezon Rep. Angelina Tan, Chairperson ng Komite ang pagdinig mamayang hapon ngayong ika-30 ng Marso, Martes, upang talakayin, higit sa lahat, ang aksyon ng FDA na ipagbawal ang paggamit ng Ivermectin, sa kabila nang potensyal at kakayahan nito na lunasan ang virus sa ibang bansa.
Sinabi ni Tan na magdaraos sila ng pagdinig, online dahil nais nilang malaman ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng mga nagka-covid, malaman ang kalagayan ng pagsisikap ng pamahalaan sa contact tracing, at kung anu-anong mga lunas ang mayroon, upang mailigtas, hangga’t maaari, ang mas maraming pasyente mula sa mapanganib na sakit na ito.
<< Home