Monday, April 05, 2021

-HOUSEHOLD LOCKDOWN, IPINANUKALA SA KAMARA

Iminungkahi ni Marikina City Rep. Estella Luz Quimbo sa pamahalaan ang pagpapatupad ng household lockdown upang mahadlangan ang ibayong pagkalat pa ng Covid-19 virus sa bansa.

Sinabi ni Quimbo na imbes na isara ang mga lansangan ng mga barangay sa buong bansa, mas mainam daw na gagawin na lamang ang lockdown sa granular level na ang ibig sabihin ay magmula sa tahanan mismo ang pagpapatupad.


Marapat lamang daw, dagdag pa ni Quimbo na ang buong pamilya ay ang pagbawalang lumabas ng tahanan kung mayroong isa man lamang sa mga miyembro nito ay nagpositibo sa virus.

Free Counters
Free Counters