Thursday, April 08, 2021

PAMAMAHAGI NG SOCIAL PENSION SA MGA SENIOR CITIZEN, INIHIRIT NA GAWING BUWANAN

 Umapela si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing monthly ang pagbibigay ng pensyon sa mga senior citizens. 


Ayon kay Vargas , dapat  gawing katulad sa "payroll" ang pensyon ng mga nakatatandada  kasunod ng transition o paglilipat ng DSWD sa paggamit ng cash cards katuwang ang Landbank. 


Dagdag pa ng mambabatas, ngayong online na ang distribusyon ng mga benepisyo makabubuting gawin na ring buwanan ang pagbibigay ng pensyon lalo na ngayong may pandemya at higit lalo na kailangan ng mga matatanda ng regular na tulong sa pamahalaan.


Sa ngayon ang mga kwalipikadong senior ay nakakatanggap ng P500 buwanang pensyon na ibinibigay  kada anim na buwan sa halagang P3000.

Free Counters
Free Counters