Wednesday, April 07, 2021

-MGA OSPITAL NA SOBRA-SOBRANG MANINGIL SA MGA COVID PATIENTS, IPAPATAWAG SA KAMARA

Nagbabala si Albay Rep. Joey Salceda na kanilang ipatatawag sa Kamara ang mga opisyal ng ospital na sobra-sobra kung maningil sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Salceda, mayroong kapangyarihan ang pinamumunuan niyang House committee on ways and means upang ipatawag ang mga hospital manager.


Sabi ni Salceda, bagama’t nakatutok pa sa ngayon ang gobyerno para matugunan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, may pagkakataon din aniya na kanilang isa-subpoena ang mga hospital manager para linawin ang isyu hinggil mataas na singil sa mga pasyente nila.

 

Ang babala ng mambabatas ay kanyang ginawa kasunod na rin ng nadiskubre sa pagdinig ng Kapulungan kamakailan na may mga ospital na naniningil umano ng P1,000 kada oras sa kanilang mga pasyente kahit nasa tent o tolda pa lamang naka-admit ang mga ito.

Free Counters
Free Counters