Sa pagsusulong ng DOFW bill, magtatatag ng special unit for seafares
Ipinanawagan ng sektor ng mga Marino na gumawa ng special unit for seafarers sa isinusulong na Department of OFW bill sa kongreso ngayong 18th Congress.
Sinabi ni Marino Partylist Representative Carlo “Sandro” Gonzalez na mainam umano na magkaroon ng nakabukod na unit para sa mga seaman para matutukan ang partikular na sektor.
Ani Gonzales, OFWs ang mga seafarers na may maselan at kumplikadong job description sa laot na kadalasan ay hindi na natututukan ang pangangailangan kapag naideploy na sa mga barko.
Ayon pa kay Gonzales, dahil isang "highly technical field" ang trabaho ng mga Marino, kadalasan ay nagkakaroon sila ng problema sa seafarers sa training at accreditation bukod pa sa legal at psychological issues na kanilang kinakaharap.
Idinagda pa ni Gonzales na balak naman niya na maghain ng counterpart bill sa Kamara para maipasa sa lalong madaling panahon ng OFW Dept Bill.
<< Home