Tuesday, August 06, 2019

Mga panukalang batas para sa Media Sector, isidulong


Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Presidential Task Force on Media at ang ACT- CIS Partylist para isulong ang mga panukalang batas para sa Media Sector. 
Kasama sa ceremonial signing sina Usec. Joel Sy-Egco at ACT-CIS Partylist Rep NiƱa Taduran at ang kanyang mga kasamahan kung saan ihahain nila ang "Media Workers Welfare Act."
Sakop ng panukala ang pagtiyak na magkakaroon ng security of tenure, tamang pasahod at tamang benepisyo ang mga media workers.
Isasama din savpanukala ang pagbuo ng Commission on Media Workers na hihimay sa lahat ng isyu sa media industry.
Bubuo din ng welfare fund sa para matulungan ang mga media workers na nangangailangan.
Pagkatapos ng SONA ay balak na e-file ang panukala.

Free Counters
Free Counters