Tuesday, August 06, 2019

Walang mangyayaring kudeta sa Speakership bago ang SONA


Tiniyak ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na walang mangyayaring kudeta sa Speakership bago ang ikaapat na SONA ni Pangulong Duterte. 
Sa July 22, alas 9 ng umaga ay magbubukas ang unang sesyon ng Kamara kung saan magbobotohan din para sa susunod na Speaker. 
Ayon kay Defensor, nirerespeto ng mga kongresista ang pronouncement ni Pangulong Duterte na term sharing sa pagitan nila Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. 
Bukod dito, inaayos na rin naman ang organization ng house leadership at nagkasundo naman ang mga mambabatas. 
Sa usapin naman ng Committee Chairmanship, hindi pa ito mapaplantsa sa Lunes at pagkatapos ng SONA ito maisasaayos. 
Paliwanag ni Defensor, sa ilalim ng rules, Speaker, House Majority Leader at Deputy Speakers muna ang inilalatag bago ang SONA ng Pangulo. 
Under the rules Speaker, Majo and Deputy Speakers muna. Yung chairmanships wala akong clue kung sino sino na. Baka ayusin na lang after.
Free Counters
Free Counters