Tuesday, August 06, 2019

Amiyenda sa HSA (anti-terror) maglilinaw sa mga terroristic acts


Inihain sa kamara ang panukalang batas na layong amyendahan at magpapabigat sa nilalaman ng Republic Act 9272 o ang Human Security (HSA) Act of 2007.
Sakop ng House Bill 2082 ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, ang pagbibigay linaw kung anong mga terrorist act ang napapanagot sa batas.
Kabilang din sa panukala ang pagbibigay parusa sa inciting to commit terrorist acts, foreign terrorism at foreign terrorists pati narin ang pagpataw ng perpetual disqualification sa mga lalabag.
Layon din ng panukala na bigyan ng pangil at karagdagang superbisyon ang Anti-Terrorism Council (ATC) lalo na sa mga telecommunications at internet service providers at pagbuo ng mga programa para sa Countering Violent Extremism, Counter Terrorism Operational Readiness, Legal Affairs, Anti-Terror Financing, at International Affairs at iba pang salient features.
Ayon naman kay Congressman Nograles, napapanahon nang amyendahan ang Human Security Act dahil palala na nang palala ang banta ng terorismo na kung saan pati ang mga Pilipino ay nagiging suicide bombers narin.

Free Counters
Free Counters