Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ang mag-perform sa SONA
Nakatakdang ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ang mag-perform sa pang-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating a-22 ng Hulyo ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni Cultural Center of the Philippines President Nick Lizaso na ang performance ng PPO na ito ay ang pinaka-unaunahang pagkakataon na ang orchestra ay tutugtog sa Batasan.
Ayon pa sa kanya, kaya daw sila ay maligaya at “we feel very much honored” dahil ito daw ay matagal na nilang iniisip na gawin sana.
Nagsagawa sila Lizaso ng isang ocular inspection kahapon sa session hall ng House of Representatives sa Quezon City upang i-check ang audio at acoustics nito para sa performance ng 65-piece PPO.
Tutugtugin umano ng PPO ang “Lupang Hinirang” ganun na rin ang isa sa mga paboritong awitin ni Pangulong Duterte na pinamagatang “Ikaw” ni Freddie Aguilar para sa kanyang entrance sa plenary hall.
<< Home