Monday, August 05, 2019

Deklarado na ang Feb. 4 bilang ‘Philippine-American War Memorial Day’

Deklarado na na ang kada-February 4 ng bawat taon ay isang special working holiday para gunitain “Philippine-American War Memorial Day” matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11304.
Layunin ng batas na gunitain ang mga sakripisyo at katapangan ng mmamamayan noon na lumaban at namatay upang depensanhan ang bansang Pilipinas noong Philippine-American war.
Batay sa batas, inaatasan ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHEd) na seguruhing may mga appropriate activities na isagawa ang mga paaralan sa paggunita ng nasabing holiday.
Ito ay nagmamando din sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) maggawad ng sapat na impormasyon sa publiko upang maseguro ang makabuluhang paggunita ng nabanggit na holiday.
Ang Philippine-American War aysumiklab noong Feb. 4, 1899 at natapos noong July 2, 1902, na nagresulta ng pagkamatay ng humigit kumulang 200,000 na mga Filipino civilian na karamihan ay dahil famine and sakit.
Free Counters
Free Counters