Di pa puwedeng mag-assume si Cardema bilang Duterte Youth rep
Maaring maging bakante pa rin ang Duterte Youth party-list sa Kamara de Representantes sa pag-umpisa ng 18th Congress sa July 22.
Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sheriff Abas na ang dating Chaiman ng National Youth Commission na si Ronald Cardema ay hindi makapag-assume sa posisyong ng Duterte Youth bilang first nominee dahil sa mga pending petitions hinggil sa kanyang eligibility.
Ayon pa Abas, hindi umano si Cardema makapag-assume hangga’t hindi daw nila maresolbahan ang isyu ng nominasyon nito.
Idinagdag pa ni Abas na hindi pa nakapaglabas ng en banc decision ang COELEC hinggil sa mga petisyon dahil ang usapin ay pending pa first division ng Komisyon.
Kasalukuyang marami pang mga petisyon umano ang kanilang diringgin sa COMELEC na kumikuwestiyon sa eligibility ni Cardema na umupo bilang representante ng Duterte Youth sa Kongreso dahil overage na umano ito.
Batay sa partylist law, hindi hihigit sa 30 years old ang maaring maging kinatawan ng youth sector.
Nanalo ang Duterte Youth ng isang upuan sa Kamara noong nakaraang May 13, 2019 midtem elections.
<< Home