Kompiyansa si ML Romualdez na kanilang maipasa ang mga priority measures ng Pangulong Duterte
Naniniwala si House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na maipapasa ng Kamara de Representantes “in record time” ang isang ikatlong bahagi ng 26 na priority measures na inilatag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte doon sa kanyang State of the Nation Address o SONA.
Sinabi ni Romualdez na batay sa direktiba ni House Speaker Alan Peter Cayetano na umpisahan tumakbo ang Kamara, pinulong umano niya kaagad ang mga opisyal House Secretariat an may kaugnayan sa committee at plenary deliberations ng mga panukala na naihain na at kanilang diniskas ang mga pamamaraann kung papaano mapabilis ang pag apruba ng mga panukalang pending na mga measures galing sa komite level hanggang sa plenaryo.
Kabilang sa mga panukala na nakahanay ay ang National Land Use Act, pagtatag ng Dept of Disaster Resilience, Coconut Levy fund, Trabaho bill, rotc bill, govt rightsizing bill at iba pang mga measures na sinabi ng Pangulo sa Kanyang SONA.
<< Home