Tuesday, August 06, 2019

Abante, bagong Lider ng Minority Bloc sa sa 18th Congress ng Kamara


Hinirang ng Minority Bloc sa Kamara de Representantes ang kanilang Lider kahapon sa katuhan ni Manila 6th District Rep Bienvenido Abante Jr. matapos itong labanan si Taguig City-Pateros 1st Disrict Rep Alan Peter Cayetano sa posisyon ng Speaker noong pagbukas ng 18th Congress.
Sa isang pagpupulong na ginanap kahapon ng hapon sa isang caucus room sa Batasan Complex bago mag-umpisa ang sesyon, ibinoto ng may 28 mga miyembro ng Minority Bloc si Abante bilang Minority Leader na walang kalaban galing sa kanilang hanay matapos itong i-nominate ni Iloilo 1st District Janette Garin.
Napagkasunduan ng nabanggit na kupunan matapos ang eleksiyon na sila ay magkakaisa kung ang paguusapan ay ang kanilang adbokasiya bilang isang bloke bagamat kung ang paguusapan naman ay personal preferences, bibigyan ng kalayaan ang bawat isa na maghayag ng kanyang saloobin saan man at kailan mang sesyon.
Nangako naman si Abante na ang lahat na kasapi ng minorya ay kanyang pakikinggan at bibigyang pansin, maging beterano man o neophyte na miyembro ng Kamara, upang ang lahat ay magkakaroon ng  pagkakataong makapagbigay ng kanilang mga saloobin.
Free Counters
Free Counters