Unang sampung mga panukala, inihain ni Speaker Cayetano
Naihain na sa Kamara de Representantes ang House Bill No.1 hanggang HB00010 ang mga priority bills ni House Speaker Alan Peter Cayetano ngayong 18th Congress.
Kabilang dito ang House Bill No. 1 o an "Act Institutionalizing A National Values, Etiquette, and Moral Uprightness Program, HB No. 2 o ang Department of OFW Bill, HB no. 3 na layong lumikha ng "special trust fund" para sa mga batang inabandona at nangangailangan ng suporta ng gobyerno, HB No. 4 o ang Department of Disaster Resiliency Bill at HB No. 5 o ang Microfinance Program Bill para sa mga micro, small at medium enterprises o MSMEs sa buong bansa.
Kabilang din sa mga panukala ng Speaker ay ang HB No. 6 o ang dagdag sahod sa mga public school teachers, HB No. 7 o ang Dept. of Fisheries and Aquatic Resources Bill, HB No. 8 o ang National Passport System Act, HB No. 9 o ang panukalang nagtatatag ng National Economic Decentralization Plan sa buong bansa at ang HB No. 10 naglalayong bumuo ng Trust Fund mula sa Coco Levy Fund.
Lahat ng mga nabanggit na House Bills ay nai-refer na sa proper commitees.
Nakatakda namang ilabas ang opisyal na kopya ng mga Pet Bills ni Speaker Cayetano sa mga susunod na araw.
<< Home