10 years passport validity lusot na
Pasado na
sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang palawigin na ang validity ng
passport ng hanggang 10 taon mula sa kasalukuyang limang taon.
Nakapaloob
ito sa Senate Bill 1365 o ang Philippine Passport Act na iniakda nina Sens.
Richard Gordon, Cynthia Villar, JV Ejercito, Loren Legarda, Joel Villanueva,
Grace Poe, Alan Cayetano at Ralph Recto.
Naniniwala
si Villar, vice chair ng Senate Committee on Foreign Relations na sa
pamamagitan ng panukala ay magiging madali na ang pagbibiyahe sa ibang bansa
partikular na ang OFWs.
“We owe a
lot to our OFWs,” ayon pa kay Villar.
Sa
kasalukuyan ay limang taon lamang ang validity ng passport ngunit hindi na rin
ito magagamit anim na buwan bago ito mag-expire.
“Our
constitution guarantee our countrymen’s right to travel. We should indeed have
the freedom to move around and even leave the country for whatever valid
purpose we may have,” ayon pa kay Villar.
<< Home