Maanomalyang P3.5B dengue vaccine ng DOH, iniimbetigahan
Ibinunyag
ni Oriental Rep Doy C. Leachon ang kaduda- dudang pagbili ng Department of
Health (DOH) ng Tetravalent Dengue Vaccine na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon para
sa school-based immunization program.
Pinasalamatan ni Rep Tan ang liderato ng Kamara
sa mabilis nitong pagtugon sa isyu kaugnay ng school-based dengue immunization
program ng DOH para maprotektahan ang kalusugan ng publiko lalo na ang mga
kabataang mag-aaral.
Aniya,
tila minadali ang pagbili ng bakuna sa panahon ng termino ni dating DOH
Secretary Janette Loreto-Garin at sa kanyang pananaw ay maaring may nilabag na batas
sa nasabing transaksyon.
Sa
pinagsanib na pagdinig ng House committees on health at good government and
public accountability, nagtaka si Leachon kung bakit nag-desisyon ang DOH na
maglaan ng pondong P3.5 bilyon para sa single vaccine gayung mayroon silang taunang
pondo para sa buong national immunization program ng 2015 at 2016 na nagkakahalaga
ng P3.3 bilyon at P3.9 bilyon, ayon sa pagkakasunod.
Kinuwestiyon
ng mambabatas kung bakit hindi naisama ang mga nakatala sa DOH annual procurement
budget ng 2015 at 2016 General Appropriations Act (GAA) samantalang
nakapagpalabas ng SARO ang Department of Budget and Management (DBM) at
napasama rin ito sa usapin ng unconstitutional disbursement acceleration
program (DAP) fund.
Ayon kay Anitpolo
City Rep Romeo M. Acop, hindi kasama ang pagbili ng vaccine sa 2015 at 2016
GAAs at expanded immunization program ng DOH kaya’t ayon sa House committee on
rules ay iimbestighan ng dalawang pangunahing komite ng Kamara ang umano’y
anomalya sa kagawaran.
Sinabi
naman ni Surigao del Sur Rep Johnny Ty Pimentel na sisiyasatin umano ng
committee on good government and public accountability ang sinabing iregularidad
sa pagbili ng dengue vaccine, habang ang isyu ng kaligtasan at bagsik ng
vaccine ay sakop ng committee on health.
Ang
imbestigasyon ay nagbunsod mula sa privilege speech ni Rep Leachon matapos na
tuligsain niya ang DOH sa maanomalyang transaksyon, at mula sa HR 444 na
iniakda ni Quezon Rep Angelina D. L. Tan, at HR 480 ni Nueva Ecija Rep. Estrellita
B. Suansing na parehong nananawagan na imbestigahan ang DOH sa pagbili nito ng
Tetravalent Dengue Vaccine makaraang mamatay ang dalawang estudyante na
tumanggap ng vaccine noong Abril noong nakaraang taon.
Ayon kay
Suansing, kailangan ang masusing imbestigasyon sa naturang transaksyon upang
linawin kung ang mga ahensya tulad ng FDA, FEC at DOH ay lumampas sa kanilang
mandato o kung mayroon bang conflict of interest mula sa mga nag-apruba sa ng
naturang transaksyon, dahil mas mahalaga aniya ang pangunahing tungkulin ng
Kamara na magbalangkas ng batas na magtataguyod sa kapakanan at kaligtasan ng
publiko.
Pinagpapaliwanag
ni Misamis Occidental Rep Henry S. Oaminal, ang lahat ng kinauukulang ahensiya
kung nasunod ba ang procurement procedures sa pagbili ng mga bakuna at tinanong
din niya ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) kung ano ang naging
basehan nila para sabihing rasonable ang presyo ng dengue vaccine, dahil ayon
kay Garin ay kinuha nila ang serbisyo ng PCMC hindi bilang isang procuring
agency kungdi tagapagpatupad at tagapamahala ng buong programa dahil dalubhasa
na sila at malawak na ang kanilang karanasan.
<< Home