* Hamon sa economic managers: mabuhay sa P40 kada araw na pensyon
Hinamon ni Bayan Muna Rep. Isagani Zarate at Chairman Neri Colmenares
ang mga economic manager ni Pangulong Duterte na subukang mamuhay sa halagang
P40 kada araw— ang halaga ng pensyon na natatanggap mula sa SSS.
Ayon kay Zarate kulang na kulang ang P1,200 na minimum na pensyon na
natatanggap ng mga retirado kada buwan kaya hindi na dapat harangin ng mga
economic managers ang P2,000 dagdag nito.
Idinagdag pa ni Zarate na ang dali umano para sa kanilang harangin ang
pension hike dahil hindi naman daw sila yung nakakaranas na di makakain ng tama
o mabili ang mga gamot para humaba pa ang buhay ng mga pensioners. Ilang
milyong pensyonado po umano ang matutulungan ng pagtataas ng pensyon pero
mukhang mas mahalaga pa sa kanila ang sinasabing credit ratings kesa sa buhay
ng mga senior citizens natin.
Ayon pa sa kanya, ang P2,000 dagdag ay nangangahulugan lamang ng P66
kada araw na panggastos ng mag retirado.
Kinuwestyon naman ni Colmenares ang pabago-bago umanong datos ng SSS.
Noong una sinabi ng SSS na irks sa 2029 ang budget nito kapag ibinigay
ang P2,000 dagdag. Pero nang magkasundo na P1,000 dagdag muna ang ibibigay,
sinabi ng SSS na ang buhay nito ay magiging hanggang 2027 na lamang.
Sinabi ni Colmenares na noong Hunyo 2015, sinabi ng SSS na may utang
itong P1.2 trilyon pero makalipas ang isang taon, sinasabi nito na P3.5 trilyon
na ang utang ng kompanya.
Hindi umano mababankrupt ang SSS kung ayusin lang nila ang koleksyon
nila dahilt, out of the 40.8 million employed labor force, ang contribution lamang
ng 11.8 Million SSS members ang nareremit. Kung ang SSS ay makakolekta sa 16
Million members kaysa sa kasalukuyang 11.8 million, ang fund life ay
madadagdagan para sa susunod na mga taon.
Hindi daw maba-bankrupt ang SSS kung ayusin lang ang collection ng SSS
at dapat magkakaroon muna ng mga reporma sa SSS bago magkakapag-demand ang
pamahalaan ng increase sa kontribusyon.
<< Home