* Dagdag sahod ng pulis, sundalo tiniyak
Siniguro ng Malacañang na nakapaloob na sa susunod
na sweldo ng mga pulis at sundalo ang dagdag sa kanilang sahod at allowance.
Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa media briefing, kasama sa 2017
budget ang pondo para sa dagdag sweldo ng mga sundalo at pulis na ipinangako ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman binanggit ng DBM chief ang halaga ng umento sa mga sundalo
at pulis.
Magugunita na nag-ikot sa mga kampo ng militar at pulis noong nakaraang
taon si Pangulong Duterte at ipinangako ang dagdag-sweldo sa mga ito.
Wika ni Diokno, madodoble ang sweldo ng mga pulis at sundalo sa 2018
gaya ng pangako ni Pangulong Duterte.
<< Home