Hajji Sumentro sa tinaguriang "Davao template" ang pagsisimula ng ika-pitong Quad Committee hearing sa Kamara ngayong araw.
Sa interpelasyon ni ABANG LINGKOD Party-list Representative Joseph Stephen Paduano, inusisa nito ang isang pulong na nangyari sa tanggapan ng DPWH sa Davao City tatlong araw bago pormal na maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Pinangunahan umano ng Philippine National Police Academy o PNPA Class of 1996 at 1997 ang pagtitipon at naroon sina Duterte, Senador Bato Dela Rosa at Senador Christopher "Bong Go".
Kinumpirma ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma na kasama sa napag-usapan sa pulong ang "Davao Template".
Magkakasama umano sa naturang meeting sina Garma, Col. Lito Patay, Col. Edilberto Leonardo at Col. Hector Grijaldo.
Sinabi ni Paduano na mahigit isang buwan matapos ang nangyaring pulong, nangyari ang serye ng pagpatay sa loob ng correctional facility sa Leyte, Davao Prison and Penal Farm at Paranaque City Jail.
Iginiit ng kongresista na naganap ito ng August 11, 12 at 13 noong taong 2016.
Samantala, ipina-cite-in-contempt naman ni Paduano si Col. Leonardo dahil umano sa pagsisinungaling.
<< Home