Friday, September 27, 2024

Kath Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa kanila aniyang maigting na paggalang sa rule of law at democratic institutions.


Kasabay ito ng selebrasyon ng ika-63 taong anibersaryo ng PHILCONSA, kung saan nagsisilbing presidente si Romualdez, ay kinilala nito ang pagiging kampeyon ng demokrasya ng Pangulong Marcos Jr. at unang ginang.


Tinukoy din nito ang pagbibigay prayoridad ng dalawa sa proteksyon ng indibidwal na karapatan, pagsulong sa pagkamit ng hustisya at pagpapalakas sa democratic framework ng bansa.


"Under President Marcos's leadership, we have seen a renewed focus on transparency, accountability, and good governance. His vision for a Bagong Pilipinas is one where the principles of our Constitution, freedom, equality, and the rule of law are not only upheld, but vigorously defended. His policies reflect a profound understanding that true democracy flourishes only when the rights and aspirations of every Filipino are respected and nurtured." saad ni Speaker Romualdez.


Kinilala din ni Romualdez ang karera ng First Lady na isang accomplished lawyer at tagapagsulong ng hustisya.


Ginugol aniya ng Unang Ginang ang pagseserbisyo sa mga Pilipino at paninindigan sa Saligang Batas.


"She has consistently demonstrated her belief in the transformative power of law, ensuring that legal processes are fair, just, and accessible to all." sabi pa ng House Speaker.


Kaya naman isang karangalan aniya na makasama nila sa PHILCONSA ang unang ginang na nanumoa bilang isa sa bagong miyembro nito.


Iginiit din ni Romualdez na malaking bagay na kaisa nila ang First Couple sa pagsulong ng demokrasya at pagdepensa sa Konstitusyon na siyang pinaka misyon ng PHILCONSA.


"Their roles as champions of democracy  and defenders of the Philippine Constitution resonate deeply with the mission of PHILCONSA, as we too are charged with the sacred duty to preserve and protect the constitutional principles that form the bedrock of our nation. As we reflect on our organization's 63 years of unwavering commitment to safeguarding the Philippine Constitution, we find inspiration in the leadership and examples set by the First Couple." pagtatapos ni Romualdez.


##

—————————-

Kath Mismong si House Speaker Martin Romualdez na ang nagsabi na walang usapan ng impeachment laban sa bise presidente sa Kamara.


Sa ambush interview sa House leader sa Malacanang, natanong ito kung makakakuha ba ng suporta ang plano ng Bayan Muna na bumalangkas ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.


Tugon niya, wala silang anomang balita tungkol sa sinasabing reklamo at wala rin silang alam na ibang grupo na nagpa-plano ng katulad na hakbang.


"We have nothing like that in the radar so we would have to look at whatever comes before us but ive not heard. [You havent heard of any other group that is planning the same?) Wala po naman." tugon ng House Speaker.


Sa isang hiwalay na panayam sinabi ni House Deputy Majority leader for Communications Erwin Tulfo, sakali mang may maghain nga ng reklamo ay aaralin pa kung may sapat itong form and substance bago umusad.


"Ang tanong dapat diyan ay kung mayroon bang impeachment, may papasok ba na impeachment...kung mayroon bang tatayo na impeachment dun sa mga complaint na ito. Ito ba ay may mga form, may substance, yun ang mga tinitignan dyan. Kung wala naman, kung mga sabi-sabi lang, baka hindi matuloy." paliwanag ni Tulfo.


Una na ring sinabi ni Assistant Majority Leader Paolo Ortega na wala ring nagpapahayag ng interes mula sa mayorya sa Kamara na suportahan ang plano naman ni dating Sen. Sonny Trillanes na maghain ng impeachment complaint. 


" As of now, if I may speak for the majority, wala naman pong, wala pong nage-express ng exact interest on filing for an impeachment." ani Ortega.


##

Free Counters
Free Counters