Wednesday, September 25, 2024

RPPt Pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez


Bilang Speaker, nauunawaan ko ang mga sentimyento ng ilang kasamahan ko sa Kongreso tungkol sa hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa mga deliberasyon ng plenaryo para sa badyet ng kanyang tanggapan. 


Tatlong beses siyang inanyayahan, ngunit hindi siya sumipot. Bilang mga kinatawan ng sambayanan, umaasa kami na tutuparin ng lahat ng opisyal ng gobyerno ang kanilang mga tungkulin, lalo na kung ang usapan ay tungkol sa pambansang badyet.


May ilang miyembro ng Kongreso na nagmungkahi na bawasan pa ang badyet ng Office of the Vice President, at ang iba pa ay nagpanukala na gawing zero ang pondo ng tanggapan dahil sa kanyang hindi pagsipot. 


Ngunit tinanggihan ko ang mga mungkahing ito. Naiintindihan ko ang mga pagkadismaya, pero naniniwala ako na mahalaga pa ring magkaroon ng sapat na badyet ang Office of the Vice President para magpatuloy sa paglilingkod sa ating mga kababayan. 


Kung tatanggalin natin ang pondo, wala ring pakinabang ang mga mamamayan, lalo na ang mga umaasa sa serbisyo ng opisina.


Kaya naman, alinsunod sa ating konsultasyon ngayong hapon sa mga lider ng partido pulitikal mula sa Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), Party-list Coalition Foundation, Inc., at iba pa, aming sinunod ang rekomendasyon ng Committee on Appropriations matapos ang kanilang masusing pagrepaso. 


Ang magiging badyet para sa OVP ay P733 milyon na halos kapareho ng badyet noong panahon ni Vice President Leni Robredo. 


Kasama na dito ang P30 milyon na makakatulong sa pagharap ng OVP sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Ang ilan sa mga pondo na orihinal na hiningi ng OVP ay ilalagay sa mas angkop na mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH). This will rationalize the budget of the OVP.


Maaaring mag-refer si Vice President Duterte ng mga taong lumalapit sa kanyang tanggapan para sa kaukulang tulong sa nasabing mga ahensya.


Sa huli, mahalaga ang patuloy na serbisyo para sa kapakanan ng ating mga kababayan, at kailangan ng mga tanggapan katulad ng OVP ang sapat na pondo upang magawa ito. 


Bagaman inaasahan natin ang pananagutan at pakikilahok, mahalaga rin na tiyakin na magpapatuloy ang serbisyo-publiko para sa ikabubuti ng lahat. (END)

—————————

RPPt Patutsada ni VP Sara na hindi pinaghintay ng 17 oras mga kongresista pinalagan sa Kamara



Pinabulaanan ng isa sa mga lider ng grupong “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya pinaghintay ng 17 oras ang mga kongresista sa nakatakdang plenary budget deliberations ng kanyang tanggapan noong Lunes.


“If we take note, the contents of the letter is a reiteration of the answer that they interposed even for the pre-budget deliberations,” ani 1Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez na ang pinatutungkulan ay ang sulat ng Office of the Vice President noong Setyembre 11 sa sponsor ng badyet nito na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. 


Ang nilalaman umano ng sulat ay katulad ng laman ng sulat na ipinadala ng OVP sa House committee on appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicolparty-list Rep. Zaldy Co, na ipinadala bago inaprubahan ng komite ang badyet ng Office of the Vice President at ipinadala sa plenaryo para sa panibagong deliberasyon.

 

“In other words, she only repeated that she is leaving it to the House to decide on the fate of her budget. However, it does not say that she will not participate with our processes,” paliwanag ng kinatawan ng 1Rider party-list.

 

“It does not say that she will not attend, it does not say that she will send an authorized representative, so I don’t think the Sept. 11 letter would be any indication of what transpired Monday. So, I don’t think we could have been prepared,” giit ni Gutierrez.


Sa isang Faceboook post, sinabi ng OVP na fake news ang sinabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na pinaghintay niya ng 17 oras ang mga kongresista. Kalakip ng post ang isang pahinang sulat ng OVP kay Adiong, na natanggap nito noong Setyembre 16, nang magsimula ang deliberasyon ng plenaryo sa panukalang badyet. (END)


—————————

RPPt Satisfaction, trust rating umangat: Romualdez nagpasalamat sa mga Pinoy 



Taos-pusong nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino sa pagtaas ng kanyang satisfaction at trust ratings, batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Tangere na isinagawa mula Setyembre 16 hanggang 19.


"I want to express my heartfelt gratitude for the trust and confidence that our people have placed in me, as reflected in the recent survey results. These numbers may seem like small figures to some, but to me, they represent the collective faith of Filipinos I have the privilege to serve every single day," ani Speaker Romualdez.


Ayon sa resulta ng Tangere survey, tumaas sa 46.3 porsyento ang satisfaction rating ni Romualdez mula sa 45.55 porsyento habang ang kanyang trust rating ay umakyat mula 56 porsyento patungong 56.4 porsyento.


Ayon sa datos ng survey, si Speaker Romualdez, ang kinatawan ng 1st district ng Leyte, ay nakitaan ng malakas na suporta sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon, Gitnang Luzon, at Silangang Visayas.


Hindi pinalagpas ng pinuno ng Kamara ang pagkakataon na  magpasalamat sa tinanggap na suporta, "I am especially grateful for the warm support from the Visayas region, where my roots are deeply grounded. You have always been there for me, and I will continue to work hard to be worthy of your unwavering trust." 


"Each point of increase in trust and satisfaction is a reminder of the immense responsibility we, as public servants, carry on our shoulders," ayon pa kay said Romualdez, na siya ring pangulo ng nangungunang partido na Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD). 


Ayon kay Speaker Romualdez, sa kabila ng mga hamon bilang isang lingkod-bayan, ang malaman na sila ay nakapagbibigay ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpasa ng mga batas at pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno para sa mga nangangailangan ay “nagpapalakas ng dedikasyon na higit pang maglingkod.”


“I know there is still much to be done. Our country faces many challenges, and I assure you that the House of Representatives will not rest until we achieve meaningful reforms that address poverty, improve healthcare, create more jobs, and strengthen our democracy," ayon Romualdez. 


"This journey isn’t mine alone; it’s a shared mission with my colleagues in Congress and every Filipino who dreams of a better Philippines,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.


Ang Tangere survey ay binubuo ng 2,000 participants mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas—12 porsyento mula sa National Capital Region, 23 porsyento mula sa Hilagang Luzon, 22 porsyento mula sa Timog Luzon, 20 porsyento mula sa Visayas, at 23 porsyento mula sa Mindanao. (END)


—————————-

RPPt VP Duterte inisnab budget debate, pondo ng tanggapan naipit



Hindi sumalang sa deliberasyon ng Kamara de Representantes ang panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte o ng kanyang otorisadong kinatawan sa itinakdang pagdinig ng budget sa plenaryo noong Lunes.


Sinuspinde ng Kamara ang deliberasyon alas-2:44 ng umaga noong Martes ng hindi natatalakay ang panukalang badyet ng OVP.


Batay sa listahan ng mga ahensyang tatalakayin ang badyet, sinabi ni Deputy Majority Leader Marlyn Primicias Agabas na tanging ang panukalang badyet lamang ng OVP ang hindi sumalanhg sa deliberasyon.


Ang pagdalo ni Duterte o ng kanyang otorisadong kinatawan ay kailangan upang matulungan ang sponsor ng badyet nito na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa pagsagot sa mga tanong.


“We have disposed of all the items on the agenda today except for one, the budget of the office of the OVP, and we have just checked the holding room of the OVP in the House of Representatives premises and there are no persons present,” paliwanag pa ni Agabas, sa mungkahing suspensyon.


Dismayado rin si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa hindi pagbibigay ng halaga ni Duterte sa panukalang badyet ng tanggapan nito.


“Mr. Speaker, we actually waited for 17 hours since 10 a.m. of September 23 up until mag-alas tres na po ngayon, September 24,” ayon kay Manuel, sa haba ng oras na nasayang para sa paghihintay. 


Sinabi ni Manuel na hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng kawalang-galang si VP Duterte sa Kamara, kaugnay na rin sa pag-iwas na sagutin ang mga akusasyon ukol sa mga gastusin ng OVP, pati na rin ang mga usapin noong siya ay nagsisilbi bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).


“Sa unang salang sa Committee on Appropriations, naging evasive po ang nakaupong Vice Presidente at hindi sinasagot ng tuwiran ang ating mga tanong,” ayon pa kay Manuel.


Gayundin, ayon kay Manuel ang pagtanggi ng Bise Presidente na mag-oath sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, at pag-alis ng sesyon ng hindi sinasagot ang mga katanungan ng mga mambabatas.


“Sa isang hearing ng Committee on Good Government and Public Accountability, siya ay tumanggi na mag-oath at umalis tila ba ay nag-walkout sa hearing,” dagdag ni Manuel.


Napuna na rin ng mga mambabatas ang ipinapakitang pag-uugali ng Bise Presidente, na nagpapakita ng kakulangan ng accountability at transparency lalo na sa pondong may kinalaman sa kaniyang tanggapan.


Dagdag pa ni Manuel na ang mga pampublikong opisyal ay hindi dapat ituring ang budget bilang isang personal na karapatan,“Kapag sitting vice president, pag nag-propose ng budget mula sa kaban ng bayan, para ang gustong iparamdam sa mga Pilipino ay bahala na kayo kung ibibigay ninyo o hindi ang hinihingi ko.”


“Pero pag ayaw niyo ibigay, masama kayo. Mr. Speaker, the OVP has continued to characterize the questions of the Filipino people regarding their past questionable expenditures as political attacks and has not taken questions seriously,” ayon kay Manuel.


Sa nakalipas na budget hearing, inakusahan si Duterte na pagbabalewala-wala sa mga katanungan ng mga kongresista, sa halip ay inakusahan ang mga mambabatas ng pamumulitika sa halip na direktang sagutin ang mga isyung dapat pagtuunan ng pansin.


“Mr. Speaker, to end, this is a clear betrayal of public trust, as every elected official is accountable to the electorate, and thus is obliged to answer any question that concerns public interest,” ayon kay  Manuel.


Ang deliberasyon ng OVP ay muling itinakda ngayong araw Setyembre 24, kung saan umaasa pa rin ang mga mambabatas na dadalo si VP Duterte at kanyang staff para sa diskusyon ng pondo ng OVP.


Hanggang bukas, Miyerkoles, ang panahon na inilaan ng Kamara para sa deliberasyon ng panukalang badyet. (END)


————————-

RPPt VP Sara dapat bumaba na lang sa pwesto kung ayaw gampanan ang tungkulin— Bongalon



Nanawagan si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon kay Vice President Sara Duterte na bumaba na lang sa pwesto kung hindi na rin naman niya gagampanan ang kanyang tungkulin, kasunod ng hindi nito pagsipot sa pagtalakay ng panukalang pondo matapos kumakalat ang mga litrato nito na nasa isang resort sa Camarines Norte.


Aniya, ang kawalan ng presensya ni Duterte sa deliberasyon ng panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa taong 2025 ay indikasyon na wala na siyang interes sa kanyang responsibilidad bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.


"Kung hindi na po siya interesado sa kanya pong duties and functions as the Vice President, we can ask the Vice President to step down," sabi ni Bongalon sa pulong balitaan sa Kamara de Representantes.


Giit niya, mula umaga ng Lunes ay naghintay ang mga miyembro ng Kamara sa pagsipot ng Bise Presidente sa sesyon sa plenaryo para tulungan si Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, sponsor ng pondo ng OVP, na sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas.


Kumalat ang mga litrato at video ni Duterte sa social media habang nasa Calaguas Island sa Camarines Norte. Batay pa sa mga ulat, dumating siya sa isla noong Sabado at umalis Lunes ng umaga.


"In other words, ibig sabihin po nito wala talagang intensyon na dumalo sa pagdinig sa plenaryo upang i-sponsor at i-defend ang budget ng OVP. Kung meron siyang intensyon, dapat Sunday pa lang nasa Manila na siya o kaya nakipag-communicate sa office ni Cong. Adiong para mag-briefing at mapaghandaan ang mga katanungan," ani Bongalon


Pinuna rin niya si Duterte sa pagiging consistent ni Duterte na huwag magpakita sa pagdinig ng Kamara.


“In fairness, consistent naman po siya—hindi siya dumalo nung Committee on Appropriations budget hearings, at pati sa plenary ngayon. This shows she's not interested in her duties and functions as Vice President," punto ni Bongalon.


Kaya naman payo nito kay Duterte, kung hindi na siya intersado sa kanyang mga responsibilidad na nakasaad sa konstitusyon ay pag-isipan na nitong bumaba na lang sa pwesto. 


“Nakikita natin, hindi naman siya dumadalo sa mga pagdinig sa Kongreso. So ano ibig sabihin nito? Hindi na siya interesado at mas pinili niyang pumunta sa beach resort kaysa dumalo sa pagdinig ng kanyang budget. It's up to the Filipino people to judge the Vice President," diin niya.


Sinegundahan ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David "Jay-jay" Suarez ang sentimiyento ni Bongalon ay sinabing maaaring may iba pang miyembro ng Kamara ang dismayado na rin.


"That’s clearly the sentiment being shared by a lot of members," sabi ni Suarez sabay giit na ang pagliban ng Bise Presidente ay isang pagtalikod sa tungkulin. "Bahagi ng trabaho ito, bahagi ng responsibilidad ito. As head of an agency, you have to go through the process."


Diin ni Suarez na hindi na ito basta usapin ng personal na responsibilidad ngunit pagpapaktia ng paggalang sa tanggapan kung saan iniluklok si Duterte.


“This is not just about her, it’s about the Office of the Vice President, the second-highest office in the land. The least she can do is show up and do her job," sabi niya.


Dismayado rin si La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V sa hindi pagdalo ni Duterte gayong may mga larawan at video na lumitaw na siya ay nasa beach.


"Kung totoo man po iyon, sir, mapapa-'sana all' ka na lang talaga. Kasi kami dere-derecho po ang trabaho dito sa House," pagtukoy ni Ortega dahil an rin sa pagkuwestyon kung interesado pa ba ang bide presidente sa kanyang papel.


“Parang ang dating sa mga nangyayari—sa pag-snob sa hearings, sa pag-walkout, sa hindi pag-defend ng budget—parang hindi po siya interesado sa trabaho at pagiging active bilang Vice President. Baka ibang gusto niyang position,” aniya.


Maging si Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ay nagpahayag ng pagkayamot lalo na at mismong mga mambabatas ay nagpapakita ng dedikasyon sa pagtalakay ng pondo.


"Nakaka-disappoint because we expect so much from her, at nakakalungkot dahil kami dito sa Kongreso nagtatrabaho ng hanggang madaling araw para maipasa ang mga batas," ani Khonghun


Sabi pa niya: "Ipinagpaliban iyong budget niya kahapon. Tapos kung totoo man, siya ay nagbi-beach samantalang kami dito nagpapakahirap para ipasa ang budget for 2025. Nakaka-frustrate."


Giit ni Khonghun marapat lang na gamapanan ni Duterte ang kaniyang tungkuling depensahan ang pondo ng OVP. "Sana humarap siya rito, tapusin natin ang budget hearing, at gawin niya ang kanyang mandated constitutional responsibility. Nakakalungkot na ang ating Vice President ay kinakalimutan ang kanyang trabaho para mag-beach, kung totoo man iyon," wika niya. (END)


————————-

RPPt DS Suarez napa-isip: Anong mangyayari sa DepEd budget kung hindi nagbitiw ni VP Sara



Napa-isip si Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez kung ano kaya ang nangyari sa badyet ng Department of Education (DepEd) kung nanatili bilang kalihim nito si Vice President Sara Duterte.


Ginawa ni Suarez ang pahayag bilang bahagi ng kanyang reaksyon sa hindi pagsipot ni Duterte sa deliberasyon ng badyet ng Office of the Vice President at kawalan nito ng pananagutan sa ginawang paggastos sa pondo ng taumbayan.


“Kaya iniisip ko, kung hindi siya nag-resign sa DepEd at ganito rin ang mangyari sa budget ng DepEd, ano kaya ang nangyari? Ilang teachers kaya ang umaasa sa DepEd na empleyado natin,” ani Suarez sa press conference nitong Martes.


Nilinaw naman ni Suarez na hindi nito sinasabi na buti na lang at nagbitiw si Duterte pero napa-isip lamang kung ano ang mangyayari sa sektor ng edukasyon kung ang Bise Presidente, na ayaw dumalo sa pagdinig ng badyet ang namumuno pa sa DepEd.


“Halos isang milyon na teachers yata ang umaasa sa DepEd budget, at hindi lang ‘yung mga teachers, pati ‘yung mga bata, mga paaralan, at mga magulang na umaasa sa maayos na edukasyon,” punto pa ng mambabatas.


Ganito rin ang tono ng pahayag ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na nagpasalamat na ang DepEd ay pinamumunuan na ni Sec. Sonny Angara.


“Buti na lang at si Secretary Angara na ‘yung Secretary ng Department of Education,” sabi ni Khonghun.


“Nakita naman talaga natin ‘yong pagbulusok pababa ng kalidad ng edukasyon nung si VP Sara pa ang namumuno sa DepEd,” dagdag pa nito.


Inulan ng batikos si Duterte dahil sa pagtanggi nitong sagutin ang mga tanong kaugnay ng ginawang paggastos at kung papaano gagastusin ang panukalang pondo nito para sa 2025.


Matapos na dumalo sa unang pagdinig kung saan wala itong direktang sinagot na tanong, hindi na dumalo si Duterte sa pagdinig ng badyet ng OVP.


Ayon kay Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang mga naging aksyon ni Duterte ay naglalagay ng kuwestyon sa uri ng pamumuno nito.


“This is nothing personal para sa pagkakaintindi po ng taong bayan. This is not even a question for her as a Secretary, as the Vice President. For me, ang totality po lahat nito, this is a question of leadership,” sabi ni Ortega.


“Can you lead the department? Can you lead your office? Kaya mo bang i-lead ang Pilipinas? Kaya mo bang i-lead ‘yung constituency mo?” tanong pa nito. “So kung may problema ka bilang leader, paano ‘yung mga umaasa sa iyo at saka mga nasa likod mo? So it’s a leadership problem and a leadership question.”


Nauna rito, sinabi ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro na napakaraming problema ang iniwan ni Duterte sa DepEd.


Si Duterte ay bumaba sa puwesto noong Hulyo 19 at pinalitan ni dating Sen. Sonny Angara.


Ang DepEd ay may panukalang P793.18-bilyong badyet para sa 2025. (END)


—————————-

RPPt Isnab ni VP Sara sa budget betrayal of public trust pero hindi impeachable— solon



Para kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng badyet upang ipagtanggol ang panukalang pondo nito ay maituturing na betrayal of public trust.


Pero, naniniwala si Gutierrez na hindi ito sapat na basehan para ma-impeach si Duterte.


“‘Yung konsepto po natin sa pagboto, dito po nanggagaling ‘yung concept of public trust. Kapag tayo po ay bumoboto, we, as the public repose our trust and confidence that the official will uphold his or her constitutionally mandated duties,” paliwanag ni Gutierrez.


Pagpapatuloy nito, “So when an official who is supposed to appear before the House and defend his or her budget fails to do so, to an extent, betrayal of public trust ‘yan. That is true. It is the betrayal of the duty, the constitutional duty for his or her part in the budget process.”


Suportado ni Gutierrez ang naging manipestasyon ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na malinaw na betrayal of public trust ang pagtanggi ni Duterte na ipagtanggol ang badyet ng kanyang tanggapan.


“But just to be purely technical, it is, in a way, a betrayal of public trust. Whether it would amount to impeachment, that’s far from the case. Impeachment is not something we are discussing in the House,” paglilinaw ni Gutierrez.


Nagpahayag naman si Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez ng pagkadismaya sa hindi pagdalo ni Duterte sa deliberasyon ng badyet.


“Personally, I’m disappointed. I would have expected more. This is such an important part of the budgetary process,” ani Suarez.


Ipinunto ni Suarez na mayroong mga kalihim ng mga departamento na naghihintay ng mahigit 10 oras maipagtanggol lamang ang kanilang badyet.


Ayon naman kay Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun hindi pinag-uusapan ang impeachment laban kay Duterte.


“Well, hindi naman kasi napag-uusapan dito sa House ‘yung pag-impeach sa  Vice President. Katulad nga ng sinasabi ni Cong Jay-jay kanina, we respect the [OVP] and we are giving much leeway sa ating Vice President para i-defend ang kanyang budget,” sabi ni Khonghun. 


Ayon kay Khonghun nakatuon ang atensyon ng Kamara sa pagpasa ng panukalang badyet para sa susunod na taon. (END)


—————————

RPPt Patutsada ni VP Sara na hindi pinaghintay ng 17 oras mga kongresista pinalagan sa Kamara



Pinabulaanan ng isa sa mga lider ng grupong “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya pinaghintay ng 17 oras ang mga kongresista sa nakatakdang plenary budget deliberations ng kanyang tanggapan noong Lunes.


“If we take note, the contents of the letter is a reiteration of the answer that they interposed even for the pre-budget deliberations,” ani 1Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez na ang pinatutungkulan ay ang sulat ng Office of the Vice President noong Setyembre 11 sa sponsor ng badyet nito na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong. 


Ang nilalaman umano ng sulat ay katulad ng laman ng sulat na ipinadala ng OVP sa House committee on appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicolparty-list Rep. Zaldy Co, na ipinadala bago inaprubahan ng komite ang badyet ng Office of the Vice President at ipinadala sa plenaryo para sa panibagong deliberasyon.

 

“In other words, she only repeated that she is leaving it to the House to decide on the fate of her budget. However, it does not say that she will not participate with our processes,” paliwanag ng kinatawan ng 1Rider party-list.

 

“It does not say that she will not attend, it does not say that she will send an authorized representative, so I don’t think the Sept. 11 letter would be any indication of what transpired Monday. So, I don’t think we could have been prepared,” giit ni Gutierrez.


Sa isang Faceboook post, sinabi ng OVP na fake news ang sinabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na pinaghintay niya ng 17 oras ang mga kongresista. Kalakip ng post ang isang pahinang sulat ng OVP kay Adiong, na natanggap nito noong Setyembre 16, nang magsimula ang deliberasyon ng plenaryo sa panukalang badyet. (END) 

Free Counters
Free Counters