RPPt Show cause order inilabas ng House quad comm sa misis ni Harry Roque
Inaprubahan ng House Quad Committee ang paglalabas ng show cause order laban kay Mylah Roque, ang misis ni dating Presidential spokesman Harry Roque, dahil sa hindi nito pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng iligal na operasyon ng POGO.
Sa utos ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chair ng Quad Committee, pagpapaliwanagin si Roque kung bakit hindi siya dapat na i-cite for contempt dahil sa pagkabigong dumalo sa mga naunang pagdinig ng komite.
Si Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano ang naghain ng mosyon ilang sandali bago nagtapos ang ika-anim na pagdinig ng komite na tumagal ng halos 13 oras.
Si Mylah Roque, isang dating trustee ng Pag-IBIG Fund na kumakatawan sa pribadong sektor, ay inimbitahan ng komite upang malinawan ang nilagdaan nilang lease agreement kasama ang mga Chinese national na iniuugnay sa iligal na POGO hub sa Bamban, Tarlac.
Ang mga Chinese national ay naaresto sa isang raid sa Benguet noong Hulyo sa ari-arian na pagmamay-ari ng kompanyang PH2, isang subsidiary ng Biancham Holdings na pagmamay-ari naman ng pamilya Roque.
Sa kabila ng mga ipinadalang imbitasyon, walang dinaluhang pagdinig si Mylah Roque.
Iniimbestigahan ng komite si Harry Roque, misis nito at ang executive assistant nito na si Alberto Rodulfo “AR” Dela Serna matapos makakita ng mga indikasyon na may kaugnayan ang mga ito sa operasyon ng iligal na POGO.
Noong nakaraang linggo, naglabas ang Quad Comm ng arrest order laban kay Harry Roque dahil sa pagtanggi nito na isumite ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), tax records, at financial documents ng kanilang kompanya.
Nagtatago si Roque at inakusahan ang Congress na nagpa-power tripping at isang kangaroo court.
Ang Quad Committee na binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts ay nakakuha ng mga ebidensya na nagdadawit kay Roque sa operasyon ng Lucky South 99, ang POGO hub na sinalakay ng mga otoridad sa Porac, Pampanga.
Sa naturang raid ay nakakuha ang mga otoridad ng mga ebidensya ng human trafficking, torture, scam farms, prostitusyon, porn hub, at iba pang iligaln na gawain.
Sinisilip ng komite ang biglang paglaki umano ng yaman ni Harry Roque na posibleng dahil sa POGO.
Sa isa sa mga pagdinig, inamin ni Dela Serna na siya at si Harry Roque ay mayroong joint account at milyun-milyon ang pumapasok at lumalabas dito.
Hindi naman nakadalo si Dela Serna sa pagdinig noong Huwebes dahil mayroon siyang nakatakdang flying class. (END)
————————
RPPt House quad comm inaprubahan 30 araw na kulong kay Cassandra Ong sa Women’s correctional
Inaprubahan ng quad committee ng Kamara de Representantes ang 30 araw na pagkulong lkay Katherine Cassandra Li Ong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City matapos siyang muling ma-cite in contempt dahil sa hindi pagbigay ng mga impormasyong hinihingi sa kanya.
Si Ong, na kasalukuyang nakakulong sa detention facility ng Kamara ay ililipat sa CIW matapos ang unang 30-araw na pagkakakulong sa kanya bilang parusa sa unang contempt na ipinataw sa kanya. Magtatapos ang unang parusa nito sa Setyembre 26.
Ang CIW ay ang tanging kulungan sa bansa na ekslusibo para sa kababaihan na pinal ng nahatulan ng korte, katulad ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City para naman sa kalalakihan.
Si Ong ay iniuugnay sa POGO hub sa Porac, Pampanga na nauna ng sinalakay ng mga awtoridad dahil iligal ang operasyon nito.
Kinuwestyon ni Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano, isa sa co-chair of the Quad Committee, ang pahayag ni Ong na pumasok siya sa Alternative Learning System (ALS) noong 2016 o 2017. Hindi umano niya ito natapos at ang litrato umano niya na nakasuot ng toga ay pang-picture lang.
Sa kainitan ng palitan ng mga pahayag, ipinahayag ni Paduano ang kanyang pagkadismaya sa pagkabigo ni Ong na direktang sagutin ang mga tanong sa kanya na karaniwang alam ng isang indibidwal.
“You're lying, Ms. Cassandra Ong. Remember, previously you were cited in contempt, and I will once again cite you in contempt for lying,” ayon kay Paduano nang bigong sabihin ni Ong sa komite ang simpleng detalye kaugnay sa kanyang pag-aaral.
Ayon kay Ong, hindi niya maalala ang pangalan ng public school kung saan siya pumasok sa ilalim ng ALS.
Hindi kumbinsido si Paduano sa paliwanag ni Ong. “Kahit sinong tanungin mo dito, alam nila kung saan sila nag-elementary, saan sila nag-high school.”
Gayundin si Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop na nagsabing, “Ako ang matanda na pero alam ko pa rin kung saan ako nag-graduate ng elementary school. Tapos ikaw, batang bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka nagtapos. Anak ng tinapay naman.”
Naghihinala din si Paduano sa hindi pagsasabi ni Ong ng mga detalye,“Pwede ba ‘yan na hindi mo alam kung saang school ka na-enroll for the ALS? O, baka hindi ka nag-ALS. Baka sa ibang bansa ka nag-aral,” saad nito.
Dahil dito, hiniling ni Paduano sa i-cite for contempt si Ong, sa ikalawang pagkakataon, na sinegundahan naman ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chair ng Quad Committee, at walang tumutol sa mosyon.
Inihain naman ni Acop ang mosyon na ilipat si Ong sa CIW kung puno na ang detention facility sa Kamara.
“Since Ms. Cassandra Ong was already cited in contempt, may I move that she be detained sa Correctional Institution for Women,” ayon kag Acop. Ang mosyon ay inaprubahan at walang pagtutol mula sa komite.
Pinaigting ng House Quad Committee ang kanilang imbestigasyon sa mga ilegal na operasyon ng POGO at ang koneksyon nito sa iba't ibang iligal na gawain, kabilang ang money laundering, human trafficking, at drug smuggling.
Ang testimonya ni Ong, ay naging sentro ng imbestigasyon habang patuloy na sinisiyasat ng mga mambabatas sa Kamara ang lawak ng kanyang kaugnayan sa Lucky South 99, ang POGO hub sa Porac na po ni-raid ng mga awtoridad noong Hunyo.
Si Ong, ay una ng na-cite in contempt dahil sa ilang beaea na hindi pagdalo sa imbestigasyon ng komite sa mga iligal na aktibidad na iniuugnay sa POGO.
Naaresto si Ong noong Agosto 23 sa Jakarta, Indonesia kasama si Shiela Guo, ang kapatid ng nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, na umano’y sangkot din sa mga ilegal na operasyon ng POGO sa kaniyang bayan.
Ang dalawa ay agad na dineport pabalik ng Pilipinas. Si Ong ay dinala sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) at kalaunan ay inilipat sa Kamara. (END)
————————-
RPPt Valeriano nanawagan ng whistleblowers para sa kuwestyunableng paggamit ng OVP fiund
Nanawagan si Manila Rep. Rolando Valeriano sa mga potensyal na whistleblowers na ilabas ang mga impormasyon, ebidensya, o tumestigo kaugnay ng maling paggamit ng pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Valeriano ang pahayag sa pagbubukas ng imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Setyembre 3 kaugnay ng ginawang paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).
“If there are any whistleblowers with information, evidence, and testimony about the supposed OVP socioeconomic programs, they are most welcome to contact the Chairperson of this Committee, the Committee Members, or this Representation,” ani Valeriano.
Sa kanyang privilege speech, nagpahayag ng pagkabahala si Valeriano kaugnay ng kawalan ng transparency sa paggamit ng OVP ng pondo nito bunsod ng kulang na mga dokumento na magpapatunay sa ginawang paggamit ng pondo sa itinakdang pagkakagastusan.
“She expected us to take at face value the figures in her presentation, when there is much reason for us here in Congress to doubt the veracity of the figures in the presentation. We have not seen any paper trail or electronic trail that would serve as evidence of beneficiaries and partnership agreements,” ayon pa kay Valeriano.
Kinondena ni Valeriano si Duterte sa pagtanggi nitong sumagot sa mga tanong kaugnay ng panukalang badyet ng OVP gayundin sa mga tanong kung papaano nito ginamit ang pondo.
“Her claim of leaving it to the House to do what it thinks is right is just a palusot, a smokescreen, a cover,” dagdag pa nito.
Kuwestyunable rin para kay Valeriano ang sinasabi ng OVP na napagsilbihan nito ang may 2 milyong benepisyaryo sa Metro Manila.
Sa dami ng tinulungan, sinabi ni Valeriano na dapat ay hiningi man lang ng OVP ang tulong ng mga lokal na pamahalaan o ng mga district congressman.
“Kung totoong may beneficiaries, imposibleng hindi mabalitaan ‘yan ng sinumang district congressman sa Metro Manila lalo pa't tinatayang dalawang milyong beneficiaries daw ang nakinabang sa loob ng dalawa't kalahating taon at ang halaga ng pondo ay halos FOUR BILLION pesos para sa 2022, 2023, at 2024,” saad pa ng mambabatas mula sa Maynila.
Iginiit naman ni Manila Rep. Joel Chua, ang chairman ng komite, ang kahalagahan na matiyak na tama ang ginawang paggastos sa pondo ng bayan.
“We have to ensure that funds are spent solely for purposes for which they have been appropriated, kabilang dito ang pagsisiguro na ang pag-gasta ay may tamang awtorisasyon ayon sa legal intent at purpose,” paliwanag ni Chua.
Ang pagsasagawa ng imbestigasyon, ayon kay Chua ay ang pagganap ng Kamara sa oversight function nito.
“Mahigit three weeks na po mula noong unang OVP budget hearing, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagsusumite si VP Sara o sinuman sa Office of the Vice President ng solidong dokumento o detalye,” dagdag naman ni Valeriano.
Nagkasundo naman ang dalawang mambabatas na dapat gumawa ng mga hakbang upang matiyak na tama ang paggastos sa pondo ng bayan. (END)
—————————-
Fernandez: Mga opisyal ng gobyerno nabulag ng pera kaya POGO napayagan
Nabulag umano ng pera ang mga opisyal ng gobyerno kaya pinayagan ang iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kahit na ipinagbawal na ito ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Ito ang sinabi ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa muling pagsasagawa ng imbestigasyon ng quad committee ng Kamara de Representantes.
“Iba talaga ang kinang ng salapi sa mata ng ating mga nasa gobyerno at nagpapatupad ng mga batas,” ani Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety.
Sinabi ni Fernandez na sa kabila ng utos ng Pangulo ay nagpatuloy ang operasyon ng POGO sa Cebu, Cavite, at Cagayan dahil itinuon umano ng mga korap na opisyal ang kanilang atensyon sa pera at personal na interes.
“Hukayin po natin ang ugat ng lahat ng ito, at saan sila kumukuha ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang mga illegal na operasyong ito,” deklara ni Fernandez.
Ikinabahala rin ni Fernandez ang alegasyon na mayroong matataas na opisyal at dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot kaya nagpapatuloy ang operasyon ng POGO.
“Totoo ba ‘to? Is this the reason why operations in conducting on the stoppage of the illegal POGOs in the whole country are not being implemented or they are just stories that need no attention for discussion?” tanong ni Fernandez.
“Bilyon-bilyon ang operasyon ng POGO—from the construction of big facilities, buying of lands by certain Chinese corporations, and the financial transactions through bank exchanges of large amounts of money. Kung iisipin mo, hindi lang talaga online gambling and scams ang involved dito but the money being laundered in these operations is so blatant that it needs no deep explanation for an ordinary person to understand,” paliwanag nito.
“Pera ’to ng droga. Pera ’to na nanggaling sa Chinese operators na gustong linisin ang kanilang pera dito sa kanilang operasyon sa POGO,” giit pa nitoi.
Sa kanyang pagtatapos, nanawagan si Fernandez sa publiko na tumulong upang mahanap ang mga iligal na POGO.
“Sa ating mga kababayan, tulungan niyo po kami. Kung meron po kayong nalalaman sa patuloy na pag-ooperate ng illegal na POGO sa inyong lugar, buligligin po natin ang ating mga nanunungkulan at mga hepe ng kapulisan na kumilos sa kanilang mga nasasakupan. Without compliance, please report to the Quad Committee, and we will act accordingly,” wika pa nito. (END)
——————————
Barbers: Mga traydor sa gobyerno na nasa likod ng POGO huhubaran, pananagutin
Huhubaran ng maskara at pananagutin ang mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sangkot sa drug smuggling, human trafficking, at money laundering.
Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng quad committee na nag-iimbestiga sa koneksyon ng POGO sa bentahan ng iligal na droga, at extrajudicial killings noong Duterte war on drugs.
“Di alintana ang kapahamakang idudulot sa bayan, itong mga traydor na ito ay hinayaang yumabong at lumaki ang impluwensya at kapangyarihan ng mga sindikatong ito, basta lamang mapuno ang mga bulsa ng kayamanang kapalit ng dangal ng bayan,” ani Barbers.
Sinabi ni Barbers na sa mga naunang pagdinig ng komite ay nabulgar na ang POGO ay ginagamit para sa mga kriminal na gawain.
Ayon kay Barbers ginamit ang pera mula sa iligal na droga upang bayaran at mapaikutan ang sistema ng gobyerno para makakuha ang mga Chinese ng mga dokumento na magagamit upang palabasin na sila ay Pilipino para maitayo ang mga POGO hub at makabili ng mga ari-arian na para lamang sa mga Pilipino.
“Lahat po ito ay nangyari sapagkat nakipagsabwatan sa kanila ang mga kawani ng gobyerno. Kapalit ang salapi, pumayag at hinayaan ng mga kawani at matataas na opisyal ng gobyerno na sila ay magamit bilang mga protektor, kinatawan, at mistulang nag-abogado para sa mga POGO na ito,” punto ni Barbers.
Bukod sa pagbulgar sa mga nagsabwatan, sinabi ni Barbers na gagawa rin ang komite ng panukalang batas para hindi na maulit ang mga nangyari.
Kasama umano sa mga panukalang batas na ito ang Racketeer Influenced and Corrupt Organizations (RICO) Act ng Amerika, amyenda sa Anti-Dummy Law, at pagrepaso sa Special Investors Resident Visa Program.
“As we get more valuable information, Quad Comm has been getting dicrediting remarks, proof that the targets are hurting. Let me take this opportunity therefore to remind everyone that the power to conduct investigations in aid of legislation is a fundamental function of Congress, enshrined in Article VI, Section 21 of the Constitution,” ani ni Barbers.
Dagdag pa nito:“This is not a mere privilege but a duty to the Filipino people. Congress is empowered to investigate, to compel testimony, and to demand documents when it is necessary to fulfill our legislative mandate. These inquiries are designed to shed light on matters of public interest, to recommend policy reforms, and, ultimately, to legislate for the welfare of the nation.”
Muli ring iginiit ni Barbers ang pagsunod ng komite sa proseso.
“The people of this country deserve nothing less than the truth. And let me assure you, this Committee will not be swayed by threats or distractions,” Barbers said. “Our mission is to uncover the facts and to ensure that those responsible for any wrongdoing are held accountable. Together, we will continue this fight until we finally get to the bottom of these issues,” dagdag pa ni Barbers. (END)
——————————
Alice Guo na-contempt sa pagdinig ng House quad comm
Dismayado sa mga nakuhang sagot, ipina-contempt ng isang solon si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes.
Pag-uusapan naman ng komite kung saan ikukulong si Guo na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Custodial Center dahil sa utos ng korte kaugnay ng kasong graft na kinakaharap nito bukod pa sa ibang kasong kriminal na isinampa laban sa kanya.
Inaprubahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chair ng Quad Committee, ang mosyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano na i-cite in contempt si Guo dahil sa paglabag sa Section 11, Paragraph C ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
“There is a motion to cite Alice Guo, a.k.a. Guo Hua Ping, in contempt. Are there any objections? Hearing none, the motion is approved,” sabi ni Barbers.
Sumunod dito, hiniling ni Paduano na ikulong si Guo hanggang sa matapos ang report ng komite kaugnay ng pagdinig at maaprubahan ito sa plenaryo ng Kamara.
Inaprubahan din ni Barbers ang mosyon.
Sa pagdinig, tinanong ni Paduano si Guo kung bakit hindi ito nagpiyansa gayong nagkakahalaga lamang ito ng P180,000.
Sinabi ni Paduano na sinadya ni Guo na huwag magpiyansa dahil mas gusto nitong makulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
“Hindi ka nag-bail kasi mas gusto mong naka-detain doon sa PNP custodial facility kaya hindi ka nag-bail. Ayan ang totoong kwento doon. Huwag na tayo maglokohan dito,” sabi ni Paduano.
“Again, you're lying. You’re fooling this country, you're fooling the Filipino people,” dagdag pa ni Paduano.
Ipinatawag si Guo kaugnay ng koneksyon nito sa operasyon ng iligal na POGO. (END)
————————————-
Drilon, Roxas planong isangkot sa droga ng Duterte admin—-Mabilog
Isiniwalat ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa pagharap nito sa House Quad Committee noong Huwebes ang umano'y planong pagdawit kina dating presidential candidate Mar Roxas at dating Sen. Franklin Drilon sa bentahan ng iligal na droga noong administrasyong Duterte.
Si Mabilog ay kasama sa narco-list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya humingi ng asylum sa Estados Unidos at nanatili doon ng pitong taon.
Sinabi ni Mabilog na mayroong tumawag sa kanya at sinabi na gagamitin siya upang akusahan ang isang dating presidential candidate at isang dating senador na mga drug lords.
Matapos ang talumpati ni Mabilog, nagtanong si Quad Committee co-chairman Rep. Joseph Paduano kung sino ang sinasabi nitong mga politiko.
Kinumpirma ni Mabilog na ito ay sina Roxas at Drilon.
Sinabi pa ni Mabilog na ang kanyang pagkakasama sa narco-list ay dahil na rin sa pulitika.
"It is all about politics," saad nito.
Iginiit pa nito na ang listahan ni Duterte ay ginamit laban sa mga kalaban sa pulitika, nang walang pagsisiyasat, at tinawag ito bilang "hit list."
Mariing itinanggi ni Mabilog ang anumang kaugnayan sa ilegal na kalakalan ng droga, "Una po sa lahat (First of all), I declare that I was not and never will be a drug protector! I don’t know personally nor did I benefit in any way from any illegal drug personality in Iloilo or anywhere else."
Ikinuwento ng dating alkalde ang kanyang hindi magandang karanasan mula noong 2017, matapos maisama ang kanyang pangalan sa narco-list ni Duterte.
Idinetalye rin niya ang imbitasyon na makipagkita kay dating PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa sa Camp Crame, na agad na nasundan na mga babala tungkol sa banta sa kanyang buhay.
"At around 5 p.m., a PNP colonel called me in a voice that sent shivers down my spine... warned me not to go to Camp Crame because my life was in danger," ayon pa sa mga isiniwalat ni Mabilog.
Nakatanggap din aniya ang kaniyang asawa ng text message, na higit pang nagdulot ng takot sa kanilang pamilya.
"Do not proceed, there are 20 men surrounding your house. And if you go to Camp Crame, they will kill you," ang mensahe sa text message, ayon kay Mabilog.
"The terror was paralyzing, I couldn’t believe it. My life and my family’s life was hanging by a thread."
Dahil sa takot para sa kanyang kaligtasan, si Mabilog ay tumakas sa bansa papuntang Japan. Sa kaniyang pagdating, nakatangagap din siya ng tawag mula kay General Dela Rosa, na nagpahayag ng simpatiya at siniguro kay Mabilog na wala siyang kinalaman sa ilegal na droga.
"Mayor naaawa ako sayo, tutulungan kita, inosente ka (Mayor, I pity you, I will help you, you're innocent)," ayon umano kay Dela Rosa.
Sa kabila ng pagtiyak ni Dela Rosa, isa namang general ang nagbigay ng babala kay Mabilog na manatili na lamang sa Japan at huwag umuwi ng Pilipinas.
"The accusations against you are all fabricated, but if you go to Crame, you’ll be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords," ayon pa kay Mabilog, sa natanggap na tawag.
Sa huli ay pinili ni Mabilog na hindi na umuwi ng bansa dahil sa pressure sa pulitika at maling akusasyon ni Duterte sa ilegal na droga.
Ang kanyang testimonya noong Huwebes ay nagbigay liwanag sa umano'y paggamit ng administrasyong Duterte sa narco-list sa mga kalaban sa pulitika. (END)
———————————-
House Quad Comm sinilip konek ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’
Konektado ba ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na ang totoo umanong pangalan ay Guo Hua Ping, sa notoryus na Fujian gang?
Lumutang ang tanong na ito sa pagdinig ng House Quad Committee ngayong Huwebes kaugnay ng mga transaksyon ni Guo at ang potensyal na koneksyon nito sa criminal syndicates.
Ayon kay Batangas 2nd District Rep. Gerville "Jinky Bitrics" Luistro may hinala na konektado si Guo sa mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China kung saan sinasabi na mayroong mga gang.
Ang Fujian gang ay tumutukoy sa isang sindikato na katulad ng mga triad, na kinabibilangan ng mga gang na lumipat sa Hong Kong at local networks sa Fujian.
Isa sa ipinakitang ebidensya ang poster ng pagbati mula sa mga negosyanteng Intsik na nakabase sa Maynila, na orihinal na mula sa Fujian, na nagdiwang sa pagkakahalal ni Guo bilang "unang Intsik na alkalde sa Pilipinas" noong 2022.
“This (congratulatory poster) came from businessmen here in Manila who originated from Fujian, China,” ayon kay Luistro.
Ayon din sa inilabas na impormasyon mula sa record ng Bureau of Immigration, na tumutukoy kay Guo na dependent ng kanyang ina na si Lin Wen Yi, na tubong Fujian.
Binanggit din ni Luistro na ang dalawang kasosyo ni Guo at mga kapwa incorporators ng Bamban-based na Baofu Land Development Inc.—sina Lin Baoying at Rujin Zhang—na parehong nahatulan ng paglabag sa anti-money laundering sa Singapore, ay mula rin sa Fujian.
“Based on research, Mr. Chair, the two incorporators by the name Baoying Lin and Rujin Zhang, both convicted of anti-money laundering in Singapore, are all from Fujian, China,” ayon sa pahayag ni Luistro sa Quad Committee, na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Duda ng kongresista kung ang mga koneksyon na ito ay nagkataon lamang o indikasyon na sangkot si Guo sa mga ilegal na aktibidad na konektado sa Fujian gang. “I wonder, Mr. Chair, if these are merely coincidences?” tanong pa nito.
Nang tanungin, itinanggi ni Guo ang anumang kaalaman tungkol sa Fujian gang, “Your Honor, I’m not aware. First time ko po siya narinig ngayon araw. Thank you po,” sagot ni Guo.
Lumalabas sa pagdinig ng Quad Committee na si Guo ay isang Chinese na sinamantala ang mga butas sa sistema ng Pilipinas upang makapagnegosyo sa bansa na umano'y konektado sa mga sindikato.
Inihayag sa interpelasyon ni Luistro, na ang pagkakaugnay ni Guo kina Lin at Zhang, na kapwa hinatulan sa Singapore dahil sa laundering ng $3 bilyon, kasama ang isa pang incorporator, na si Huang Zhiyang, na sangkot naman sa cybercrime matapos ang pagsalakay ng mga awtoridad noong 2023.
Ang apat na nabanggit ay sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), partikular ang Hongsheng Gaming Technology at Zun Yuan Technology, na konektado sa human trafficking at money laundering.
Nalaman din sa pagdinig na si Guo ay nakakuha ng pekeng birth certificate at Philippine passport sa pamamagitan ng late registration ng birth system, kaya't nakatakbo at nahalal na opisyal ng gobyerno at makapagtayo ng mga negosyo.
“This fictitious birth certificate paved the way for Ms. Alice Guo to solicit identification cards from different government offices, including the DFA, the BIR, and the LTO,” ayon kay Luistro.
Dahil dito, iminungkahi ni Luistro ang pagkakaroon ng reporma upang pigilan ang mga dayuhan na sinasamantala ang kahinaan ng Sistema at inirekomenda sa Securities and Exchange Commission na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon upang matiyak na lehitimo ang mga korporasyon.
“The layering of various documents to make it appear that these are legitimate corporations complicates the government’s ability to verify and monitor the illegal activities of these foreign nationals,” babala pa ng kongresista.
Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa mas mahigpit na mga batas laban sa money laundering, na tinukoy na ang mga ilegal na operasyon ng POGO ay lumawak dahil sa hindi nare-regulate na mga financial transactions.
“Illegal activities and illegal POGOs will not proliferate if they are not able to transfer money. So I humbly suggest as well, Mr. Chair, that we tighten our rules on anti-money laundering,” dagdag pa ni Luistro.
Ang mga nabunyag na mga aktibidad ni Guo at posibleng koneksyon sa mga sindikato ay isang seryosong problema sa kung paano manipulahin ng mga dayuhan ang mga sistema sa Pilipinas sa kanilang mga ilegal na gawain.
Isinusulong naman ngayon ng mga mambabatas ang agarang reporma sa mga kakulangan ng batas para protektahan ang bansa sa higit pang pagsasamantala.(END)
————————————-
Dating PNP official na malapit kay Duterte nangongolekta ng P1M sa Davao City— ex-Cebu Mayor Osmeña
Tinutulan umano ni dating Cebu City congressman at mayor Tommy Osmeña ang pagtatalaga kay dating Police Col. Royina Garma sa kanyang lungsod matapos malaman na nangongolekta ito ng P1 milyon kada linggo habang nakatalaga bilang hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Davao City.
Ito ang sinabi ni Osmeña sa kanyang pagharap sa ika-anim na pagdinig House Quad Committee, na nag-iimbestiga sa naganap na extra-judicial killings sa pagpapatupad ng Duterte war on drugs, kalakalan ng iligal na droga at iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).
“I was made aware that in then previous hearing that Col. Garma said that our differences was personal. I just want you to know Mr. Chairman that I did not know her,” ani Osmeña sa pagdinig.
Ayon pa kay Osmeña, mayroong nagsabi sa kanya, at mayroon itong ulat, na si Garma ay nangongolekta ng P1 milyong lingguhang payola bilang hepe ng CIDG sa Davao City.
“It (report) says that when Garma was head of CIDG she was collecting P1 million a week. I cannot accept this for Cebu City. And her bagman was a certain SPO4 Art,” ayon kay Osmeña.
“Now it appears that SPO4 Art is not only a lover. She brought this policeman with her when she was appointed to PCSO,” dagdag pa nito.
Ilang araw pagkatapos mag-avail ng early retirement mula sa PNP, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Garma bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ni Osmeña na may nakapagsabi sa kanya na hindi siya gusto ni Duterte dahil sa isang babae at hindi dahil sa pulitika. Ang nagsabi nito ay ang parehong tao na nagsabi sa kanya na itatalaga si Garma sa PCSO.
“I am very happy that this committee is giving us the opportunity to air these things which you could further investigate,” ayon pa kay Osmeña.
Nagpapasalamat din si Osmeña sa komite na nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagbigay impormasyon sa panel kaugnay sa extrajudicial killings na naganap sa nakalipas na administrasyon.
Sinabi pa ni Osmeña na maimpluwensya si Garma kaya siya ay nasuspendi ng isang taon ng Office of the Ombudsman dahil sa pagtatanggol sa tatlong vendor na hinaharas ng mga pulis.
“Fortunately the Ombudsman reversed its decision. The decision came out today. I am no longer suspended, I’m not even a mayor any more,” saad pa ni Osmeña.
Sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng Quad Committee, na ang bag man na tinutukoy ni Osmeña ay lumalabas na si SPO4 Arthur Solis na iniugnay ng dalawang saksi sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm noong Agosto 2016.
Si Garma ay kasalukuyang nasa detention facility ng Kamara makaraan na ring i-contempt ng Quad Committee noong nakaraang linggo dahil sa pagsisinungaling.
Si Osmeña, ay inanyayahan ng joint panel na dumalo sa pagdinig upang magbigay linaw tungkol sa illegal na POGO na sinalakay ng mga awtoridad sa Lapu-Lapu City noong nakaraang buwan, na sinabing mas marami siyang nalamaman sa isyu ng EJK kaysa sa POGO.
“I can tell you that there were innocent policemen and civilians killed. I will tell you more in your next hearing,” saad pa nito.
Giit pa ng nito na isa lamang ang POGO case na kaniyang nalalaman, ito ay ang sinalakay ng CIDG team noong May 2018 na gusali sa Megaworld property sa Mactan Island, na makaraan ang isang linggo ay na-relieve ang team leader.
Sinabi naman ni Fernandez na ganoon din ang sinapit ng mga pulis na nagpasara ng isang POGO hub sa Bamban, Tarlac. (END)
—————————————-
Drug war ginamit ni Duterte para balikan mga kalaban sa pulitika
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings (EJKs), ibinunyag ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kung paano ginamit ng administrasyong Duterte ang pekeng drug-list upang usigin ang mga kalaban nito sa pulitika.
Sinabi ni Mabilog na ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa narco-list ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa pulitika bunsod ng pagiging kamag-anak niya ng isang kritiko ng administrasyong Duterte.
"Despite my hard work and dedication to public service, I was unjustly, baselessly included in former President Duterte's so-called narco-list. This inclusion was made without any evidence, investigation, or due process," ayon pa sa pahayag ni Mabilog sa pagdinig.
Sinabi pa ni Mabilog na bago isinama ng dating Pangulo sa drug-list ang kanyang pangalan ay wala siya sa listahan ng mga drug personalities ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nang tanungin ni Surigao del Sur Rep. John Pimentel kung bakit siya napasama sa listahan, ihinayag ni Mabilog ang mga posibleng dahilan sa komite.
“Actually, your honors, I really made several attempts to see then-President Duterte. Just to ask kung ano po talaga ang reason kung bakit po ako naisama sa lista. So, gumawa na lang po ako ng assumptions ko for what these reasons are,” ayon sa dating alkalde.
Naniniwala si Mabilog na ang kanyang pagkakasama sa listahan ay maaaring dahil siya ay kamag-anak ni dating Senator Franklin Drilon, gayundin ang kanyang hindi pagsuporta kay Duterte noong 2016 elections.
Ipinaliwanag niya na ang Iloilo City ay patuloy na inihahambing sa Davao City, lalo na noong panahon ng pagiging alkalde ni Duterte.
Ipinakita rin ni Mabilog ang mga media articles na nagpapakita ng paghahambing sa pagitan ng dalawang lungsod at na maaaring isa sa dahilan sa kanyang pagiging target.
"Iloilo City was always compared to Davao City. I have here po all the newspaper articles with me that would show that even Solita Monsod compared myself to then Mayor Rodrigo Duterte," pahayag pa ni Mabilog.
Nang magtanong si Pimentel kung naniwala si Mabilog na ang kanyang pagkakasama sa listahan ay may motibong pulitika dahil sa hindi pagsuporta ng Iloilo City kay Duterte noong 2016 elections, hinimok ni Pimentel si Mabilog na sagutin ang tanong.
“President Rodrigo Duterte got only 13.7% in the total number of votes in Iloilo City, which is his lowest percentage votes all over the country, while Manuel Roxas po won the majority in Iloilo City,” saad nito.
Sinabi ni Mabilog na dahil sa pagkakasama ng kanyang pangalan sa narco-list ay nagbago ang pang-araw araw na kanilang pamumuhay,kung saan kinumpiska rin ang kaniyang baril, at pagbawi sa mga police escort.
“Yung lahat na security personnel na naka-detail po sa Mayor ay tinanggal. So yung ginawa ko is pumunta sa then PNP Regional Director na bagong assigned at kinausap ko siya kung ano ang dapat gagawin,” saad ni Mabilog.
Sa kabila ng pagbibigay ni Mabilog ng mga ebidensya ng kanyang mga programa laban sa droga, wala siyang natanggap na malinaw na paliwanag kung bakit siya isinama sa listahan.
Tinanong din ni Pimentel kung inalam ba ni Mabilog kung bakit siya nasama sa drug-list, sinabi ng dating alkalde na wala ring maisagot ng Regional Director kundi tinukoy lamang ang isinapublikong anunsyo ni Duterte.
“Sir bakit po ako nasali? Bakit po ang Iloilo most shabulized? Ito po yung mga programa po namin. Yung sagot niya po, nanggaling sa itaas yung lista, yung in-announce ng Presidente, wala pa pong lista nun,” paliwanag Mabilog.
Binibigyang-diin ni Pimentel na ang pagkakasama ni Mabilog sa listahan ay hindi napatunayan ng mga lokal na awtoridad at nakabatay lamang sa mga pampublikong pahayag ni Duterte.
“In short Mr. Chair, yung binabasehan lang ng Regional Director sa listahan na sinabi ng former Presidente, doon lang po niya nakuha ang pangalan ninyo without any validation, ganun po ba?” tanong ni Pimentel, na kinumpirma naman ni Mabilog, “Yes, Your Honor.”
Ayon pa kay Mabilog na makailang-ulit na binabanggit ni Duterte ang kanyang pangalan sa publiko na higit pang nagpalala sa panganib sa kanyang buhay.
“During in one forum, ito ba pinatotohanan mo? Doon sa isang event na sinabi niya, the Mayor of Iloilo City, I identified him. This was broadcasted. I said you're next,” Ayon pa kay Pimentel, na sinang-ayunan din ni Mabilog, “Yes Your Honor as happened showed in the video po.”
Naniniwala si Pimentel na si Mabilog ay biktima ng walang basehang akusasyon sa ilalim ng kampanya kontra-droga ng dating pangulong Duterte.
“In fact, nandyan po sa affidavit din ho niya because of the several threats and because of several calls from different police authorities telling him... ikaw ang susunod na papatayin. And that is why Mr. Jed Mabilog left the country to save his life and to save his family,” ayon pa kay Pimentel. (END)
—————————-
Duterte, Bato ginamit drug war para patahimikin mga kalanam sa politika— ex-Iloilo Mayor
Isiniwalat ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes na ginamit nina dating Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs para patahimikin ang kanyang mga kalaban sa pulitika.
Sinabi ni Mabilog, isinama ni Duterte sa kanyang narco-list, na ginamit na armas ng nakaraang administrasyon ang law enforcement agency, na noon ay PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa upang balikan ang kanyang mga kalaban sa pulitika.
Sa kanyang opening statement, itinanggi ni Mabilog na protektor ito ng iligal na droga.
“Una po sa lahat I declare that I was not and never will be a drug protector! I don’t know personally nor did I benefit in any way from any illegal drug personality in Iloilo or anywhere else,” ani Mabilog, na nagsabi na hanggang ngayon ay wala pa siyang kinakaharap na kaso kaugnay ng iligal na droga.
Sinabi ni Mabilog na ang narco-list ni Duterte ay naging “hit list” o listahan ng mga lilikidahin.
“Pero kung inyong titingnang maigi, isinama ang mga pangalan ng kalaban sa pulitika sa isang validated list ng mga drug personalities sa kasunod na PRRD List,” saad ni Mabilog.
“Sa kabila ng mga kuwestiyunableng impormasyong, walang validation o confirmation man lang na ginawa ng kahit na anomang ahensya ng gobyerno sa Malacañang initiated list,” dagdag pa nito.
“Itong PRRD list diumano ay naging isang ‘hit list.’”
Dahil sa pagbabanta ni Duterte sa kanyang buhay, sinabi ni Mabilog na napiitan itong manatili sa ibang bansa.
"Paulit-ulit ang pagbabanta ni Presidente Duterte sa media, harap-harapang sinasabi na ipapa-patay daw ako,” wika pa ni Mabilog.
Sa kuwento ni Mabilog, noong 2017 tinawagan siya ng noon ay PNP chief Bato Dela Rosa at inimbitahan na pumuntas a Camp Crame. Naurong umano ng naurong ang oras ng pagpupulong kaya hindi siya mapakali.
"At around 5 p.m., a PNP Colonel called me and in a voice that sent shivers down my spine warned me not to go to Camp Crame because my life was in danger," sabi ni Mabilog.
Sa kaparehong araw, nakatanggap din umano ang misis ni Mabilog ng text message na nagsasabi na pinaligiran ng ilang kalalakihan ang kanyang bahay at papatayin umano siya ng mga ito.
“Mayor, do not return. Your life is in danger. The accusations against you are all fabricated. But if you go to Crame, you’ll be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords,” sabi ni Mabilog.
"The terror was paralyzing. I couldn’t believe it – my life was hanging by a thread," dagdag pa ni Mabilog.
Habang nasa Japan, nakatanggap umano ng tawag si Mabilog mula kay Police Gen. Dela Rosa upang sabihan na nakikisimpatya ito sa kaya at naniniwala na siya ay inosente.
"He told me he knew I was innocent that I wasn’t involved in illegal drugs and he promised to help me," sabi ni Mabilog.
Pero isang heneral umano ang tumawag sa kanya at sinabihan na huwag umuwi sa Pilipinas.
Sinabi ni Mabilog na ginamit ang mga law enforcement agency sa politika na siyang sumira sa tiwala rito ng tao.
"Using state institutions to carry out personal vendettas or silence perceived enemies undermines the foundation of justice and democracy in our country," sabi pa nito.
Nanawagan si Mabilog ng reporma sa mga law enforcement agency upang maiwasan na mamanipula ang mga ito para sa pamumulitika.
"Kailangan mapatibay pa ang mga institusyong ito upang hindi basta-basta magagamit o maimpluwensyahan ng pulitika," deklara ng dating alkalde.
Hiniling din ni Mabilog sa Kongreso na papanagutin ang mga umaabuso sa kapangyarihan.
“No individual should be able to wield such unchecked authority regardless of their position or power,” sabi ng dating alkalde.
"Accusations must be duly validated and authenticated first before any public announcement to avoid shaming and destroying the honor, reputation, and good image of a hardworking and innocent person,” dagdag pa nito.
"Maraming salamat sa Quad Committee na ito dahil nabigyan ako ng pagkakataon na linisin ang aking pangalan at ng minamahal kong Iloilo.” (END)
—————————-
Valeriano nanawagan ng whistleblowers para sa kuwestyunableng paggamit ng OVP fiund
Nanawagan si Manila Rep. Rolando Valeriano sa mga potensyal na whistleblowers na ilabas ang mga impormasyon, ebidensya, o tumestigo kaugnay ng maling paggamit ng pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Valeriano ang pahayag sa pagbubukas ng imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Setyembre 3 kaugnay ng ginawang paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).
“If there are any whistleblowers with information, evidence, and testimony about the supposed OVP socioeconomic programs, they are most welcome to contact the Chairperson of this Committee, the Committee Members, or this Representation,” ani Valeriano.
Sa kanyang privilege speech, nagpahayag ng pagkabahala si Valeriano kaugnay ng kawalan ng transparency sa paggamit ng OVP ng pondo nito bunsod ng kulang na mga dokumento na magpapatunay sa ginawang paggamit ng pondo sa itinakdang pagkakagastusan.
“She expected us to take at face value the figures in her presentation, when there is much reason for us here in Congress to doubt the veracity of the figures in the presentation. We have not seen any paper trail or electronic trail that would serve as evidence of beneficiaries and partnership agreements,” ayon pa kay Valeriano.
Kinondena ni Valeriano si Duterte sa pagtanggi nitong sumagot sa mga tanong kaugnay ng panukalang badyet ng OVP gayundin sa mga tanong kung papaano nito ginamit ang pondo.
“Her claim of leaving it to the House to do what it thinks is right is just a palusot, a smokescreen, a cover,” dagdag pa nito.
Kuwestyunable rin para kay Valeriano ang sinasabi ng OVP na napagsilbihan nito ang may 2 milyong benepisyaryo sa Metro Manila.
Sa dami ng tinulungan, sinabi ni Valeriano na dapat ay hiningi man lang ng OVP ang tulong ng mga lokal na pamahalaan o ng mga district congressman.
“Kung totoong may beneficiaries, imposibleng hindi mabalitaan ‘yan ng sinumang district congressman sa Metro Manila lalo pa't tinatayang dalawang milyong beneficiaries daw ang nakinabang sa loob ng dalawa't kalahating taon at ang halaga ng pondo ay halos FOUR BILLION pesos para sa 2022, 2023, at 2024,” saad pa ng mambabatas mula sa Maynila.
Iginiit naman ni Manila Rep. Joel Chua, ang chairman ng komite, ang kahalagahan na matiyak na tama ang ginawang paggastos sa pondo ng bayan.
“We have to ensure that funds are spent solely for purposes for which they have been appropriated, kabilang dito ang pagsisiguro na ang pag-gasta ay may tamang awtorisasyon ayon sa legal intent at purpose,” paliwanag ni Chua.
Ang pagsasagawa ng imbestigasyon, ayon kay Chua ay ang pagganap ng Kamara sa oversight function nito.
“Mahigit three weeks na po mula noong unang OVP budget hearing, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagsusumite si VP Sara o sinuman sa Office of the Vice President ng solidong dokumento o detalye,” dagdag naman ni Valeriano.
Nagkasundo naman ang dalawang mambabatas na dapat gumawa ng mga hakbang upang matiyak na tama ang paggastos sa pondo ng bayan. (END)
——————————-
Quad Comm cites Alice Guo in contempt, orders her detention pending probe conclusion
Frustrated by her evasive responses and lack of cooperation, the House Quad Comm on Thursday night cited dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo in contempt and ordered her detention.
As of press time, the panel has yet to resolve Guo's place of detention pending clearance from the agency taking custody of her.
Guo faces investigation for her alleged involvement in illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) and other criminal activities.
The joint panel, which is probing the rise of illegal POGO-related crimes, is still deliberating where Guo will be detained, given questions about jurisdiction over her custody.
Currently, Guo is under the custody of the Philippine National Police (PNP) as she faces human trafficking charges in court, in addition to a contempt order issued by the Senate.
Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, overall chair of the Quad Committee, approved the motion of Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano to cite Guo in contempt, in accordance with Section 11, Paragraph C of the House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
“There is a motion to cite Alice Guo, a.k.a. Guo Hua Ping, in contempt. Are there any objections? Hearing none, the motion is approved,” Barbers declared.
In a follow-up motion, Paduano also requested that Guo be detained until the committee's investigation is completed and the report is adopted by the plenary, a motion which Barbers also approved.
During the hearing, Paduano, supporting the interpellation by Nueva Ecija 3rd District Rep. Emerson Pascual, expressed concern over Guo's refusal to post bail, especially given the relatively modest amount of ₱180,000.
He suggested that Guo deliberately avoided posting bail because she preferred to remain at the PNP Custodial Center in Camp Crame, Quezon City.
“Hindi ka nag-bail kasi mas gusto mong naka-detain doon sa PNP custodial facility kaya hindi ka nag-bail. Ayan ang totoong kwento doon. Huwag na tayo maglokohan dito,” Paduano said.
“Again, you're lying. You’re fooling this country, you're fooling the Filipino people,” he added.
Earlier in the hearing, the Quad Comm confirmed that Guo, a Chinese national, had exploited loopholes in Philippine legal and identification systems to establish businesses believed to be connected to illegal syndicates.
Guo, at the center of multiple criminal investigations, has sparked outrage due to her involvement in human trafficking and ties to illegal POGO operations.
She is accused of facilitating the entry of foreign workers, many of whom are suspected of being involved in illegal activities, including prostitution and fraud, under the guise of legal employment.
Authorities have long suspected that Guo has close ties to powerful syndicates operating within the country, and her businesses are believed to have been a front for various illicit operations. (END)
<< Home