Milks Padadaluhin sa susunod na hearing ng Quad Committee sa susunod na linggo si Tony Yang o Hongjiang Yang, kapatid ni dating Duterte Presidential Adviser Michael Yang.
Ayon kay Laguna Representative Dan Fernandez, co-chair ng Quad Comm, inaasahan na maraming makukuhang impormasyon kay Yang sa isyu ng illegal drugs.
Bagamat si Yang ay naaresto sa pagiging “indesirable alien”, ilang beses
lumutang ang pangalan nilang magkapatid sa isyu ng pogo at illegal drugs.
Si Michael Yang o Hong Ming Yang ay pinaaaresto ng Quad Comm dahil sa pagkakasangkot sa P3.6 billion drug buy bust sa Mexico, Pampanga noong nakaraang taon.
Matatandaan, sa pagtestigo sa Quad Comm ni dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban na ngayon ay nakakulong sa Manila City Jail dinawit nito sina Yang, Congressman Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio at Benny Antiporda sa illegal drugs.
Si Guban ang inakusahan ng smuggling sa bilyones na halaga ng shabu sa pamamagitan ng “magnetic lifters” pero ang mga nabanggit anya ang tunay na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
————————
Milks Pinapurihan ng Kamara ang AFP-MIG, ISAFP, Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration sa pagkakadakip kay Tony Yang o Hongjiang Yang.
Si Yang na nakatatandang kapatid ni dating Duterte Presidential Adviser Michael Yang ay naaresto kagabi paglapag sa NAIA Terminal 3 mula sa Cagayan de Oro dahil sa mission order sa pagiging “undesirable alien”.
Ang pagkaka-aresto kay Yang ay inihayag ni House Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. bago matapos ang hearing kagabi ng Quad Committee.
Nasa Quad Comm hearing si Winston Casio, spokesman ng PAOCC nang matanggap ang balita at agad na ipinarating sa mga miembro ng komite kaya pinayagan itong umalis sa hearing at pumunta sa NAIA Terminal 3.
Ayon kay Gonzales, mas mapabibilis na ngayon ang paghahanap at pag-aresto sa kapatid nito na si Michael Yang at inaasahan na matutukoy ang ugnayan nilang magkapatid sa isyu ng money laundering, drug trafficking at pogo.
Narito si House Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr…
RHTV
Timestamp :
0:31-0:58
na gawaing ito…
Matatandaan, sa mga naunang hearing ng Quad Comm, lumutang na ang pangalan ng mga Yang na may kaugnayan kay Alice Guo.
Nauna na rin na ipinag-utos ng Quad Comm ang pag-aresto kay dating Duterte presidential adviser Michael Yang o Hong Ming Yang dahil sa pagkakasangkot sa P3.6 billion drug buy bust sa Mexico, Pampanga noong nakaraang taon.
—————————-
Milks Kasalukuyang nasa detention center na rin ng Kamara ang anak nio dating PCSO General Manager Royina Garma.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinagbigyan ng komite na makasama ni Garma ang kaniyang anak na mayroon special needs.
Pinahintulutan din aniya ito na makagamit ng cellphone at internet dahil nago-online schooling ang kaniyang anak.
Sabi pa ni Velasco, nakakulong si Garma hindi naman dahil sa krimen ngunit dahil lang sa contempt order.
“Oo napagbigyan yun. Kasi nag-aaral…we allowed her to stay…Pinapayagan namin yung cellphone dun sa inside the (detention center). They can still communicate with their frinds, lawyers. Kasi alam mo naman yan, hindi naman yan detention because of criminal activity., but contempt, kasi nga ayaw magsabi ng totoo di ba.” Ani Velasco
Matatandaan na ipinacontempt ng House Quad Committee si Garma sa pagtanggi na sumagot ng makatotohanan sa mga tanong ng mga mambabatas.
Dahil dito, ipinagutos na siya ay madetine sa Kamara.
Sinubukan itong iapela ni Garma ang desisyon ng komite dahil sa kailangan aniya niyang makasama ang kaniyang anak na may mental health issue.
Mismong si Quad Comm co-chair Dan Fernandez naman ang nagsabi na para mapawi ang pangamba ni Garma ay hayaan na makasama niya ang kaniyang anak sa detention center.
#############
Kasalukuyang nasa detention center na rin ng Kamara ang anak nio dating PCSO General Manager Royina Garma.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinagbigyan ng komite na makasama ni Garma ang kaniyang anak na mayroon special needs.
Pinahintulutan din aniya ito na makagamit ng cellphone at internet dahil nago-online schooling ang kaniyang anak.
Sabi pa ni Velasco, nakakulong si Garma hindi naman dahil sa krimen ngunit dahil lang sa contempt order.
“Oo napagbigyan yun. Kasi nag-aaral…we allowed her to stay…Pinapayagan namin yung cellphone dun sa inside the (detention center). They can still communicate with their frinds, lawyers. Kasi alam mo naman yan, hindi naman yan detention because of criminal activity., but contempt, kasi nga ayaw magsabi ng totoo di ba.” Ani Velasco
Matatandaan na ipinacontempt ng House Quad Committee si Garma sa pagtanggi na sumagot ng makatotohanan sa mga tanong ng mga mambabatas.
Dahil dito, ipinagutos na siya ay madetine sa Kamara.
Sinubukan itong iapela ni Garma ang desisyon ng komite dahil sa kailangan aniya niyang makasama ang kaniyang anak na may mental health issue.
Mismong si Quad Comm co-chair Dan Fernandez naman ang nagsabi na para mapawi ang pangamba ni Garma ay hayaan na makasama niya ang kaniyang anak sa detention center.
##############
<< Home