RPPt Quad Comm: Paglipat kay Cassandra Ong legal
Iginiit ng mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na legal ang naging desisyon ng panel na ilipat ang Philippine offshore and gaming operators (POGO) person-of-interest na si Katherine Cassandra Li Ong sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Sa isang pahayag, sinabi nina Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez, at Antipolo Rep. Romeo Acop na dumaan sa due process at legal na proseso ang paglipat kay Ong na iniuugnay sa iligal na operasyon ng POGO.
"We want to make it clear: Ms. Ong's transfer to the Correctional Institute for Women is legal. The QuadCom has followed all necessary protocols, and the decision is rooted in the rule of law,” sabi ng mga lider ng Quad Committee.
“Walang nilabag na batas ang Quad Comm sa pag-utos na ilipat si Ms. Ong sa correctional. Lahat ng aksyon ng committee ay naaayon sa aming Rules of Procedure at sa batas,” sabi pa nila.
“Her lawyers were the ones who said that Cassy Ong would prefer to be detained in a prison cell rather than in Congress. Cassy should blame her lawyers for putting her in this uncomfortable position,” dagdag pa ng mga ito.
Wala rin umanong basehan at haka-haka lamang ang alegasyon na sapilitan ang naging desisyon na ilipat si Ong.
“Walang basehan ang mga paratang na ito. Our legislative inquiries are designed to seek the truth and uphold justice, not to manipulate the outcome of these proceedings,” wika pa ng mga ito.
Bilang tugon sa mga pahayag na ang paglipat ni Ong ay maaaring lumabas sa international human rights conventions, sagot ng mga mambabatas, “We are carefully looking into all concerns regarding international conventions. We assure the public that we remain committed to respecting the rights of individuals, and ensuring that all actions taken are in compliance with both domestic and international laws.”
Iginiit ng mga lider ng komite ang kahalagahan na hayaang magpatuloy ang proseso ng isinasagawang congressional investigation.
"It's important that we let the system work. Casting baseless accusations does nothing but create confusion and divert attention from the real issues at hand," saad ng mga solon.
Bago rin umano inilipat si Ong ay tiniyak na nasa maayos itong kalusugan at ligtas sa paglilipatan sa kanya taliwas sa pangamba ng kanyang mga abugado.
"Ms. Ong’s well-being is a priority. The authorities have ensured that her transfer was conducted safely and with respect for her rights," wika pa nila.
Sinabi rin ng mga mambabatas na isinasagawa ang pagdinig ng mayroong transparency habang inirerespeto ang karapatan ng mga resource person.
"We cannot allow the narrative to shift away from the truth. All of the proceedings have been open and conducted with transparency. Ms. Ong, like anyone else, deserves her day in court," sabi ng mga kongresista.
“Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin nating tiyakin na ang lahat ng proseso ay naaayon sa batas at patas. Huwag nating hayaang masira ang tiwala ng publiko sa ating mga institusyon.”
Si Barbers ang overall chair ng Quad Comm at chairman ng House Committee on Dangerous Drugs. Si Fernandez naman ang chairman ng Committee on Public Order and Safety, si Abante ang chair ng House Committee on Human Rights, at si Paduano ang chair ng House Committee on Public Accounts.
Si Acop ay vice chair ng apat na komite at chairman ng House Committee on Transportation. (END)
—————————
RPPt Pagdinig ng House quad comm magpapatuloy kahit naka-recess ang Kongreso
Magsasagawa ng pagdinig ang quad committee ng Kamara de Representantes kahit na naka-recess ang sesyon ng Kongreso upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na masusing mapag-aralan ang magkakaugnay na isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ilegal na droga, money laundering, at mga extrajudicial killings (EJKs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag Manila 6th district Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr., isa co-chairman ng quad committee.
"Yes in fact we will continue on kahit break sapagkat nakita po namin iyung involvement ng isang sindikato at nakita rin po natin na napakalaki ng involvement ng ilang mga heneral dito. Unless otherwise mabuwag natin at makita natin sa loob ng Philippine National Police (PNP) ang mga heneral na involve sa drugs, hindi mawawala ang drug problem sa Pilipinas," ayon kay Abante.
Naka-anim na pagdinig na ang quad committee, kung saan natuklasan ng mga mambabatas, batay sa mga lumabas na impormasyon, ang lawak at mahabang panahon ng pag-iral ng mga ilegal na aktibidad.
Ayon pa kay Abante, na siya ring chairman Committee on Human Rights, kinakailangan pa ng maraming panahon upang lumabas ang lahat ng dapat na matuklasan.
"Palagay ko mahaba-haba pa we would like to finish that kasi malapit na ang filing [ng certificates of candidacy] di ba? You know ‘pag nag-file ka parang campaign period na ‘yan so talagang sabi ko nga e we have to be in our owm district para mag barangay na kami pero still we really have to finish this job," saad nito.
"At tatapusin po natin itong trabahong ito sapagkat ito po ay para sa ating bayan at malaman po nila ang mga nagyayari. We do not want this to happen anymore kawawa po ang Pilipinas," dagdag pa ni Abante.
Sa ikaanim na pagdinig ng quad comm, napakinggan ng komite ang mga naging rebelasyon ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
“Ang next hearing will be this week, ang pag-uusapan naman EJK. Maganda ito sapagkat ito ‘yung binabanggit ninyo tungkol kay Jed Mabilog, eh we are going to invite him again," ayon kay Abante.
Sa isang panayam, tinukoy din ni Abante na ang yumaong si dating PNP General na si Camilo Cascolan ang nagligtas sa kapahamakan kay Mabilog, nang babalaan niya ang dating alkalde na huwag bumalik sa Pilipinas dahil nanganganib ang kanyang buhay. Si Mabilog ay kasama sa narco-list ni dating Pangulong Duterte.
Ang payo ni Cascolan ay kasabay ng panghihikayat ni dating PNP chief at ngayo'y Senador Ronald "Bato" dela Rosa kay Mabilog na bumalik sa Pilipinas upang umano'y matulungan ang pagkakasangkot ng dating alkalde sa drug-list.
Dagdag pa ni Abante, na si Cascolan din ang nagsabing pipilitin si Mabilog na iugnay sina dating Senador Mar Roxas at Franklin Drilon sa ilegal na kalakalan ng droga noong panahon ng drug war campaign ni Duterte.
Nakakapang hinayang naman ayon kay Abante na pumanaw na si Cascolan, at hindi na maririnig ang kaniyang panig.
"Yun ang nakakalungkot dun eh dahil hindi na namin pwede ipatawag dahil pumanaw na siya.
‘Yun ang isang bagay na nakakalungkot talaga," saad nito.
May isa namang mataas na opisyal ng PNP ang binanggit ni Mabilog sa kaniyang testimonya.
"Mayroong isang former colonel yata, I think it's Colonel Diaz na sinabi kay Mabilog na, sige tatawagan ka ni General [Bato] Dela Rosa para mag usap kayong dalawa. Baka patawag din namin ‘yun," ayo pa kay Abante. (END)
————————-
RPPt Young Guns kay Sen Dela Rosa: Responsibilidad sa EJK huwag isisi sa iba
Dapat umanong magpakalalaki ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at akuin ang responsibilidad sa libu-libong kaso ng extrajudicial killings (EJK) ng ipatupad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang drug was nito.
“It’s the height of cowardice. Don’t pass the blame to your subordinates. It all boils down to command responsibility. They were just following orders from the higher-ups, which happens to be the PNP under his leadership,” giit ni House Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V, isa sa mga pinuno ng Young Guns ng Kamara.
Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang war on drug campaign ng nakaraang administrasyon.
“You (Bato) were the PNP chief at the height of the war on drugs. Command responsibility is something you should accept, and it’s something that is obviously inevitable too,” dagdag pa ni Ortega.
“These policemen risked their lives because they were following his directives. It is unjust for Senator Bato to now distance himself and let them face the consequences alone. If there is anybody who should face this head-on, it is their commander, not just the officers,” saad pa ng mambabatas.
Sinabi naman ni Manila Rep. Ernix Dionisio na hindi nararapat para sa isang opisyal ng pulisya, na talikuran ang kanyang mga sugatang tauhan sa isang digmaan, “Why is Senator Bato pinning the blame on policemen who were simply following orders?”
“Thousands died during this bloody campaign against the proliferation of illegal drugs,” ayon kay Dionisio, isa sa mga lider ng Young Guns.
Ipinunto ni Dionisio na ang mga inosenteng mga pulis na sumunod lamang sa utos ay hindi dapat managot sa desisyon na ginawa ng nakaraang administrasyon, lalo na sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.
“They were acting under his command, and he was at the helm of the police force during that violent period. Don’t pass the blame on the lowly police officers who just did their job,” paliwanag pa ni Dionisio.
“Those officers were just doing what they were told. He cannot simply wash his hands off the bloodshed and expect his subordinates to take the fall for him. This does not bode well for all of us, most particularly in the uniformed industry,” saad pa ni Dionisio.
Kapwa nananawagan sina Ortega at Dionisio kay Dela Rosa na harapin ang kasalukuyang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) at ipaliwanag ang kanyang papel sa libu-libong extrajudicial killings na naganap sa ilalim ng kanyang pamumuno.
“He keeps accusing the House of Representatives of playing politics, but the core issue here is accountability. If he cannot explain his actions in Congress, then he should do it before the ICC. He better explain it before the ICC himself,” giit pa ni Ortega.
“This is not about politics; this is about justice. Those who lost loved ones in the drug war are waiting for accountability, and it starts with the one who was in command,” dagdag pa ni Dionisio, kasabay ng panawagan ng masusing imbestigasyon sa nasabing usapin.
Sa pagpapatuloy ng ICC investigation, kapwa nanawagan ang mga mambabatas para sa transparency at pananagutan mula kay Dela Rosa, at paghikayat sa na harapin ang kanyang mga responsibilidad at sagutin ang mga tanong kaugnay sa mga extrajudicial killings lalo na sa mga pamilya ng mga biktimang naghahanap ng katarungan. (END)
——————————
RPPt Magna Carta of Filipino Seafarers titiyakin proteksyon, patuloy na trabaho para sa mga Pilipinong Marino - Speaker Romualdez
Ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act (RA) No. 12021 o An Act Providing for the Magna Carta of Filipino Seafarers ngayong Lunes.
Nakapaloob sa Magna Carta of Filipino Seafarers ang mga karapatan at responsibilidad ng mga Pilipinong marino, kanilang kuwalipikasyon, terms of employment, edukasyon at kinakailangang pagsasanay.
“This historic piece of legislation will ensure the protection and continuous employment of our Filipino sailors, most of whom are employed by foreign shipping companies. They will be able to continue to support their families back home,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nilalayon ng batas na makasabay ang kasalukuyang regulasyon sa nagbabagong pandaigdigang pamantayan, ayon sa lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“With this measure, we hope we can remain to be the largest supplier of seafarers in the world,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Napapanahon din aniya ang pagkakalagda ng batas dahil nataon ito sa selebrasyon ng Maritime Day sa Huwebes.
Pinoprotektahan din, ani Speaker Romualdez ng Magna Carta of Filipino Seafarers ang mga babaeng marino mula sa diskriminasyon.
Maliban pa aniya sa pagsuporta sa kanilang mga pamilya, malaki rin ang ambag ng mga Pilipinong marino sa foreign exchange remittances ng bansa.
“Their remittances contribute significantly to keeping the economy on the high-growth path,” sabi niya.
“Our seafarers are among our modern-day heroes,” diin ng House Speaker.
Ilan sa mga probisyon ng batas ay ukol sa karapatan at tungkulin ng mga marino, mga kababaihan sa maritime industry, emergency rescue ng domestic seafarers, manning levels at crew competency requirements, terms and conditions ng kanilang trabaho employment; akomodasyon at pagkain,
Medical care, inspection at enforcement, green lane para sa overseas and domestic mariners, requirements para sa mga Philippine-registered ships sa shipboard training, insentibo at awards na ipinagkakaloob sa maritime industry, repatriation, reintegration, edukasyon at training, at resolusyon ng mga hindi pagkakasundo.
Tiwala naman si House Deputy Majority Leader and Tingog Partylist Rep. Jude Acide, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, na matagumpay na matutugunan ng batas ang mga isyu ng foreign employers pagdating sa edukasyon, pagsasanay at competency ng Filipino seafarers.
“We hope our sailors will not face the same threats of being blacklisted made in the past by some shipping companies in Europe due to these concerns,” sabi niya.
“Our law conforms with international legislation and standards, which means that foreign companies will mostly likely continue employing our sailors,” ani Acidre. (END)
—————————
RPPt Pagtatayo ng 4-palapag na gusali para sa Bauan High School patunay ng pangako ni PBBM na itataguyod ang de kalidad na edukasyon
Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kongresista na dumalo sa project presentation ng apat na palapag na gusali para sa Bauan Integrated Technical High School (BITHS) sa Bauan, Batangas.
Ayon kay Speaker Romualdez ang bagong gusali ay isang patunay na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang pagkakaroon ng de kalidad na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.
“Sa araw na ito, hindi lamang pagtatayo ng building ang ipinagdiriwang natin. Kinikilala rin natin ang pagpapahalaga ng ating pamahalaan sa mga kabataan natin dito sa Batangas, mula sa ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hanggang sa ating masipag na kinatawan sa Kongreso na si Representative Gerville Luistro, pati na rin sa mga opisyal ng inyong bayan at mga tagapamahala ng Department of Education,” ani Speaker Romualdez.
“Lahat tayo ay nagkakaisa para tiyakin na ang mga kabataang Pilipino, lalo na dito sa Bauan, ay magkakaroon ng de-kalidad na edukasyon,” dagdag pa nito.
Bukod kay Luistro, nakasama ni Speaker Romualdez sa pagtitipon si Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., at ang mga miyembro ng Quad Committee na sina Reps. Robert Ace Barbers, Joseph Stephen Paduano, Johnny Pimentel, Romeo Acop, Dan Fernandez, Jonathan Keith Flores, at Ramon Rodrigo Gutierrez.
Ayon kay Speaker Romualdez kinausap nito si Appropriations Chairman Elizaly Co para sa posibleng pagtatayo pa ng dalawang bagong gusali sa BITH upang mas maraming estudyante ang makapasok sa paaralan. Umami ng sigawan ang naging anunsyo ni Speaker Romualdez mula sa mga nakikinig na estudyante, residente, at mga opisyal ng ikalawang distrito ng Batangas.
Ang bagong gusali ay mayroong 20 silid-aralan.
“Sa pagtatapos ng gusaling ito, mas maraming kabataan ang magkakaroon ng mas maayos at komportableng lugar upang mag-aral at maghanda para sa kanilang mga pangarap. Hindi lamang ito gusali, kundi isa itong daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan,” sabi ng lider ng Kamara.
Ayon kay Speaker Romualdez itinutulak ng administrasyon na mapaganda ang mga pasilidad para sa edukasyon, kasama na ang pagtugon sa siksikang estudyante sa silid-aralan, isang pamumuhunan para sa magandang kinabukasan ng bansa.
“Bilang Speaker, ipinapangako ko po na patuloy naming susuportahan ang mga programa ng pamahalaan para sa edukasyon. Kami ay kaagapay ng ating Pangulo sa pagsisigurong maayos na nagagamit ang pondo ng bayan para sa mga proyektong tulad nito. Malaki ang ambag na ito sa paghubog ng mga susunod na henerasyon ng mga lider at propesyonal,” sabi ng lider ng Kamara.
Nanawagan si Speaker Romualdez sa publiko na magkaisa upang matugunan ang mga problema sa sektor ng edukasyon at iginiit na ang pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon ay responsibilidad ng lahat na nangangailangan ng patuloy na pagtutulungan. (END)
——————————-
RPPt Acop: Misis ni Harry Roque ipapaaresto kung hindi susunod sa show cause order
Nagbabala si Antipolo City Rep. Romeo Acop kay Mylah Roque, ang misis ni dating presidential spokesman Harry Roque na mapipilitan ang quad committee ng Kamara de Representantes na siya ay ipaaresto kung hindi ito tutugon sa inilabas na show cause order laban sa kanya.
“Pwede naman siya pumunta at magsabi na I refuse to answer dahil ma self-incriminate siya…Kung di siya pupunta, isa ‘yan sa pinakamabigat sa rules namin na pwede siyang ma-cite in contempt, for not respecting our invitation,” sabi ni Acop sa oanayam ng TeleRadyo Serbisyo.
“Kung hindi mo i-honor 'yung subpoena, we will request that an arrest order be issued against her,” sabi pa nito.
“If the quad committee schedules a hearing and she does not show up despite the invitation, we will issue an order to cite her in contempt,” dagdag pa ni Acop, chairman ng House Committee on Transportation.
Nagpalabas ng show cause order ang quad comm laban kay Mrs. Roque upang bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat i-cite for contempt matapos na hindi dumalo sa pagdinig noong Setyembre 19.
Nagpadala ng sulat si Mrs. Roque sa komite at sinabi na nagpapagamot ito sa Singapore.
Sinabi ni Acop na nais din ng komite na malaman ang tunay na kondisyong pangkalusugan ni Mrs. Roque kaya humihingi sila ng medical rekord.
Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng Quad Comm, lumutang ang pangalan ni Mrs. Roque sa imbestigasyon dahil ito ang pumirma sa lease agreement kasama ang Chinese nationals na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) complex sa Bamban, Tarlac.
Si Harry Roque ay iniuugnay sa iligal na operasyon ng POGO gayundin ang paglago umano ng kanyang yaman. (END)
—————————
RPPt VP Sara nag-beach pero absent sa budget deliberation, solon nabahala
Nagpahayag ng pagkabahala si House Assistant Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa lumabas na ulat at kumalat na litrato sa social media na nakapag-beach si Vice President Sara Duterte sa Calaguas Island pero hindi naman nakadalo sa deliberasyon ng plenaryo ng Kamara de Representantes kaugnay ng panukalang badyet ng Office of the Vice President (OVP).
“If these reports are accurate, it is deeply concerning that the Vice President chose leisure over fulfilling her official constitutional duties to the nation. The budget deliberation is a critical process, one that ensures transparency and accountability in the use of public funds,” ani Ortega.
Dagdag pa nito, “The budget of the OVP is not just a number; it represents the people's money. The Vice President should be present to answer questions and justify the allocations, especially since her office plays a significant role in national governance.”
Binigyan-diin ni Ortega ang pangangailangan na magpakita ng accountability at maging responsable ang mga opisyal ng gobyerno lalo na pagdating sa paggastos sa pondo ng bayan.
“While acceptable reasons for absence include personal emergencies or health issues, choosing to relax at a beach resort during a pivotal moment in Congress is a clear disregard for the responsibilities of her position,” wika pa nito.
Dahil hindi sumipot si Duterte, sinabi ni Ortega na nabalam ang pag-usad ng deliberasyon.
“This isn’t just about one office—delays in discussions affect public trust in government institutions and hinder the delivery of essential services to the people,” saad pa nito.
Ayon sa mambabatas, ang dumating na nagpakilalang kinatawan ng OVP ay walang formal authorization at nabigo na magbigay ng paliwanag kung bakit wala si Duterte.
"Congress deserves the proper respect and transparency when it comes to official deliberations. Sending someone without any clear authorization or explanation does not help the situation,” sabi pa nito.
“The Filipino people deserve an explanation. Public officials, especially those in high office, should lead by example in accountability, responsibility, and commitment to duty. We urge the Vice President to address this matter with urgency and transparency,” dagdag pa nito.
Iginiit ni Ortega ang kahalagahan na mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno at matiyak na tama ang paggastos ng limitadong pondo ng bansa para sa kapakanan ng mga Pilipino. (END)
—————————
RPPt House Minority Leader dismayado sa hindi pagdalo ni VP Sara sa budget deliberations
Hindi naitago ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagpunta ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng plenaryo kaugnay ng panukalang 2025 badyet ng Office of the Vice President (OVP), sa gitna ng mga balita na nagbakasyon ito sa Calaguas Island noong weekend.
“May nabasa po akong report na noong weekend nasa Calaguas Island, sa Camarines Norte. Pero weekend naman ‘yun,” ani Libanan sa isang press conference nitong Lunes. “Ang importante ngayong araw, napakahalaga po ang budget hearing dahil ito po ‘yung pinakamalaking piece of legislation.”
Binigyan-diin ni Libanan ang matagal ng tradisyon nang pagpunta ng mga lider ng mga tanggapan sa mahalagang pagtalakay sa kanilang badyet.
“Sa aking experience bilang mambabatas, ‘pag budget hearing, lahat ng heads of offices ay nag-attend. At kung hindi ka man mag-attend, kailangan may valid reason ka o magtalaga ka ng responsableng tao na tatayo para sa'yo, para ‘pag tinanong ka, may masasagot,” saad ni Libanan.
Binigyan-diin ni Libanan ang kahalagahan na makapagbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag ni Duterte kung bakit hindi ito dumalo na lalo umanong naglalagay ng kuwestyon sa pagkakaroon nito ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng OVP.
“Kaya naman po ay nagtatanong pa rin kami, ‘Nasaan ang ating Vice President?’ Kanina, naka-schedule kami sa 10 o'clock, pero walang magandang explanation,” ani Libanan.
Bagamat mayroon umanong staff member na dumating, sinabi ni Libanan na wala itong written authorization na magpapatunay na pinapayagan itong kumatawan sa OVP.
Iginiit din ni Libanan ang kahalagahan ng pagdinig sa badyet upang matiyak na tama ang paggamit nito.
“Sa ating trabaho, minsan stressful, minsan mahirap, pero may obligasyon tayo sa taong bayan na kung may magtatanong, harapin natin,” punto ng Minority leader. “At ang minority ay pwedeng mag-scrutinize, kumampi, mag-oppose. At the end of the day, ito ang proseso ng ating demokrasya, ng ating Konstitusyon, at ng ating batas.”
Kung magpapatuloy umanong hindi pupunta si Duterte ay maipagpapaliban laban ang pagtalakay dito.
“‘Pag hindi nag-attend, idi-defer ito hanggang sa [September] 25. ‘Yung 25 ang end ng budget hearings, ma-terminate na ang period ng interpellation and debate,” paliwanag ng kongresista.
Sinabi naman ni Libanan na handa ang minorya na repasuhin ang napabalitang pagbawas sa badyet ng OVP pero iginiit na dapat itong matalakay ng husto.
“So far, sa news pa lang namin nakita, but we will have to study it. Pero ang importante, natatalakay namin kung sakali man talagang babawasan ay makapag-explain ang majority kung bakit babawasan,” wika pa nito.
Sinabi ni Libanan na dapat ding magpaliwanag ni Duterte sa publiko kung bakit hindi ito dumadalo sa pagdinig ng panukalang badyet nito.
“Napaka-unusual po ito. Sana may magandang explanation siya at valid explanation dahil hindi pa po ito nangyayari,” he said. “Ngayon pa lang ito mangyayari sa ating budget hearing. Bago ko sabihin po ‘yan, kailangan mag-explain muna kung bakit wala siya dito,” dagdag pa ni Libanan. (END)
——————————
RPPt COA sinita paggastos ni VP Sara ng P237M confidential fund sa loob ng 7 buwan: Malawakang maling paggamit ikinabahala
Naubos ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang P500 milyon confidential fund nito sa loob ng pitong buwan at sinita ng Commission on Audit (COA) ang kuwestyunableng paggamit sa P237 milyon ng naturang pondo.
Ikinabahala ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang ulat na ito ng COA lalo at P73 milyon sa P125 milyong confidential fund na inubos sa loob ng 11 araw noong 2022 ay mayroon ng Notice of Disallowance, na indikasyon na nabigo ang Office of the Vice President (OVP) na mahusay itong maipaliwanag nang unang tanungin ng COA.
Nanawagan si Khonghun sa tanggapan ni Duterte na magpaliwanag sa publiko sa halip na iwasan ang mga tanong kaugnay ng paggamit nito ng kinukuwestyong pondo.
“The P73 million disallowed by COA is just the beginning of a broader pattern of seeming misuse or mismanagement of government funds, as an additional P164 million has been flagged in audit observation memorandums (AOMs),” sabi ni Khonghun.
Dagdag pa nito, “We are seeing a disturbing pattern of misuse or mismanagement of government funds. Vice President Duterte needs to explain this to the public—she owes the Filipino people transparency and accountability.”
Nauna rito, inilahad ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing sa pagdinig ng Appropriations committee sa panukalang badyet ng OVP ang summary ng naging paggastos ng confidential funds nito.
Mula ng maupo noong 2022, si Duterte ay napaglaanan ng P625 milyong halaga ng confidential fund hanggang noong Disyembre 2023. Sa naturang halaga ang naubos ng OVP ay P500 milyon — P125 milyon noong 2022 at P325 milyon noong 2023.
Sa P125 milyon na ginastos sa loob ng 11 araw noong 2022, P73 milyon ang kinuwestyon ng COA ang pagkakagastos. Matapos mabigo ang OVP na tuwiran itong maipaliwanag ay naglabas ang COA ng Notice of Disallowance, o ipinababalik na sa mga responsableng opisyal ang naturang pondo.
Sa halagang P73.3 milyon, P34.857 milyon ang ginastos sa “various goods” at P24.93 milyon para sa gamot na parehong nasa ilalim ng “payment of reward.” May ginastos ding P3.5 milyon para sa “chairs, tables, desktop computers, and printers” na sinita ng COA.
Para sa P325 milyong confidential fund na ginastos sa unang tatlong quarter ng 2023, naglabas naman ang COA ng AOM sa P164 milyon dahil sa hindi malinaw na paggastos dito.
Sa inilabas na summary ni Suansing, pinuna ng COA auditors ang paggastos sa P67 milyon o 53.5% sa unang quarter ng 2023, P62 milyon o 49.6% sa ikalawang quarter at P35 milyon o 28% sa ikatlong quarter.
Iginiit ni Khonghun na pera ng taumbayan ang ginastos kaya dapat ay ipaliwanag ito ni Duterte sa taumbayan na nagtiwala sa kanya.
“This is public money—hard-earned taxes of Filipinos. We need to know how it was spent, especially with COA raising red flags. The Vice President must address these concerns head-on,” sabi ni Khonghun.
Ayon din sa ulat ng COA na inilahad ni Suansing sa pagdinig, naubos ang P500 milyong confidential fund sa loob ng pitong buwan o paggastos na P2.4 milyon kada araw.
Sa kategoryang “purchase of information,” ang OVP ay gumastos ng P14 milyon mula Disyembre 21-31, 2022; P10 milyon mula Pebrero 6 hanggang Marso 29, 2023; P12 milyon mula Abril 25 hanggang Hunyo 30, 2023; at P20 milyon mula Hulyo 14 hanggang Setyembre 30, 2023.
Gumastos naman ng P72 milyon sa “payment of reward” sa nabanggit na panahon ang OVP kung kailan din nagkaroon ng “surveillance and monitoring” activities ang ahensya.
Ginastos naman ng OVP ang P152 milyong confidential fund para sa “purchase of supplies,” P53 milyon para sa rental at maintenance ng mga safe house, at P122 milyon para sa “provision of medical and food aid.”
“There is a clear need for transparency,” sabi ni Khonghun. “The COA’s findings suggest serious issues in how the OVP is handling its CIF. The Vice President cannot ignore this. She needs to explain.”
Nauna ng nagpahayag ng pangamba si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa ginawang paggastos ng confidential fund ng OVP matapos ang pagdinig ng Committee on Good Government and Public Accountability noong Miyerkoles.
Iniimbestigahan din ng Kamara ang iba pang paggastos ng pondo ng OVP gayundin sa Department of Education na dating pinamumunuan ni Duterte.
“There seems to be a pattern. Based on the COA report, the same offenses that led to the notice of disallowance are present in the AOMs,” ani Gutierrez.
"We need to seriously consider if there is a pattern of misuse, misfeasance, or even malfeasance in this case,” dagdag pa nito. (END)
—————————
RPPt Chairman Chua: Pagtanggi ni VP Duterte na manumpa na magsasabi ng totoo hindi papayagan sa mga susunod na pagdinig
Tiniyak ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability na hindi magiging precedent o magiging batayan o gayahin sa mga susunod na pagdinig ang ginawang pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na manumpa na magsasabi ng katotohanan sa pagdinig ng komite noong nakaraang linggo.
Iginiit ni Manila Rep. Joel Chua na ang panuntunan ng Kamara de Representantes na panumpain ang mga saksi at resource person na magsasabi ng pawang katotohanan sa kanilang pagtestigo ay kinakailangan upang mapanagot ang mga ito kung sila ay mapapatunayan na nagsisinungaling.
"Lahat ang witnesses at resource persons po ay nire-require po natin sila na mag-take ng oath para malaman po natin kung sila ay nagsasabi ng totoo at pawang katotohanan lamang," ani Chua na nanindigang nakasaad ang patakarang ito sa Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
Panunumpaan dito na magsasabi ng totoo: “Do you solemnly swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth (in this inquiry)? So help you, God.”
Binasag ni Duterte ang tradisyon at regulasyon noong nakaraang Miyerkules nang tumanggi siyang manumpa na magsasabi ng totoo sa pagsisimula ng imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa umano'y maling paggamit ng kanyang tanggapan ng milyong pisong pondo para sa sosyo-ekonomikong mga programa.
Kahit si dating Pangulong Joseph Estrada at namayapang Pangulong Fidel Ramos at Benigno “Noynoy” Aquino III ay nanumpa na magsasani ng totoo nang maimbitahan bilang resource persons sa congressional inquiry.
Ipinaliwanag ni Chua na ang desisyon ng komite na pasalitaan si VP Duterte nang hindi sumusumpa bilang respeto sa kaniyang tanggapan ngunit hindi na aniya mauulit pa ang ganitong kortesiya sa mga susunod na pagdinig.
"Hindi po ibig sabihin na ito pong insidente dahil hinayaan po natin ay magiging precedent na sa mga susunod na mga committee hearings. Hindi po mangyayari yan," sabi niya kasabay ng pagbibigay diin na lahat ng testigo ay kailangan manimpa salig sa panuntunan ng Kamara.
Ikinasa ang imbestigasyon sa sinasabing maling pag gugol ng pondo ng Office of the Vice President (OVP), partikular sa confidential at socioeconomic funds.
Sabi pa ni Chua na ang pagtanggi na manumpa ay maaaring maging batayan para sa contempt sa normal na sitwasyon.
"In fact, ito po ay isang ground para ang mga witnesses ay ma-cite for contempt. Pero dahil sa paggalang sa opisina ng ating bise-presidente, ito ay i-ooverlook po natin at palalagpasin po natin," paliwanag niya.
Sabi pa ni Chua ang pagiging maluwag ng komite sa sitwasyong ito ay isang exception, at hindi taliwas sa nailatag nang mga alituntunin.
"Pinayagan po natin ang ating kagalang-galang na vice president na hindi po mag-take ng oath... dahil po sa pagbigay po natin ng respeto sa posisyon at sa opisina na kanya pong nirerepresenta bilang vice president," sabi niya.
Muling binigyang diin ni Chua na ang mga susunod na testigo at resource persons sa kanilang pagdinig ay kailangan nang manumpa para matiyak ang integridad ng kanilang mga salaysay.
"Ito po ay nakalagay po sa ating Rules … para malaman po natin na ang mga testimonya at impormasyon na kanila pong binibigay sa atin ay totoo at maaasahan po ng komite at ng august body," saad pa ni Chua. (END)
—————————-
RPPt Kamara aaprubahan P6.352T badyet para sa 2025 sa Miyerkoles
Nakatakdang aprubahan sa ikatlo at huling pabasa ng Kamara de Representantes ang panukalang P6.352 trilyong badyet para sa 2025 sa Miyerkoles (Setyembre 25) matapos ang dalawang linggong debate sa plenaryo.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sinusunod ng Kamara ang itinakda nitong timeline sa pag-apruba ng badyet nang hindi isinasakripisyo ang pagiging malinaw kung saan ito gugugulin.
Sinabi rin ng lider ng Kamara, na mayroong mahigit 300 kinatawan, na ang pag-apruba sa panukalang badyet sa Miyerkoles ay magbibigay ng sapat na panahon sa Senado upang mapag-aralan ito.
“We have sufficient time to finally agree on the budget before yearend. It is the most important piece of legislation Congress passes every year,” punto pa ng lider ng Kamara.
“Next year’s spending legislation will serve as our tool for sustained economic development. It will support the Agenda for Prosperity programs of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” dagdag pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez ang badyet ay magiging instrumento upang maiparamdam ng gobyerno sa publiko ang dibidendo ng pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng mga social protection at financial assistance program at paggastos sa mga imprastraktura gaya ng kalsada, ospital, klasrum, seaport at airport, irrigation systems at transportation networks.
“We hope our people will feel the benefits of growth through the programs intended for them in the national budget,” ani Speaker Romualdez.
Nauna ng nagpasalamat si Speaker Romualdez sa Committee on Appropriations na pinamumunuan nina chairman Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, at senior vice chairperson Marikina Rep. Stella Quimbo sa pagpasa ng panukalang badyet sa oras.
Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, chairman ng House Committee on Rules, inaasahan na sesertipikahan ni Pangulong Marcos ang panukalang badyet upang maipasa ng Kamara sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa oras.
Sa unang linggo ng pagsalang ng panukalang badyet sa plenaryo ng Kamara, natapos ang deliberasyon sa panukalang pondo ng Department of Finance, Department of Justice, National Economic and Development Authority, the judiciary, Office of the Ombudsman, Commission on Human Rights, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Interior and Local Government, Department of Tourism, Development of Labor and Employment;
Commission on Elections, Department of Agrarian Reform, Department of Foreign Affairs, Department of Trade and Industry, Department of National Defense, Department of Migrant Workers, Presidential Communications Office, Department of Science and Technology, Metro Manila Development Authority, state colleges and universities, at mga korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno.
Mula Lunes hanggang Miyerkoles, tatalakayin naman sa plenaryo ang panukalang pondo ng Office of the President, Office of the Vice President. Department of Agriculture, National Irrigation Administration, Department of Health, Department of Energy, Energy Regulatory Commission;
Civil Service Commission, Department of Environment and Natural Resources, Commission on Audit, Department of Transportation, Department of Social Welfare and Development, Congress, Department of Trade and Industry, Department of Public Works and Highways, Department of Education, at ilan pang tanggapan sa ilalim ng executive department.
Bago aprubahan ang 2025 General Appropriations Bill, inaasahan ang Turno En Contra speeches ng mga tutol sa panukalang badyet na susundan ng period of amendments.
Dahil sa inaahasang dami ng mga amyenda mula sa mga miyembro, posibleng muling bumuo ng small committee ang Kamara na siyang mangangasiwa sa mga ito.
Bago ideklara ang unang recess ng third regular session ng 19th Congress ay inaasahan na magtatalumpati si Speaker Romualdez.
Mula noong Lunes ng nakaraang linggo ay sinisimulan ng Kamara ang sesyon ng plenaryo nito ng alas-10 ng umaga upang matapos ang mga naka-schedule na talakayin kaya inaabot ito ng gabi.
Nagkaroon din ng sesyon noong Huwebes at Biyernes sa halip na ang regular na tatlong araw kada linggong sesyon ng plenaryo lamang para maabot ang itinakdang deadline. (END)
—————————-
RPPt Rep. Acop kay Sen. Bato: Wag kang magtago sa saya ni VP Sara
Hinamon ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na huwag magtago sa ilalim ng saya ni Vice President Sara Duterte at sa halip ay harapin ang mga akusasyon laban sa kanya kaugnay sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) ng ipatupad ang “anti-drug war” ni Duterte kung saan libo-libong Pilipino ang pinaslang.
Sinabi ni Acop na walang basehan ang iginigiit ni Dela Rosa na ang testimonya ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa Quad Committee ng Kamara de Representantes ay bahagi ng “demolition job” laban kay VP Duterte at mga kaalyado nito para sa 2028 elections.
“There’s no demolition job here—only legitimate questions that need clear answers. Sen. Dela Rosa should be man enough to face the facts and take responsibility, instead of hiding behind VP Sara’s skirt,” giit pa ni Acop, ang vice chairman ng apat na komite ng Kamara na bumubuo sa Quad Comm.
Sinabi ni Acop, na siya ring chairman ng House Committee on Transportation, na layunin ng pagdinig na matuklasan ang katotohanan sa likod ng mga extrajudicial killings na nauugnay sa kampanya kontra-droga ni Duterte, pati na rin ang kaugnayan nito sa mga ilegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs) at ang kalakalan ng droga.
Paglilinaw pa ni Acop na walang pamumulitika sa isinagawang pagdinig, lalo’t ang testimonya ni Mabilog ay mahalaga sa tinutumbok ng imbestigasyon.
“Former Mayor Mabilog’s testimony is crucial. Our goal is to craft laws that will put an end to these crimes—not to play political games,” punto pa ni Acop.
Sinabi ni Mabilog sa kanyang inihalad na testimonya na pinilit siya na isangkot sina dating Senador Franklin Drilon at Mar Roxas bilang mga drug lord noong kasagsagan ng kontrobersyal na kampanya kontra-droga ni Duterte.
Ibinunyag din ng dating alkalde na siya at ang kaniyang pamilya ay nakatanggap ng mga banta, matapos siyang akusahan ng dating pangulo bilang protektor bilang protektor sa kalakalan ng droga.
Minaliit din ni Dela Rosa, ang imbestigasyon ng Kamara at tinawag itong isang "fishing expedition."
Kinontra rin ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., chairman ng Committee on Human Rights, ang pahayag ni Dela Rosa, at sinabing ang imbestigasyon ay nakatuon upang mailantad at papanagutin ang mga responsable sa mga pagpaslang.
“Senator Dela Rosa’s claims of ‘demolition job’ and ‘fishing expedition’ are far from the truth. Our committee is committed to addressing systemic problems, and this investigation is about holding those responsible accountable—not playing politics,” ayon kay Abante.
Dagdag pa ng kongresista, “as legislators, it is our duty to seek justice for the victims of illegal drug operations and expose the syndicates behind them. If we fail to do so, more Filipinos will continue to suffer.”
Hinamon din ng mambabatas si Dela Rosa na humarap sa Quad Comm at duon ipahayag ang kanyang panig kaugnay sa testimonya ni Mabilog.
"Our doors are always open to those who wish to provide the Quad Comm with information that will help us accomplish our task," ayon kay Abante.
Kapwa binigyan diin nina Acop at Abante na ang layunin ng joint panel ay nakatuon upang malaman ang mga koneksyon sa pagitan ng ilegal na droga, POGOs, at pang-aabuso sa kapangyarihan na umiral sa bansa sa loob ng maraming taon.
Binanggit pa ng dalawang mambabatas na ang mga testimonya ng napakaraming testigo, kabilang na si Mabilog, ay nagpapakita sa malawak na saklaw ng mga krimen at kung paano ito nauugnay sa mas mataas na antas ng kapangyarihan at impluwensiya.
“Ang trabaho ng komite ay imbestigahan at gumawa ng batas para matigil ang mga krimen na ito. Wala kaming pakialam sa eleksyon ng 2028—ang mahalaga ay ang hustisya para sa mga biktima,” ayon kay Acop.
Ang mega-panel—na binubuo ng mga komite ng Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public Accounts—ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaugnayan ng ilegal na POGOs, iligal na kalakalan ng droga, ilegal na pagbili ng mga Chinese nationals ng mga lupain kasabwat ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at mga extrajudicial killings sa panahon ng war on drugs ng administrasyon ni Duterte. (END)
<< Home