Monday, September 23, 2024

Milks

SAGIP PL Representative Rodante Marcoleta, tinanggal sa pagiging miembro ng limang makapangyarihang komite…

Pinatalsik bilang miembro ng limang makapangyarihang komite si SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta.

Inihayag ito kagabi sa plenary session bago mag-break ang sesyon simula ngayong araw.

Tumayo sa plenaryo si Deputy Majority Leader at Iloilo City Representative Jam Baronda at ni-nominate si Manila Teachers Partylist Representative Virginia Lacson sa Commission on Appointments maging sa Committees on Energy, Justice, Public Accounts at Constitutional Amendments.

Miembro lahat ng limang nabanggit na komite si Marcoleta pero walang paliwanag kung bakit siya tinanggal sa naturang mga komite.

Una nang inalis si Marcoleta  bilang vice chairman mg Committee on Good Governance and Public Accountability.

Matatandaan, isa si Marcoleta sa mga nagtanggol kay Vice President Sara Duterte nang imbitahan ng komite sa kuwestiyunableng paggastos ng pondo nito sa DepEd noong 2022 at sa OVP.

Nang hingan ng reaksiyon sa pamamagitan ng text, sinabi ni Marcoleta, ito ang kanyang pagbabayaran sa pagtayo para panindigan ang mga tamang regulasyon na dapat sundin sa Kamara.

————————-

Milks/27sept24

Newscenter advancer muna…

RHTV :Pagamit file vids ng Quad Comm

Dalawang bagong witness ipi-prisinta sa ika-7 hearing ngayon ng Quad Comm… dating PNP Chief Acorda, haharap..

May dalawang bagong testigo na ihaharap sa ika-pitong hearing ngayon ng Quad Committee at sesentro ang pagdinig sa extra judicial killings.

Sa impormasyon, inimbitahan ng komite si dating PNP Chief General Benjamin Acorda.

Sa nagdaang hearing ng Senado, pinakita ang mga litrato ni Acorda kasama ang nadakip na si Tony Yang o Jianxin Yang.

Si Yang ay nakatatandang kapatid ni Michael Yang, dating Duterte presidential adviser.

Sa impormasyon, ang litrato ni Acorda kasama si Yang ay kuha nang siya pa ang hepe ng Northern Mindanao kung saan saklaw ang Cagayan de Oro na karamihan matatagpuan ang mga negosyo ni Yang.

So Michael Yang naman ay mayroon nang warrant of arrest na ipinalas ng Kamara sa pamamagitan ng House Committee on Dangerous Drugs dahil sangkot sa mahigit tatlong bilyong pisong halaga ng droga na nasabat sa Mexico, Pampanga.

Kung matutuloy, ngayon nakatakdang humarap si Davao City Representative Paolo Duterte kasama sa mga magtatanong sa mga resource person dahil nadadawit ang kanyang ama sa isyu ng ejk at illegal drugs.

—————————-

Milks SAGIP PL Representative Rodante Marcoleta, tinanggal sa pagiging miembro ng limang makapangyarihang komite…

Pinatalsik bilang miembro ng limang makapangyarihang komite si SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta.

Inihayag ito kagabi sa plenary session bago mag-break ang sesyon simula ngayong araw.

Tumayo sa plenaryo si Deputy Majority Leader at Iloilo City Representative Jam Baronda at ni-nominate si Manila Teachers Partylist Representative Virginia Lacson sa Commission on Appointments maging sa Committees on Energy, Justice, Public Accounts at Constitutional Amendments.

Miembro lahat ng limang nabanggit na komite si Marcoleta pero walang paliwanag kung bakit siya tinanggal sa naturang mga komite.

Una nang inalis si Marcoleta  bilang vice chairman mg Committee on Good Governance and Public Accountability.

Matatandaan, isa si Marcoleta sa mga nagtanggol kay Vice President Sara Duterte nang imbitahan ng komite sa kuwestiyunableng paggastos ng pondo nito sa DepEd noong 2022 at sa OVP.

Nang hingan ng reaksiyon sa pamamagitan ng text, sinabi ni Marcoleta, ito ang kanyang pagbabayaran sa pagtayo para panindigan ang mga tamang regulasyon na dapat sundin sa Kamara.

—————————-

Tiniyak ng liderato ng Kamara na maipapasa on time ang 2025 proposed national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion pesos.

Ito ay sa pangamba na baka masabotahe ang pagpagpasa sa budget bill dahil ang OVP budget na lamang ang di pa sumasalang sa plenary deliberation sanhi ng kawalan ng kooperasyon at hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales Representative Jefferson Khonghun, nagtra-trabaho ang Kamara para maipasa on time ang 2025 General Appropriations Bill.

Sabi ni Khonghun, kung sa tingin ni VP Sara ay kaya niyang isabotahe ang pagpasa sa budget, hindi anya ito papayagan ng Kamara.

Dahil sa hindi pagsipot at ni isang kinatawan ang pinadala si VP Sara sa plenary deliberation ng 2025 OVP budget, deferred o ipinagpaliban ng Kamara ang pagpapatibay sa budget ng Pangalawang Pangulo hanggang siya ay dumating sa plenaryo.

Narito si House Assistant Majority Leader Jefferson Khonghun…

RHTV

Timestamp : 0:07-0:56

de Representante

Dagdag pa ni Khonghun, hindi maghihintay magpakailanman ang Kamara kay VP Sara,  at dapat isipan nya rin ang mga nagta-trabaho sa kanyang tanggapan.

Hanggang ngayon na lamang ang binibigay na pagkakataon ng Kamara na dumalo si VP Sara sa plenary deliberation ng OVP budget bago mag-break ang sesyon.

Nirekuminda ng House Committee on Appropriations ang P733.198 million na budget ng OVP mula sa hinihingi nitong P2.037 billion pesos o katumbas ng P1.29 billion ang kinaltas.

————————

Milks 2025 plenary deliberation ng OVP budget ipinagpaliban… Kamara binibigyan si VP Sara ng hanggang Miyerkules para dumalo sa plenaryo…

Hanggang Miyerkules ang binibigay na pagkakataon ng Kamara kay Vice President Sara Duterte na pumunta at suportahan ang plenary deliberation ng 2025 budget ng Office of the Vice President.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, hihintayin pa rin nila si VP Sara na dumalo sa plenary deliberation ng OVP budget hanggang Miyerkules, ang huling araw ng plenary deliberations bago mag-break ang sesyon.

Sabi ni Libanan, hindi pwedeng isalang sa plenary deliberation ang OVP budget kung wala ang pangunahing opisyal nito kahit papuntahin pa ang mga undersecretary ni VP Sara para kumatawan sa kanya.

Sa impormasyon, nasa Calaguas Island, Camarines Norte si Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos hindi siputin ang plenary deliberation ng Office of the Vice President ngayong araw.

Mula sa panukalang P2.037 billion pesos na budget nito sa 2025, aabot na lamang sa P733.198 million pesos.

Umaabot sa P1.29 billion ang tinapyas  ng House Committee on Appropriations sa kabuuang budget ng Pangalawang Pangulo.

Free Counters
Free Counters