Friday, April 08, 2022

PAGPAPANATILING AKTIBO NG MGA KAWANI NG KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN, INILUNSAD SA PAMAMAGITAN NG THURSDAY WALK

Upang isulong ang kalusugan ng mga kawani, hinikayat ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Huwebes ang mga opisyal at kawani ng Secretariat na makibahagi sa paglulunsad ng "Take a Break from Work, Join the Thursday Walk", isang lingguhang aktibidad ng fitness na pinasimulan ni Speaker Lord Allan Velasco at Secretary General Mark Llando Mendoza. 


Ang aktibidad na ito, na bahagi ng Wellness in Workplace Program, ay naisagawa sa pamamagitan ng pagsisikap ng Human Resource Management Service at ng Administrative Department, sa pakikipag-ugnayan sa Office of the Secretary General, gayundin sa San Miguel Corporation bilang pangunahing isponsor. 


Nilalayon nitong madagdagan ang pisikal na aktibidad, pahalagahan ang mga tanawin ng Kapulungan, at baguhin ang nakagawiang iskedyul na dulot ng pandemya. Natuwa si Secretary General Mendoza na maraming kawani mula sa lahat ng departamento ang nakilahok sa Thursday Walk, at nabanggit din niya na marami pang aktibidad ang maaari nilang asahan sa mga darating na linggo.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters