SECRETARIAT NG KAPULUNGAN, TINAPOS NA ANG FORUM SA PAMBANSANG SEGURIDAD
Habang naghahanda ang Secretariat sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ay muling nagpulong ang mga opisyal at mga staff ngayong Miyerkules para sa huling araw ng online forum, na may titulong “National Security Concepts and Current Issues.” Matapos na mapakinggan ang mga kagalang-galang na panauhing tagapagsalita sa unang araw, ay naatasan ang mga kalahok ngayong araw na isakatuparan ang kanilang mga natutunan at itanghal ang kanilang mga nagawa sa kunwang aktibidad sa krisis. Pinuri ni
Office of the Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes (OPASGP) Undersecretary Gloria Mercado, isa sa mga panauhing tagapagsalita ang mga kawani ng Kapulungan, matapos silang makapagtanghal ng mga inklusibong countermeasures, na naglalayong isulong ang mga kapakanan at seguridad ng mga Pilipino. “This country is in safe hands in terms of policies and legislation,” aniya, at binanggit na ang Kapulungan ay may sapat na kaalaman at katangi-tanging support staff. Samantala, hinimok ni Philippine Public Safety College (PPSC) Center for Policy and Strategy Chief Rodney Jagolino, MNSA, ang mga kalahok na galugarin ang mga lugar kung saan ay may mga oportunidad para sa mga hakbang sa lehislasyon. Sa gitna ng mga umiiral na sigalot sa ibang bansa habang nakakaranas ng pandemya at pagsirit ng halaga ng gasolina, binigyang-diin ni Congressional Policy and Budget Research Department Deputy-Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr., ang kahalagahan ng pagtalakay sa pambansang seguridad. Sumang-ayon ang mga panauhing tagapagsalita na makakatulong sa mga mambabatas ang paksa upang makapagbalangkas ng mga karampatang batas, na nagbabahagi ng agarang pagtugon at mahabang solusyon kapag dumating ang krisis.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home