PAGTA-TRABAHO SA BAHAY NG BPO EMPLOYEES DAPAT ITULOY
Isinusulong ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran ang pagpapatuloy ng “work from home arrangement” para sa mga empleyado ng mga kumpanya ng business process outsourcing (BPO) sa special economic zones.
Sinabi ng House Majority Leader na bagaman at ang mga BPOs sa special economic zones ay nasasakop ng Republic Act 7916 o ang Special Economic Zone Act of 1995 na nag-aatas sa lahat ng mga rehistradong kumpanya na magsagawa ng operasyon sa loob ng ecozones para magkaroon ng insentibo sa buwis, naniniwala siyang dapat pag-aralang muli ng Department of Finance, Philippine Economic Zone Authority at Fiscal Incentives Review Board ang pag-aatas sa mga manggagawa sa BPO na pisikal na magbalik sa opisina simula Abril a uno.
Ayon pa sa mambabatas, habang ang punong tanggapan ng isang kumpanya ng BPO ay nasa loob pa rin naman ng PEZA at doon nagsasagawa ng operasyon, dapat ay makuha pa rin nila ang mga insentibo.
“Furthermore, we have a Telecommuting law, which is effective for the entire country, and that includes the special economic zones,” dagdag ni Taduran.
Ang Republic Act 11165 na kilala rin bilang “Telecommuting Act” ay isang kasunduan sa pagta-trabaho kung saan pinapayagan ang empleyado ng pribadong sektor na makapagtrabaho sa isang alternatibong lugar sa pamamagitan ng telekomunikasyon o teknolohiya ng kompyuter.
“In addition, with the skyrocketing prices of petroleum products, which translate to increases in fare, basic commodities, etcetera, it is actually more practical to maintain the work from home scheme,” ani Taduran.
“We have to understand that everything is not yet back to normal. Thus, the government must not insist on the pre-pandemic terms. If BPOs are forced to do this, we run the risk of losing these investors to our neighboring countries,” pagtatapos ni Taduran.
-30-
<< Home