Smuggling ng malalaking halaga ng pera sa bansa, sisiyasatin
Magsasagawa ng motu-proprio investigation ang House Committee on Banks and Financial Intermediaries sa isyu ng smuggling ng malalaking halaga ng pera sa bansa.
Ayon kay Quirino Rep Junie Cua, ang chairman ng komite, mainam na maimbestigahan kung saan galing at ano ang pagagamitan ng mga milyong- milyong pera na iligal na naipapasok sa bansa dahil may epekto ito sa ekonomiya.
Ani Cua, makakasama sa ekonomiya kung dirty money ang mga naipapasok sa bansa kaya dapat itong mapaimbestigahan sa lalong madaling panahon.
Sinabi din nito na dapat magkaroon ng validation sa lahat ng perang pumasok sa bansa lalo pa at walang regulasyon na nagbabawal sa pagpasok ng malalaking halaga ng pera basta't ito'y dumaan lamang sa Anti- Money Laundering Council o AMLC.
Sa datos na nakuha ng kamara, nasa 1,015 na turistang nagpasok ng pera noong 2019 gamit ang ating mga paliparan ang may foreign currency declaration sa mahigit 12-milyong kataong pumasok sa bansa.
<< Home