Wednesday, March 04, 2020

NUP at iba pang malalaking partido sa Kamara, nagpahayag ng suporta sa liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano

Nagpahayag narin ng suporta kay House Speaker Alan Peter Cayetano ang National Unity Party o NUP sa gitna ng umuugong na ouster plot o planong pagpapatalsik kay Cayetano sa pwesto.

Ayon kay NUP President at Cavite Rep Elpidio Barzaga, simula ng maupo si Cayetano bilang Speaker ng 18th Congress ay hindi nagbago at buo parin aniya ang suporta ng kanilang partido sa lider ng kamara.

Sinabi pa ni Barzaga, patas ang pagtrato ni Cayetano sa kanila at sa katunayan aniya ay walang kapalit ang suportang ibinibigay nila sa speaker.

Dahil dito ay iginiit ng mambabats na hindi narin dapat guluhin pa ang House leadership ng Kamara dahil masaya naman ang mayorya ng mga kongresista. 

Bukod sa NUP, ay nagpahayag narin ng suporta kay Cayetano ang ilang malalaking partido sa kamara tulad ng Nacionalista Party ni Deputy Speaker Raneo Abu at LAKAS Party sa pangunguna ni Majority Leader Martin Romualdez.
Free Counters
Free Counters