Tuesday, March 03, 2020

Suportado pa rin ng mga malalaking partido sa Kamara si House Speaker Alan Peter Cayetano

Sinabi ni National Unity Party President at Cavite Rep Elpidio Barzaga na suportado pa rin ng kanilang partido sa Kamara si Cayetano. 

Mula simula aniya ng Speakership ni Cayetano ay matatag na ang suporta dito ng NUP. 

Bukod sa NUP, kahapon sa biglaang pagpapatawag ng pulong ay nagpahayag din ng suporta ang Nacionalista Party ni Deputy Speaker Raneo Abu at LAKAS Party sa pangunguna ni Majority Leader Martin Romualdez. 

Giit ni Barzaga, bakit pa guguluhin ang leadership ng Kamara gayong masaya naman ang mayorya ng mga kongresista. 

Sinabi pa ni Barzaga na tinatrato sila ng patas ni Cayetano at sa katunayan walang kapalit ang suportang ibinibigay nila sa Speaker. 

Pinatotohanan din ng kongresista ang ibinulgar ni Cayetano na ilan sa kanyang mga kapartido ang inalok ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco ng posisyon at pondo.
Free Counters
Free Counters