Tuesday, March 03, 2020

Pagkakatanggal kay Ungab bilang chairman ng Appro Ctte, kinondena ng HNP

Mariing kinondena ng Hugpong ng Pagbabago o HNP ang pagkakatagal sa pwesto ni Davao City Rep Isidro Ungab bilang chairman ng powerful House committee on appropriations.

Naglabas ng pahayag ang tanggapan ni Davao City Mayor Sara Duterte ng pagsuporta kay Ungab.

Ayon sa Hugpong ng Pagbabago, hindi katanggap-tanggap at 
disadvantageous sa reform agenda ng administrasyong Duterte para bigyan ng maayos at masaganang buhay ang bawat Filipino.

Pinuri ng Hugpong ng Pagbabago ang katapatan ni Ungab bilang isang mabuting sundalo ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang trabaho na may pagmamalaki at prinsipyo. 

Isang baguhang kongresista ng 18th Congress, pamamahalaan ni Act CIS partylist Eric Yap ang makapangyarihang committee on appropriations.
Free Counters
Free Counters